Chapter 8

9.7K 334 2
                                    

Celline's POV

Pabalik na ko ng Academy. Saglit lang kami nagkwentuhan ni Papa. Nang mapansin ko na pagabi na,  napagdecisyunan ko na umuwi na agad.  Hinatid niya ako.  Hindi niya ko hinatid sa mismong tapat ng academy.  Balak pa niya sanang samahan akong maglakad patungong academy ngunit,  pinigilan ko siya. 

Naglalakad ako sa loob ng kakahuyan.  Inabot na ko ng dilim dito.  Mabuti na lamang ay,  Tanda ko pa naman ang daan kaya hindi ako maliligaw. Hindi ko masyadong makita ang paligid dahil sa sobrang dilim.  Wala akong dala dalang cellphone o flashlight upang magsilbing ilaw.

Napahinto ako saglit.  Humangin ng malakas.  Tinatangay ang mahaba kong buhok.  Ang mga dahon nama'y tinatangay din ng hangin. Pumikit ako para hindi ako mapuwing. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad at agad din napahinto dahil isang kaluskos ang aking narinig. Nagpalinga linga ako sa paligid.  Nagpatuloy ang pagkaluskos at nagsimula ng kumabog ng malakas ang dibdib ko. 

Dahil sa sobrang takot,  napatakbo na lamang ako. Bahala na kung saan man ako mapadpad,  basta..  Ang makaalis lamang sa lugar na ito ang nasa aking isip.

Takbo lang ako ng takbo at rinig na rinig ko na papalapit na papalapit ang kumakaluskos na iyon.  Nangingnig ang buo kong katawan.

Huminto ako saglit.  Hingal na hingal.  Napatingin ako sa paligid.  Nasan ako?

Napatingin ako sa aking likuran at agad na nanlaki ang aking mga Mata sa nakita.  Napaupo ako sa damuhan.  Umatras atras ako hanggang sa tumama ang aking likuran sa isang malaking puno. 

P-pula ang mga...  M-mata nito.. Kiyang kita ko ang mahahaba at matutulis niyang mga ngipin at kuko..   P-para siyang....  B-bampira.  No.  Isa siyang bampira!

"S-sino...  Ka?!" Utal na sabi ko rito.  Hindi ito sumagot.  Lumapit ito sa akin. 

"H-huwag kang lalapit...!" Banta ko.  Napakalakas ang kabog ng puso ko. Para akong mahihimatay bigla dahil sa nakikita.

Hindi ako nakagalaw nang tuluyan na itong nakalapit.  Napakabilis nito. Agad nitong inamoy ang aking leeg.  Nanginginig ako.

"P-parang awa mo na...  H-huwag mo Kong... Papatayin. " Iyak na sabi ko.  Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Takot na takot na ko. Ayoko pang mamatay..

Tuluyan na Kong mapasigaw dahil may dalawang matulis na bagay ang bumaon sa aking balat.  Nagdidilim ang paningin ko at ramdam ko ang panghihina.

Nang mawala na ang mga matutulis na iyon sa aking balat agad akong nawalan ng Malay.

Ngunit bago mawalan ng Malay,  narinig ko ang sinabi non sa 'kin.

"Ihanda mo ang sarili mo... sa iyong pagbabago."

Ellaine's POV

Nagulat ako nang bigla kong nabitawan ang hawak hawak kong baso.  Nabasag iyon sa sahig.  Hindi ako makapaniwala... Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod.

Anong nangyayari?

Napaluhod ako sa sahig dahil nanlalambot ako.  Napatitig ako sa basong nabasag ko. Hindi naman ito dumulas sa aking kamay,  bakit ko ito nabitawan?

Napahawak ako sa dibdib ko.  Pakiramdam ko,  may masamang nangyari. 

Biglang may kumatok sa pinto. Hindi ko magawang makatayo para buksan ang pinto. May mga tumulong luha sa aking mga Mata at hindi ko malaman kung bakit ako napaluha.

Bumukas ang pinto at bumungad sakin si Zhack. May halong pag-aalala ang kanyang mga Mata.

Lumapit siya. "Anong nangyari?!" Pasigaw niyang sinabi. Hinawakan niya ang aking dalawang pisngi.  Wala sa katinuan ang aking isip.  Ano nga bang nangyari?

"Narinig kong may nabasag kaya agad akong nagpunta dito. " Aniya.  P-paano niya narinig iyon?  Masyadong malayo ang kanyang kwarto?  P-paano niyang nagawang marinig ang nabasag kong baso?

"Papunta ako dito... Para kausapin ka.. " Sabi niya.  Nabasa niya ang aking nasa isipan?

"Ano ba kasi ang nangyari?!"

Umiling ako.  "H-hindi ko alam.. " halos mangiyak ngiyak kong aniya sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sshh.  Calm down,  Ellaine." Pilit niya kong pinapakalma.  Hindi ko maintindihan ang sarili ko,  bakit bigla na lamang ako nakadarama ng ganito?  Bakit feeling ko,  gusto kong umiyak ng umiyak.

Ano ba ang nangyari?

Zhack's POV

Medyo kumalma na din siya matapos ko siya yakapin ng mahigpit.  Napamura agad ako sa aking isip dahil sa mga sinabi ko kanina sa kanya.  Muntik na ako don at mabuti na lamang,  nakahanap agad ako ng dahilan.

Nakatulog siya bigla.  Siguro ay dahil sa sobrang pagod. Inihiga ko siya sa kanyang kama. Kinumutan siya.

Napatitig ako bigla sa kanyang mukha.  Napangiti ako. 

"Ngayon ko lang ulit kita natitigan ng natutulog. Napakapayapa ng iyong mga mukha. " bulong ko.  Hinawakan ko ang kanyang buhok. Matagal na tagal na din,  Ellaine.

--

Hindi ako nagtagal at umalis na din ako ng kanyang kwarto. Nagtungo ako sa opisina ni Ms. Francine.  Gusto ko lamang siya makausap. 

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong nito sa kanya. 

Tumingin siya ng seryoso dito. "Tungkol Sana kay Ellaine... "

Umayos ito sa pagkakaupo. "Ano ang tungkol sa kanya,  zhack? Huwag mo sabihin na...  May binabalak ka na naman?"

"Wala akong binabalak." Madiin kong aniya.

"So.. Ano nga ang tungkol sa kanya?"

Huminga ako ng malalim. "Nag-aalala ako sa kanya.  Pakiramdam ko--" Hindi naituloy ang aking sasabihin dahil biglang may pumasok sa kanyang opisina.

"Ms. Francine!" May hawak hawak itong isang babae?  Teka..

"Nakita ko siya sa kakahuyan! Walang Malay ngunit..  Isang marka ang aking nakita, banda sa kanyang leeg. " Tumayo si Ms. Francine at sabay naming tiningnan ang babaeng hawak hawak nito.

Nanlaki ang parehas naming mga Mata.

"Celline?"

...

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon