But no. I did not talk to Pong after that incident.
Tahimik ako nung umuwi kami nang hapon ding iyon. Nagpalit-palit kami ng pairing on the way back home. Sa kotse ni Bes ako nakisakay. Sabi ko kasi dadaan ako kina Mika dahil may hihiramin ako sa kanyang libro pero wala naman talaga. Napilitang lumipat si Jeron. So si Mika, Arra, Ernestine, at ako yung sumakay sa kotse ni Bes samantalang sina Kim, Jeron, at Almond naman ang kay Thomas. Inasar pa ako ni Bes na nag-LQ daw siguro kami ni Thomas. Di ko siya pinansin.
I decided not to talk to Thomas until I remembered everything. I know, it doesn't make sense. Si Thomas ang kasama ko nung gabing yun, so siya lang din ang makapagsasabi sa akin nang tunay na nangyari. Yun nga lang kasi, parang hindi naman niya gustong sabihin sa akin. Ang vague niya e.
Tinanong ko na si Mika about sa nangyari sa amin that night. Yung huli niyang naalala ay inantok na siya kaya pumasok na sa tent na nagtutugma naman sa presumed panaginip ko.
After namin maihatid si Mika sa kanila ay dumiretso pa rin si Bes kina Thomas dahil nga birthday ni Pong. Magkakasama pa rin kami nina Arra at si Ernestine. Pagtapos kong kumain ay umuwi na rin ako. Pinigilan pa sana ako ni Pong dahil nagsisimula palang ang sing-along sa garahe nila.
"Ara, san ka?"
"Uwi. Antok na ako."
"Regalo ko?"
Umiling ako. "Wala, Pong. Next month na." Tinalikuran ko na siya at saka umalis na ako sa bakuran nila. Umuwi na ako para magmuni-muni.
---
Ang pagmumuni-muni ko ay inabot ng tatlong araw. Daig ko pa si Heneral. Pakshet. Pero wala naman akong napala. Nilamon na kasi ako ng hiya after kong mapag-isipan na nakakahiya yung ginawa ko.
Napansin siguro ng mga magulang ko ang pagmumukmok ko kaya naman sa ikatlong araw ng aking over thinking, inakyat na ako sa kwarto ng aking Ina.
"Ara, may problema ka ba?"
"Ha? Wala ma."
Napailing ang Nanay ko. Inabutan niya ako ng pera.
Ohmygod. Bibigyan niya ako ng pera? Kinuha ko yung inabot niya at nakita ang benteng naka-rolyo.
"Ma, kahit kausap hindi ako makakabili. Grabe. Dagdag naman."
"Sira. Bumili ka ng toyo sa tindahan ni Aling Nena. Naubusan tayo. Sige na, para makalabas ka naman."
"Ahhh." I said. Akala ko bibigyan ako ng pera. "Sige po, Ma."
Umalis na si Mama at bumangon naman ako sa kama ko. Dumiretso agad ako sa tindahan ni Aling Nena para bumili ng isang pouch ng toyo. Binili ko yung pinakamaliit para may barya pa. "Aling Nena, stick-O na lang po yung barya."
"Sige, anak. Kukuha muna ako ng plastic sa loob. Naubusan na kasi."
"K po."
Habang naghihintay kay Aling Nena ay dumating naman si Thomas. "Huy Narra. Ba't ngayon ka lang lumabas sa inyo?"
Aba. Ayos 'tong bungad niya ha. Siguro malungkot 'tong Pagong. Wala si Teng dito e. May travel siya with Kuya Jeric. May lugar kasi na kailangang puntahan ni Kuya Jeric para sa thesis niya, tapos sinama si Jeron. If I know, vinolunteer niya ang sarili niya. Lakwatsero kaya siya. Out of town lang naman yung travel nila, but still he's away. At dahil sa hindi ko paglabas these days malamang malungkot ang Pagong.
"Hinihintay mo ba akong lumabas?"
"Oo." Walang hesitation niyang sagot.
I blushed. Okay. Hindi ko inasahan yan.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.