#Edited
Ellaine's
Walang klase. May biglaan daw na pagpupulong at kinakailangan lahat ng mga guro ay pumunta sa hall. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan nila. Wala akong ideya.
Hindi muna ako umuwi ng dorm. Wala naman ako gagawin don at tsaka malungkot kapag ikaw lang mag-isa. Haish. Celline, bumalik ka na nga!
Kasalukuyan ay nandito ako ngayon sa Canteen. Tanging tubig na nasa baso at libro ang nasa lamesa ko. Binabasa ko ang librong ibinigay sa akin ni Anne. Natutuwa naman ako dahil nagawa ko na yon intindihin. Naiintindihan ko na ang bawat salita. Espanyol ang ginamit na lengguwahe dito.
Walang gaanong tao dito sa canteen at mabuti naman kung ganon. Mas maiintindihan ko kasi ang binabasa ko. Walang ingay. Pero, kahit naman siguro maraming Tao dito, tahimik parin ang paligid. Sa tuwing darating kasi ako.. Kami ni Celline, tatahimik na lang bigla sila. Parang may kung anong meron sa 'min. Ano bang meron sa 'min at nagkakaganyan silang lahat? Ang labo nila.
Nagulat ako nang may biglang umupo sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin dito. Hindi familiar ang mukha ng babaeng ito sa akin. Ngayon ko lamang siguro siya nakita dito sa Vamps Academy.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at inilibot ang tingin sa buong canteen. Nakakunot ang mga noo ko. Wala namang gaanong Tao dito.. At marami pa namang mga upuan na walang Tao.. B-bakit.. Ahm..
"Hi?" Nakangiting bati ng babae sa akin. Pilit akong humiti sa kanya.
"A-ah. H-hi." Bati ko pabalik. Ngumiti siya ng matamis. Napangiti na din ako. Nakakahawa ang mga ngiti niya. Maganda siya ngumiti.
Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko. Napakaputi niya. Kapansin pansin ang napakakinis niyang mga balat. Mapupula ang kanyang mga labi. Wala siyang pinag-iba sa mga Tao na nandirito.
Bakit kasi halos lahat sila nakalunok ng gluta at naging ganyan sila kakinis? Nakakaasar!
Napatawa siya. Taka ko siyang tiningnan. "Nababasa ko ang iniisip mo.. " Natatawa niyang aniya habang ako nanlalaki na ang mga Mata.
N-nabasa niya? H-hindi kaya.. May kapangyarihan siyang makapagbasa ng isipan?..
"Ano ka ba! Base on your expression, alam ko na agad ang iniisip mo. Tingnan palang kita." Aniya. Napatawa ako na Hindi ko alam kung pilit ba yon o hindi.
"Obvious ba?" Nahihiya kong sinabi.
Umiling siya at tumango. Ano ba talaga? Ang gulo ng babaeng ito!
"By the way, I'm Eliza and you are?" Pagpapakilala niya.
Eliza? Familiar ang pangalan niya.
"Ellaine. " sabay ngiti.
"Nice name! Nice to meet you, Ellaine. "
"N-nice to meet you too, Eliza. " Napangiti siya.
"Wait... Bago ka lang diba dito, right?" Anito. Tumango ako.
"So.. Hindi mo pa alam ang history ng school ng pinasukan mo? I mean.. Wala kang kaalam-alam?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.. Ano bang ibig niyang sabihin? Anong history? Ano ba ang hindi ko pa alam?
"Ahm.. I'm sorry. Ahm.. Masyado lang ako na.. Ahm.. Nevermind. Wag mo na lang intindihin ang sinabi ko."
Nakakunot parin ang mga noo ko. "Ikaw? Bago ka lang ba din dito? Ahm.. Actually, hindi ka familiar sakin, Eliza. Ngayon lang siguro kita nameet. " Nahiya ako bigla. Ghad, Ellaine!
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.