#20

3.9K 142 52
                                    



And so shit happened that night when I realized what the awkward position was all about and that we're technically kissing. I quickly pushed myself away from him.

Napaupo ako sa may tabi ng kama ko. Si Thomas naman ay naestatwa na ata sa sahig. We sat in silence. Tanging ang ilaw lang sa may labas ng kwarto ko ang nagbibigay liwanag sa amin. We were both flustered by what happened. Naunang tumayo si Thomas.

"Umh.. San na nga yung pinto?" He turned to his right and to his left and back to his right. "Ahh. Ano, Vic.. Mauna na ako sa baba."

"S-Sige.." Sagot ko.

Without another word, Thomas left while I sat on the floor of my room struggling hard to process the fact that my first kiss had been stolen by the same person who stole my heart.

---

Wala ako sa sariling lumabas sa kwarto ko, naglakad sa second floor, pinatay ang ilaw, bumaba sa hagdan, pinatay ang ilaw tapos lumabas at nilock ang bahay. Yakap yakap ko si Turt noong lumabas ako sa gate namin Thomas was waiting outside. Naramdaman ko agad na nag-init ang pisngi ko.

Noong natapat ako sa kanya, hindi siya nagsalita. I did the same. We stood there in stillness and silence momentarily. Para kaming tanga na nakatayo sa tapat ng bahay namin. The air suddenly became thick for me to breathe in. The atmosphere was very awkward. Hindi ko alam kung paano ko i-oopen yung nangyari sa kwarto ko kanina.

"Narra.."

"Pong.."

Magkasabay namin na sabi. Napatingin kami sa reaksyon ng isa't-isa. When we locked gazes, there's no turning back.

"Mauna ka na." Sabi ko.

"Hindi ikaw na." Sabi niya.

"Yung nangyari kanina..." I started.

"It was an accident neither of us wanted it. Di ba?" He finished.

Tumango ako. "So let's just forget about it..." I suggested.

He nodded this time. "Yes, of course. It never happened."

"Yeah. It never happened." I seconded. Mas mabuti na 'yon. Mas okay na 'yon.

"Should we go in now?" He asked with a smile so big I knew it was fake.

But I did the same, I smiled my fakest. "Let's go."

At naglakad na kami papunta sa bahay nila.

----

Kung ang paglimot sa isang bagay ay kasing dali ng pagsambit nito... Nakatulog sana ako nang maayos kagabi. Kaso hindi. Kasi kung madali, kanina pa ako mahimbing sa kama na ito. Hindi ko na alam kung san ko ibabaling ang ulo. Hindi talaga ako makatulog. Naubos na lang ang kanta sa playlist ko wala pa rin.

Kinuha ko si Turt at tinabi malapit sa mukha ko.

"Buti ka pa, hindi mo kailangang matulog." Kausap ko sa stuffed animal. Tahimik na ang buong kabahayan at nakapatay na rin ang lahat ng ilaw. Nandito ako sa kwarto ni Thomas. Hirap na hirap makatulog. Hindi ako masyadong gumagawa nang ingay because he's just sleeping next door.

Hindi ako makabwelo ng tulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang mata ko, mukha niya ang nakikita ko. I was so close to banging my head on the headboard of his bed when I heard a soft knock on the door.

But I ignored. The knocks went on and I remembered the scary shit Kimy once told me about knocks at 2 am and so I got scared. Nagpatuloy ang mga katok at nagpatuloy din ako sa pagbibingi-bingihan.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon