#Edited
Ellaine's POV
Hanggang ngayon, patuloy parin na bumabagabag sa aking isipan ang nangyari kanina. Kung paano naging pula ang mga Mata ng lalaki.. Ang mga salitang sinabi nung President sa akin. Masyado na Kong nalilito sa nangyayari. Bakit bigla na lamang naging ganon ang reaksyon nung lalaki matapos niya makita ang nagdurugo kong braso? Bakit sinabi sa akin ng president na iyon na, hindi niya gusto ang nakakakita ng dugo?
Allergic ba sila sa dugo kaya ganon na lamang ang mga reaksyon nila?
"Uy ellaine.!" Bigla akong natauhan dahil sa malakas na pagsigaw ni Celline sa tenga ko. Agad ko siya sinamaan ng tingin.
"Bakit kailangan manigaw!" Sigaw ko. Umayos siya ng upo sa tabi ko.
"Nag-aalala na talaga ako sa ellaine. Nawawala ka na sa sarili mo. Dahil ba 'to sa nangyari kanina?"
I rolled my eyes. "Wala 'to. May iniisip lang ako." Hindi ko magawang sabihin kay Celline ang mga nasa isip ko. Ewan ko ba, mas mabuti na lamang na wag Kong sabihin sa kanya.
"Pero seryoso, kanina ka pa wala sa sarili mo. Ano ba kasi yang iniisip mo?" Pagpipilit niya.
"Wala nga 'to."
"Hay. Bahala ka nga dyan kung ayaw mo sabihin yang nasa isip mo. " nakanguso niyang aniya.
Napatawa naman ako. "Hindi bagay sayo!" Asar ko.
"At sa tingin mo sayo bagay?! " asik niya. Tumawa lang ako ng tumawa.
"Ay! Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sayo, diba may darating na bisita bukas? May handaan daw na magaganap. Lahat daw imbitado. "
"Sino daw ba ang mga bisitang darating?"
"Mga taga Kirin Academy daw. Wala naman akong ideya kung sino at ano ang mga darating na bisita. "
"K-kirin Academy?"
Tumango siya. "Hindi familiar sakin yung school na yon kaya wala din ako ideya tungkol don. "
Natigilan kami dahil may biglang kumatok sa pinto. Nagkatinginan pa kami.
Tumayo ako para buksan ang pinto. Bumungad sa 'kin si Ms. Francine. Nangunot ang mga noo ko.
"M-may kailangan po ba kayo?" Nag-aanlangan kong aniya.
"Gusto kong humingi ng tawad sayo tungkol sa nangyari kanina." Bakit siya ang humihingi ng tawad? Bakit Hindi iyong lalaking iyon?
"I'm sorry, Ellaine. Sa ngayon, mas mabuti siguro na iwasan niyo ang lumapit o makipag-usap sa ibang estudyante. "
"B-bakit naman po? W-wala naman kaming ginawa ah? Bakit kailangan namin sila iwasan? "
"Hindi ito ang tamang oras para ipaliwanag sayo ang lahat. By the way, after ng class niyo tomorrow, dumiretso na kayo sa hall. Doon gaganapin ang handaan para sa pagdating ng bisita. " Tumango ako. Tumalikod na sa akin si Ms. Francine at naglakad na palayo sa akin. Nanatili parin akong nasa pintuan. Nakatulala. Lutang ang isip.
"Uy ellaine! Ano pang ginagawa mo dyan?! " bumalik ako sa realidad nang muli akong tawagin ni Celline ng malakas. Sinara ko na ang pinto at pumasok na sa loob.
Siguro ay kailangan ko muna itulog ang mga ito.
---
Maaga akong nagising. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa sobrang dami ng iniisip. At mabuti na lamang ay nagawa ko pa makatulog.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.