A/N: Edited na po itong chapter1.
..
Ellaine's POV
Bukas na ang pasukan namin. At sa Vamps academy ang napili ni Mama na papasukan ko. Ewan ko nga, bakit ayaw Kong mag aral don. Bakit kasi sa dinami raming school na pwede Kong pasukan, doon pa sa school na iyon.
Sabi nga ng iba kong kaklase noon, kaya ayaw daw nila mag aral don dahil napakaweird daw ng school. Kakaiba daw ito sa inaasahan nila. Hindi ko naman alam kung totoo ba ang sinasabi nila. Pero bahala na.
Kasalukuyan ay, nasa park ako dito malapit sa bahay namin. Magaan ang loob ko dito sa park na ito. Ewan ko nga kung bakit ei.
Gusto ko masilayan ang muli ang park na ito bago ako umalis. Pano ba naman kasi, hindi man lang binanggit sa akin ni Mama na don na pala ako sa loob ng academy mula lines hanggang biyernes. May dorm daw don. Then, kapag Saturday and Sunday naman, pwede na Kong umuwi sa bahay kaso kailangan bumalik din ako ng Sunday. Kung maaga pa nga lang sinabi na sa 'kin ni Mama ang tungkol dito, Edi Sana nakapagprotesta pa ako na huwag na lamang don mag aral. Kaso wala e, nakapag enroll na din ako. Mabuti na lamang, kasama ko ang bestfriend ko. Kung nasan daw ako, dapat nandon din sya. Oh diba, napakasweet nya. Hay.
Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko ang paligid ng park. Wala ng masyadong Tao dito dahil mag gagabi na rin kasi.
Napatingin ako sa di 'kalayuan at isang lalaki ang aking nakita. Pinikit pikit ko ang mga Mata ko dahil baka nag iimahinasyon lamang ako. Nakatingin ito ng seryoso sa akin? Teka... Sakin? Bakit siya sa 'kin nakatingin? May atraso ba ako sa lalaking ito?
Wait... Medyo nakakakilabot na. Hindi ko naman makilala yung lalaki dahil may natatakpan ng itim niyang hood ang mukha niya.
Umiwas ako ng tingin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad na palayo. Pakiramdam ko kasi, kailangan ko ng umalis sa lugar na iyon.
Lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Kailangan ko ng makauwi. Actually, medyo nakakakilabot na yung lalaki kanina. Nakasuot pa ito ng itim na hood at dahil don, nagmumukha tuloy siyang bampira. Pero wait, bampira? Ahahaha. Hanep ka talaga mag imagine Ellaine. Daig mo pa ang isang writer !
Nanginginig na ang buong katawan ko. Siguro ay dahil sa sobrang takot na. Lumingon ako sa likod ko dahil baka sakaling nasundan ako pero.. Agad din ako nakahinga ng maluwag dahil wala namang anumang sumusunod sa akin.
Pagkaharap na pagkaharap ko.. Hindi ko inaasahan ang aking nakikita. Nanlalaki ang mga Mata ko.
P-paanong..?
Napaatras ako ng ilang hakbang habang siya, nakatayo lang ng diretso. Bahagya din siyang nakayuko.
"S-sino ka? " nauutal Kong sambit sa kanya. Medyo madilim na din ang paligid kaya mas nakakaramdam ako ng takot at kaba. Aba! Baka kasi mamaya, killer pala itong lalaking ito.
Nagulat ako nang bigla niya akong tinuro. Bahagya paring nakayuko ang kanyang ulo. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
"A-ako? " Nanginginig na ang buo Kong katawan. Natatakot na ako. Paano siya napunta sa harapan ko? E kanina lang, nandon siya sa park at malayo sa 'kin. Para tuloy siyang bampira talaga.. Wait... Ano ba! Hindi totoo ang bampira! Malay mo! Sadyang mabilis lang talaga maglakad ang lalaking ito.. Pero kasi.. Ano.. Imposible naman kasi yon diba? Napakabilis niyang maglakad at naunahan pa niya ako? Ano siya? May superpower? Argh! Ellaine! Tama na ang imagine.
"Ikaw... Mag iingat ka sa paaralan na iyon. " Madiin ang pagkakasabi niya don. Nangunot ang mga noo ko. Anong paaralan ba ang tinutukoy niya?
"A-ano bang.. I-ibig mong sabihin?" Nauutal Kong aniya.
Hindi ito sumagot sa akin. Tumalikod na ito sa 'kin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Napakalakas ang kabog nito.
"Mag iingat ka... Ingatan mo din ang kwintas na nakasabit sa iyong leeg." Aniya nito. Napatingin naman ako sa kwintas na sinasabi niya.
"A-ano bang meron sa kwintas na it--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil wala na ang lalaki sa harapan ko. Nagtaka ako. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at baka sakaling makita ko muli ito pero.. Wala akong nakita.
Agad ako napaisip..
Sino ba ang lalaking iyon? At anong meron sa kwintas ko?
--
Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Hinubad ko ang kwintas na nakasabit sa leeg ko at tiningnan ito. Kinuha ko ang kahon na nasa ilalim ng kama ko at binuksan iyon. Nilagay ko don ang kwintas ko.
Pagkatapos ay, agad Kong nilagay ang kahon sa maleta na dadalhin ko bukas.
Napasandal ako sa pader. Hinawakan ko ang dibdib ko. Patuloy parin ang pagkabog nito. Hindi ko parin makalimutan yung lalaki kanina.
Bakit niya sinabi sa 'kin na mag ingat ako sa paaralan na iyon? Pero teka.. Ano bang paaralan ang tinutukoy niya? ... Hindi kaya... Yung tinutukoy niya ay yung school na papasukan ko? Pero kung yun mang iyon, bakit niya sinabi sa 'kin na mag iingat ako? Ano bang meron sa school na iyon?
Umiling ako. Kinuha ang phone ko at agad na tinawagan si Mama. Wala ngayon si Mama sa bahay. Bukas pa ang dating niya kaso, hindi ko na siguro pa siya maabutan dahil maaga akong aalis bukas.
"Ma.. "
[Oh, Ellaine anak. Napatawag ka?]
"Ma.. Ano kasi.. -"
[Ay. Naku. Sige na kailangan ko pa kasi mag trabaho, anak. Basta, text mo na lang ako kapag paalis ka na bukas ah? Ingat ka anak. Huwag ka din magpapagutom. Bye]
"Pero ma... --"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang ako binabaan ng tawag ni Mama. Napahilamos ako sa aking mukha.
Ano kaya ang mangyayari bukas sa pagpasok ko sa school na iyon?
Bakit kailangan Kong mag ingat? Ano bang meron sa school na iyon? Bakit sinasabi ng iilan na kakaiba daw ang school na iyon?
Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ko sa pagpasom ko don?
Kung ganon, kailangan ko na palang ihanda ang sarili ko.
..
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampiros"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.