Chapter 23

7K 252 6
                                    

Andrew's POV

Pagkaalis na pagkaalis ni Paul ay agad naming sumugod kay Terror. Wala itong ginawa kundi ang umiwas iwas lang sa mga atake namin.

Hingal na hingal kaming huminto. 

"Panay pag iwas lang ang ginagawa niya." Sabi ko kay Ms. Francine habang hinahabol ang hininga. 

Maya maya pa,  bigla na lamang dumating sina Jake at Daniel.  Nabuhayan agad kami dalawa ni Ms. Francine. 

Medyo maalan din si Jake pagdating sa mga spell habang si Daniel naman ay maalam sa diskarte. 

"Mabuti naman at nakarating agad kayo." Sabi ni Ms. Francine sa dalawa.

"Ang mga ibang bampira ay nililikas na.  Gusto Sana din nila tumulong kaso pinigilan ko na sila.  Malakas si Terror at alam kong hindi nila iyon kakayanin." Sambit ni Daniel. 

"Si Ellaine?" Tanong ko kaagad.

"Kasama na siya ni Pareng Paul ngayon. Kaya wag ka ng mag-alala." Sabi ni Jake.  Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Sina Pauline ang nag-aasikaso sa mga bampira upang makalikas.

"Mabuti naman kung ganon."

Tumingin kaming lahat Kay terror.

"Simulan na natin." Sabi ni Ms. Francine at sabay sabay na kami sumugod. 

"Jake! Gamitan mo siya ng spell na alam mong hindi magpapagalaw sa kanya!" Sigaw ni Ms. Francine habang patuloy lang ang pagsugod Kay Terror.  Panay parin ang iwas nito.

"Kahit anong gawin niyo, hinding hindi niyo ko matatalo." Sabi nito habang patuloy lang sa pag iwas sa mga atake namin. 

"Argh!" Parehas kami napalingon Kay Jake.  Nanlaki ang mga Mata namin nina Ms. Francine.

"Mas mabuti kung iyan muna ang gawin ko sa kanya.  Ayoko ng sagabal sa ating paglalaban." Sabi ni terror. 

"Napakasama mo talaga!" Galit na sigaw ni Ms. Francine at sumugod dito.  Pero agad na nahawakan ni Terror ang kanyang kamay at agad siya nitong hinihagis kung saan. 

"Ms. Francine! " sigaw namin ni Daniel sa kanya. 

Tumingin ako Kay Daniel. "Ako na muna dito,  Daniel.  Puntahan mo muna si Ms. Francine." Sabi ko dito.  Tumango naman ito at sinunod ang sinabi ko.

Tumingin ako ng masama kay terror at agad na sumugod dito. Panay lang ang pagsugod ko sa kanya hanggang sa magalusan ko siya.  Sa wakas.

Napahinto ako. Hawak hawak niya ang dumudugo niyang mga braso. Pero laking gulat ko na lamang ng makita ko na unti-unti itong naghihilom. 

"P-paanong.. "

Ngumisi siya.  "Nakalimutan kong sabihin sayo na kaya ko din magpagaling ng mga sugat.  Ganun ako kalakas,  Andrew. Sa tingin mo ba,  may makakatalo pa sakin?" Mayabang na sabi nito habang ako ay hindi parin makapaniwala.

Sumugod muli ako at sa pagkakataon na iyon,  doon niya ko nadali.  Isang mahapdi na bagay ang naramdaman ko sa bahagi ng aking tiyan.

Napaluhod ako. 

"Andrew!" Rinig kong sigaw ni Ms. Francine.

Tiningnan ko lamang si terror na nasa harapan ko.

"Ito na ang katapusan mo.  Magpaalam ka na sa kanila." Sabi nito habang nakakangiti ng nakakaloko.  Napapikit na lamang ako at hinintay ang kanyang susunod na atake.  Pero muli akong napadilat nang maramdaman kong may tumutulong dugo sa mukha ko.

"D-daniel?" Gulat na gulat kong sabi. Napatingin ako sa kamay niyang dumurugo. 

"Tawagin mo si Prince Paul.  Kailangan natin siya dito." Utos sakin ni daniel. 

Sinulyapan ko si Terror. "Ikaw muna ang bahala dito, daniel.  Salamat." Sabi ko habang kay terror parin ang paningin. 

Agad ako naglaho ng parang bula sa harapan nila. Dali Dali akong nagpunta sa kwarto kung nasaan sina Ellaine at Paul. 

Laki na lamang ang pasasalamat ko dahil nakasalubong ko sila.

"Anong nangyari sayo Andrew?!" Gulat na gulat na sabi ni Ellaine.

"Anong nangyari?! Nasaan sina Tita?" Tanong agad ni Paul.  Nanghihina ako. Mabuti na lamang at inalalayan ako ni Ellaine dahil ramdam kong babagsak ako.

"Nandon na sila jake.. " mahina kong sabi. 

"Halika,  gamutin muna natin yang mga sugat mo." Sabi ni Ellaine at inalalayan ako papasok muli ng kanyang kwarto.

Hindi na sumunod samin si Paul.  Alam niya na siguro na kailangan na siya doon.

"Ano ba kasi nangyari? Saan mo ba nakuha yang mga sugat mo?" Sabi niya habang ginagamot ang mga sugat ko. May kung ano siyang binuhos sa mga sugat ko.

"Aray!" Daing ko. 

"Talagang mapapa aray ka dyan!" Singhal niya. 

Maya maya pa at natapos niya na kong gamutin.  Laki ang pasasalamat ko dahil don.

"Ingatan mo nga yang sarili mo sa susunod. Pinag-alala mo ko!" Sabi niya.

Magsasalita na Sana ako nang isang malakas na pagsabog ang narinig namin mula sa labas. Natigilan kami pareho.

"Andrew. A-ano ba talaga ang nangyayari?  Ano iyong malakas na pagsabog?" Nanginginig niyang sabi.  Tumayo siya kaya napatayo na din ako kahit hirap na hirap ako.

"Huwag kang lalabas,  Ellaine." Sabi ko sa kanya.

Naguguluhan niya kong tiningnan.

"May hindi ba kayo sinasabi sakin?" Nagulat ako sa kanyang tanong.  Hindi ko magawang magsalita.  Para akong napipe.

"Sabihin mo sakin, Andrew.  May dapat ba akong malaman?" Muli niyang tanong.  Nakasarado lang ang bibig ko.  Hindi ito ang tamang oras para malaman mo ang lahat, Ellaine.  Patawad.

Nilapitan ko siya.  "May mga nanggugulo lamang sa labas.  Pero wala rin iyon.  Wag mo na intindihin iyon." Pagsisinungaling ko at mabuti na lamang ay naniwala agad siya. 

"Dito muna tayo pansamantala hanggang matapos sila don." Sabi ko at tumango naman siya.

Tiningnan ko siya.

Patawad,  Ellaine.  Patawad kung nagsisinungaling ako sayo.  Wala na kong ibang paraan.  Hindi ito ang tamang oras para malaman mo ang lahat.

Itutuloy.

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon