Chapter 27

7.2K 228 1
                                    

Ellaine's POV

Araw ng lunes. Naghahanda na ako para sa aking pagpasok nang biglang sumulpot si Andrew sa harapan ko.  Napakunot ang noo ko.  Bakit Hindi ko siya napansin na pumasok sa pintuan? 

"O' umagang-umaga nakakunot na yang noo mo." Sabi niya na tila nangangasar.  Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinaas niya ang dalawang kamay na kunwari ay sumusuko.

"Handa ka na ba para sa training?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman."

Napangiti siya.

"Kung ganon,  halika na."

__

Pagkatapos ng training ko ngayon,  nagpunta agad ako sa canteen para kumain. Masyado akong napagod ngayon. Hindi na sumama pa sakin si Andrew dahil may mahalaga pa daw siyang gagawin.

Sumubo ako ng pagkaing binili ko.

"Pwedeng maki-upo?" Automatikong napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Napalaki ang Mata ko. Bakit halos lahat talaga na nandito ay biniyayaan ng ganda at puti. Tinitigan ko yung babae.  Ngayon ko lamang siya nakita.  Hindi din familiar ang mukha niya. Bago lang din ba siya dito?

"Oo naman." nakangiting sabi ko. Umupo siya sa bandang harapan ko at nagsimula na siyang kainin ang binili niyang cake. Kumain na lang din ako.

"Ako nga pala si Lian." Pagpapakilala niya.

"Ellaine." Iyon na lamang ang sinabi ko.  Ngumiti siya.

"Ikaw pala yung Ellaine na tinutukoy sakin ni Andrew. Kilala mo naman siya diba?" Tumango lang ako.

Nakita kong napangiti siya ng konti. "Sobrang Close talaga kayo, no?" Aniya. Napahinto ako at tinitigan siya sa mga mata. Nagkatitigan kami kaya agad naman siya umiwas ng tingin.

"sorry." Nakayukong sabi niya.

Nagtaka ako. "Para saan?"

"Wala," mahinang usal niya.
Napatango na lang ako.

"May gusto ka ba sa kanya?" Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi nya.

Gulat akong tumingin sa kanya. "Ha? Ano ba yang pinagsasabi mo? Wala akong gusto sa kanya." Dahil may iba akong gusto.  Natigilan agad ako sa gusto kong idugtong.  Uminom ako ng tubig bago ulit magsalita.  "Kaibigan lang ang turing ko sa kanya." dagdag ko. Tumango naman siya.

Tiningnan ko siya. "Ikaw? Mag gusto ka ba sa kanya?" Pagbalik ko sa kanya ng tanong.  Nagulat naman siya at Hindi nakapagsalita. 

Ilang minuto ang lumipas at nagulat ako nang bigla siyang tumayo.

"May kailangan pa pala akong puntahan.  Una na ako. Nice meeting you, Ellaine. " Napanganga na lang ako ng bigla niya na akong iniwan dito.

Napailing na lang ako at itinuloy ang pagkain ko.

"Ellaine!"

Napalingon ako sa likod ko nang bigla may tumawag sa pangalan ko.  Napangiti ako nang makita ko si Andrew.  Kinawayan ko siya.

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Tapos ka na ba sa gagawin mo?" Tanong ko at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Oo. Grabe nga,  nakakapagod."
Sabi niya.  Pinatong niya ang dalawang siko sa upuan.

Tiningnan ko na siya.

"Anong klaseng mukha yan?" Takang tanong ko nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya.

"Nauuhaw ako." Yun lang ang sinabi niya.  Tumayo siya at iniwan na lang ako bigla.  Nagtaka ako sa ikinilos ni Andrew pero hindi ko na yon inisip pa. 

Tinuon ko na lang ang atensyon sa masarap na pagkain na nasa harapan ko.

Naramdaman kong may tumabi na naman sa akin.

"Andrew, Hindi ka na ba-" Hindi ko na naitapos ang sasabihin ko nang makita ko ang mukha ng tumabi sa akin. Akala ko si Andrew.

"Zhack?" Kunot noo kong aniya.

"Hi Ellaine." Bati niya.

"Anong kailangan mo?" Seryoso kong sabi sa kanya.

"Wala.  Gusto lang kita makasama.  Masama ba yon?" Ngumiti siya na tila nangangasar. Tinarayan ko siya.

"Sungit naman nito.  Minsan na nga lang tayo magkasama, tapos susungitan mo lang ako." Nakasimangot niyang sabi. 

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" May pagkainis na sa boses ko.

"Wala.  Masama bang magpunta dito?  At tsaka nagugutom na din ako." Anito.

Hindi na ko nagsalita.  Oo nga naman,  masama bang magpunta siya dito?  Nakakainis lang kasi ang presensya niya. 

"Kamusta ka na?"

"Ayos lang."

"Mabuti naman kung ganon."

Napabuntong hininga ako.  Bakit parang naiilang ako sa kanya?  Ano ba naman tong nararamdaman ko!

"Balita ko,  nagpunta ka daw ng kirin." Bulong ko pero sapat na iyon para marinig niya.

"Ah, Oo.  May kailangan lang asikasuhin."

"Bakit ka kasi lumipat dito? Diba,  ikaw ang presidente don? Hindi dapat na mawala ka. Kailangan ka don."

"Para sayo." Natigilan ako sa naging sagot niya.  Para sakin? Ano ba talaga ang ibig mong sabihin, Zhack?  Naguguluhan na ako.

"Hindi ako aalis dito hangga't nandito ka parin sa Vamps." Aniya.  Taka ko siyang nilingon.

"Bakit ba gustong gusto mo kong paalisin dito?!" Singhal ko.

"Dahil hindi ka bagay dito.  Hindi dapat ang katulad mo ang nandirito."

Napatawa ako. "At bakit naman ako hindi nababagay dito?  Alam mo,  naguguluhan na ako. Bakit halos lahat kayo,  ayaw niyo na nandito ako?  Hindi naman ako masamang Tao,  hindi naman ako nangangagat.  Gusto ko lang makatapos.  Ilang taon lang naman at aalis na din ako."

"May mga bagay na hindi mo dapat malaman pa, Ellaine." Iyon lang ang sinabi niya at bigla na lamang akong iniwan.

Nag-iinit ang gilid ng mata ko.  At sa pagkakataon na iyon, tumulo na lamang ang mga luha ko.

Ano bang klaseng paaralan ang pinasukan ko?

Itutuloy

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon