#31

4.3K 178 90
                                    


Omnia Vincit Amor

ni Victonara S. Galang


Unang Yugto: Dito

Eksena I: Tuang Langaan, ang makisig na Moro

Eksena II: Ang Magandang si Maria Leoncia Soledad Grande Y Nazario

Eksena III: Ang Pagkikita at Pag-iibigan

Eksena IV: Ang Pagtutol ng Lahat

Eksena VI: Ang Paglisan ni Leoncia Soledad

Eksena V: Si Juan Fransisco del Castillo, ang dating Moro


Ikalawang Yugto: Doon

Eksena I: Si Leoncia Soledad sa Kumbento

Eksena II: Ang Muling Pagkikita

Eksena III: Ang Pag-apela sa Kumbento

Eksena IV: Ang Pagtutol ng Lahat sa Ikalawang Pagkakataon

Eksena VI: Ang Paglaban ng Dalawa

Eksena V: Ang Pagwawagi ng Pag Ibig


Mga Tauhan:

Tuang Langaan /Juan Fransisco del Castillo

Maria Leoncia Soledad Grande

Doña Catalina Grande

Don Miguel Grande

Procopia

Alejandrino

Mariano

Padre Luis

Madre Cecilia

Madre Leonora

Kardinal Padua

Gobernador Heneral Fernandez


----


Sinabi ko sa squad yung desisyon ni Miss Gumabao na isama sa Buwan ng Wika yung dula ko habang kumakain kami sa canteen nung araw din na yun. They congratulated me for gaining such achievement.


Tinanggap ko na rin lang kasi medyo maganda rin yun para sa akin, pandagdag ng extra-curricular activities para sa deliberation for honor students at the end of the school year.


Pagkauwi kinagabihan ay in-edit ko na nang maayos yung Omnia Vincit Amor. May mga notes sila Miss Gumabao, Miss Pablo at Sir Torres kaya ni-revise ko na rin yung gawa ko according sa mga suggestions nila. Mostly ay sa actions lang naman at sa magiging ayos ng set. Solid naman yung dialogue. Habang inedit ko yun, parang kinilabutan ako na iniimagine na wow ipapalabas sa student body yung play ko.


KINAGANDA KO TALAGA 'TO. Cheret.


Kinausap ko na rin si Janeena na Filipino Club President at mukhang okay naman siya sa idea ng play. Wala pa raw kasing ibang nagvovolunteer na magpepresent. Kung sinuggest daw yun ni Mis Gumabao, confident siya sa project ko. Dinuscuss ko na yung magiging takbo ng kwento at nagset na rin kami ng date kung kailan ang auditions, last week ng July para magkaroon pa raw ng ample time to prepare.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon