Leo's Diary.
Ito ang araw na binigay nila Laimer at Cassandra ang kanilang bunsong anak na babae. Alam kong ang bunso nilang anak ay ang itinakda. Alam ko din na ito ang nag mamay-ari ng puting kapangyarihan. At ito ang pureblood princess.
Marami ng dinanas ang pamilyang Faxon. At naniniwala ako na malalagpasan nila ang ganitong klaseng problema.
Noong gabing sumugod ang mga bad vampires sa aming kaharian, agad kong dinala ang anak nila Laimer at Cassandra na si Ellaine sa isang babeng babaylan sa bayan. Sa kanya ko ibinigay ang batang si Ellaine dahil alam kong magiging ligtas siya don. Alam din ng babaylan na babaeng iyon na si Ellaine ang itinakda at ito ang pag-asa ng lahat. Hiniling ko sa oras na dumating na ito sa tamang edad, hiniling ko sa babaeng iyon na muli niyang ibalik si Ellaine. Muli niya itong ibalik sa mga kalahi niya... Sa amin.
Ellaine Trixie Cruz ang pansamantalang magiging pangalan niya sa mundo ng mga tao. Alam kong hindi naman siya matatagpuan pa ng mga kalaban.
Ang aking panganay na anak na nagngangalang 'Paul Holland' ay itinakda din katulad ng anak ni Laimer at Cassandra. Matagal ng gustong kunin si Paul ng mga kalaban dahil na sa kanya ang isa sa malakas na kapangyarihan, Ang dark power.
Hindi namin ito pinaalam sa anak ko hanggang sa lumaki ito. Alam kong mapanganib para kay Paul at Ellaine ang hindi mag-isa. Iisa ang kapangyarihan na mayroon sila kaya iisa din sila.
Magkakilala na si Paul at Ellaine simula bata palang. Madalas kong idala si Paul sa bayan dahil alam kong kailangan niya ng sariwang hangin. At para naman sa pagkakataon na iyon, malayo siya sa gulong nangyayari.
Nagkakilala sila ng batang si Ellaine sa isang Parke sa bayan. Hinayaan ko sila dahil ito naman ang dapat kong gawin. Gusto ko na kapag dumating na ang tamang panahon, hindi na sila mahihirapan pa na kilalanin ang isa't isa.
Wala silang kaalam-alam kung ano sila. Hindi din nila alam na may ganoon klaseng kalakas na kapangyarihan ang nagtataglay sa loob ng kanilang katawan. Sila ang pinili ng light at dark power.Kwento pa nga sa'kin ng aking Ama na pumanaw na, Sinabi niya na hindi lang si Paul at Ellaine ang nagmamay-ari ng ganung kapangyarihan. Mayroon din daw na dalawang bampira noon ang nagmay-ari ng light at dark power. Pero nang sila'y pumanaw, ang kanilang kapangyarihan ay lilipat na sa ibang kaanyuan. Sa ibang nilalang.
At napunta kay Paul at Ellaine ang light at dark power. Hindi nagtagumpay ang sinaunang bampirang na nagmay-ari sa light at dark power. Hindi nila napagtagumpayan ang kalayaan ng lahat. At sa henerasyong ito, sina Ellaine at Paul ang dapat magtapos ng lahat. Sila ang itinakda para sa lahat. Para sa kalayaan at kaayusan ng lahat ng bampira.
Sila ang gagawa ng mga bagay na hindi nagawa ng dalawang sinaunang bampira.
Francine's POV
"Kailan siya magigising?" Tanong ko agad kay Selena. Pareho kaming nakatingin sa nakahigang si Paul. Hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising. Nag-aalala na nga ako dahil sa kanya.
"Magigising din siya. Hintayin na lang natin." Ani Selena.
"Bakit si Ellaine ay gising na? Samantala si Paul ay hindi pa. Hindi ba dapat parehas na sila gising ngayon?" Tumingin sakin ni Selena.
"Gusto ko muna magpahangin sa labas." Sabi ni Selena. Tumalikod siya sakin at akmang papalabas na nang tinawag ko siya, dahilan upang mapahinto siya.
"Samahan na kita." Sabi ko. Tumango siya.
Naglakad lakad kami dito sa loob ng Academy. Walang kahit isa ang umiimik samin. Nakakabingi ang katahimikan na nalalabi.
Rinig kong napahinga siya ng malalim. "Matagal na din simula nang magpunta ako dito sa Vamps. Hanggang ngayon ay nakakahanga parin ang laki at ganda nito. " Pambabasag niya ng katahimikan. Ngumiti ako ng tipid.
"Ito na lang ang natitirang ala-ala ng Haring Leonardo. Kaya sobra ang pag-iingat namin sa Academy na ito."
Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Selena. "Hindi ako makapaniwala na nagagawa niyo parin itong ingatan at alagaan kahit na napapaligiran na kayo ng mga kalaban."
"Dahil ito ang aming tahanan. Tahanan ng mga bampira." Sabi ko. Bahagya siya natigilan sa sinabi ko.
"Bukas ang pintuan para sayo, Selena. Ito din ang tahanan mo." Tumingin siya sakin pero agad din niyang iniwas.
Tumawa siya. "Hindi ka parin nagbabago, Francine. Hindi mo tunay na kilala ang kausap mo ngayon."
"Marahil ay hindi kita tunay na kilala. Hindi ko alam ang tunay mong kaanyuan at ugali, pero hindi ibig sabihin ng sinabi ko ay basta ko na lamang ibibigay ang tiwala ko sayo."
"Iba na ang Selena na nasa harapan at kausap mo ngayon. Ibang-iba na siya. Dahil ang selena na ngayong kaharap at kausap mo ay walang hinahangad kundi ang makuha ang Light power." Anito. Napahinto ako sa paglalakad.
Lumingon siya sa'kin.
"Pero wag ka mag-alala, alam kong hinding hindi ako magwawagi sa pagkuha ng kapangyarihan na nasa loob ni Ellaine. Kung ito ang magiging dahilan para matapos na ang kaguluhan, bakit pa ko manggugulo pa? At bakit kailangan kuhanin ko pa ito? Hahayaan ko na lang sa kanya ang kapangyarihan na iyon."
"Panindigan mo iyang sinasabi mo, Selena." Madiin kong sabi. Tumango siya at ngumiti.
"Bumalik ako dito hindi para manggulo. Nandito ako para ayusin ang lahat." Nakangiti niyang sabi. Napangiti na din ako.
Nawala kami sa pagkukwentuhan nang may biglang tumawag sa'kin. Napalingon kaming dalawa ni Selena dito. Hingal na hingal ito.
"Ms. Francine... "
Nangunot ang noo ko. "Anong nangyari?"
"Si Prince Paul po... N-nagwawala po siya. H-hindi po namin siya magawang mapigilan. Napakalakas po niya."
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.