Chapter 7

10.8K 362 8
                                    

#Edited

Ellaine's POV

Today is Saturday.  Hindi na muna ako makakauwi ng bahay dahil may dapat pa akong tapusin.  Hindi ko na naabutan pa si Celline,  paggising ko. Siguro ay,  maaga siyang umalis. Nag-iwan siya ng pagkain sa lamesa para sa 'kin.  Napakasweet niya talaga.

Muling pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi. Imposible ang aking nakita kagabi kaya nakasisiguro akong isang masamang panaginip lang iyon.  Masyadong masama ang panaginip na iyon at mabuti ay nagising pa ako.

Habang kumakain ng inaumagahan bigla na lamang ako nakarinig ng isang katok mula sa pinto.  Napahinto ako. Dahan dahan ako lumapit sa pintuan.  Natatakot ako buksan.  Muli na naman bumabalik sa aking isipan ang nakita kagabi.

Umiling ako.  Ellaine,  huwag mo intindihin iyon.

Hindi ko muna binuksan ang pinto at pinapakiramdaman iyon. 

Muli na namang kumatok ito.. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto.  At agad ako nagtaka dahil agad na bumungad ang pagmumukha ng lalaking ito. 

Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo dito? "

Ngumiti ito sa akin na hindi ko malaman kung nang iinis ba siya o hindi.  "Magandang umaga, " bati niya.

I rolled my eyes. "Ano ngang ginagawa mo dito? Teka..  Diba,  nakaalis na dapat kayo?  Nagstay pa kayo dito sa Academy? "

Tumawa siya. "Ako, Oo.  Pero sila, Hindi."

"So.. Ikaw lang ang nag stay? "

Tumango ito. "May problema ba dun? "

"Anong naisip mo at nag stay ka pa dito? Ha?! " asik ko.

"Ikaw ang dahilan."simple niyang sagot. 

"Tigil tigilan mo na nga ako,  Zhack! Umalis ka na dito! " isasara ko na Sana ang pinto nang pigilan niya ako.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin? " Medyo nakasimangot niyang sabi.

Napahinga ako ng malalim.  Hindi ko maintindihan ang lalaking ito.  Kahapon lang, kung makapagsalita siya parang gusto niya talaga ako paalisin dito sa academy.  Akala mo kung sino.  Tss.

"Hindi pwede ang mga lalaki sa loob ng dorm ng mga babae." Lalong sumimangot ang kanyang mukha.  Tss.  Hindi bagay sa kanya.

"Ano ba ang pinunta mo dito?! "

"Ikaw."

Tinuro ko ang sarili.  "Ako? "

Tumango siya.  "Pwede ba tayong mag-usap? Yung tay--" Hindi na naituloy ang kanyang sasabihin..

"Zhack?! " May lumapit na isang lalaki sa kanya.  Napakunot naman ang noo ni Zhack.  Hindi familiar sakin itong lalaking ito..  Ngayon ko lamang siya nakita..

Inakbayan niya si Zhack. "Musta na?"

Inis na tinggal ni Zhack ang pagkakaakbay sa kanya. "Ano na naman ba kailangan mo,  Jake?!"

Sumeryoso ang mukha nung Jake. "Pinapatawag ni Ms. Francine. "

O-okay?

Humarap sakin si Zhack. "Hindi pa tayo tapos.  Mag-uusap pa tayo sa susunod. " Sabi niya sakin bago naglakad palayo.  Naiwan kaming dalawa ni Jake dito. 

"Hi! " Masayang bati ni Jake sa akin.  Pilit akong ngumiti.

"H-hello?"

"Ellaine right?" Tanong niya. Tumango naman ako.

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon