#13

3.6K 141 31
                                    



"May gusto ka ba, Vic?"


Ikaw."


Nabigla ako sa salitang binitiwan ko. Napatingin si Thomas sa akin. Nabura ang nakangiting expression sa mukha niya. Narinig ba niya? Oh Diyos Ko!! Tila sasabog na ang dibdib ko sa kaba.


Tinanggal ni Thomas ang earphones niya right there. He asked me, "Ansabe mo?"


Hindi. Niya. Narinig. I sighed. Thank you Looooord!!


Tapos biglang ano-ano na lang, nangati ang nasal cavity ko. Nanlaban pa ako by wrinkling my nose pero wala na ring nagawa. So to top my kahihiyan today, I sneezed in the face of Thomas Torres. I repeat, in his face.


"Fuck, Ara!" Sigaw niya at saka madaling pinunasan ang mukha niya.


Kinuha ko agad ang panyo ko upang takpan ang ilong ko bago pa man ulit ako mabahing. "Ang OA mo!" I told him as I pinched my nose with my hanky. "Wala namang tumalsik." Inis ko na sumbat sa kanya.


"Hindi ibig sabihin na di mo nakikita wala na. Paano kung lumipad yung germs mo sa akin."


I removed my hanky, "Grabe ka kung magmalinis. Achooo!" I sneezed again.


"Are you sick?"


I wiped my nose as I shook my head. "I'm fine. Allergic lang kasi ako sa maalikabok."


"Sinasabi mong maalikabok ako?"


"Hala. Sa'yo nanggaling yan. Hindi sa akin." Nakangiti kong sabi sa kanya.


He rolled his eyes at me. "What did you say earlier?"


I raised an eyebrow. "Ha?" Umiling agad ako as I looked away, "Wala. Wala akong sinabi."


"Did you say "Ikaw"?"



I shot him a glance. Hindi nga niya narinig ngunit na-lipread naman niya. Fawk.


I nodded, "Oo... Sabi ko, IKAW??" At inemphasize ang rising intonation sa huling salita para mapagtanto niyang tanong yun at hindi declarative statement coming from me.


"Oh. Okay." He leaned back to his seat. "San tayo?"


Niyaya niya ba akong lumabas this Valentine's night? Charot. Syempre hindi. Assuming na naman ba, Ara? Niyaya ka lang niya kasi sabi nga niya ayaw niya pang umuwi. Sino ka naman para tanggihan ang paanyaya ni Thomas? Omg. Harot.


"Kahit saan." I answered as I also leaned back to get a better angle to glance at him.


Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon