Chapter 16

7.9K 253 16
                                    

#Edited

Ellaine's POV

Nakaramdam ako ng pagkahapdi sa aking mga Mata.  Sobrang hapdi ng mga ito.  Agad akong nagtungo sa Banyo upang maghilamos.  Ngunit,  natigilan ako nang makita ko ang kabuuan ng aking mukha sa harap ng salamin. 

A-ang mga M-mata ko... Bakit kulay pula ang mga ito? 

Pumikit pikit ako at nagbabaka sakali na imahinasyon ko lang iyon. Nang idilat ko muli ito,  bumalik na sa dating kulay ang aking mga Mata. Pero teka,  totoo ba ang mga iyon o..  Isa ko lamang imahinasyon?  Pero..  Bakit naman magpupula ang mga Mata ko?  Wala naman akong sakit na sinasabi nilang sore eyes.  At tsaka,  baka nga isa ko lamang iyong imahinasyon.

Pagkatapos,  lumabas muna ako ng dorm upang magpahangin. Naisip ko bigla si Celline. Nasan na ba siya?  Napakatagal naman niya kung dumating.

Hinintay ko siya sa tapat ng Gate.  Umupo ako sa gilid at doon naghintay. 

Hanggang sa mag gabi na ay nandon parin ako habang naghihintay. Bakit wala parin si Celline?

Ramdam ko ang lamig na tumatama sa akin. Giniginaw na ako kakahintay dito. Wala bang balak magpakita sakin si Celline? Napakatagal niya kasi. 

Naalala ko nga pala ang mga patakaran dito.  Kailangan ko na pala bumalik sa dorm dahil baka mapagalitan pa ako sa oras na may makakita sa akin dito. Tumayo na ako at balak ng umalis nang isang familiar na boses ang aking narinig.

"Anong ginagawa mo dito?  Gabi na.. " Aniya.  Humarap ako sa kanya.  Bumungad sakin ang pagmumukha ni Paul. Nakabalik na pala siya. 

"Ah.  Hinihintay ko lang kasi si Celline.  Sabi kasi ni Ms. Francine,  ngayon ang araw na pagdating niya." Sabi ko rito. Bahagya nagkunot ang mga noo niya. 

"Bumalik ka na sa Dorm mo. " Utos niya. Medyo nag-init ang ulo ko dahil don. Ang yabang niya kung magsalita.  Nakakaasar. 

"Pabalik na nga ako. " Tinalikuran ko na siya at akmang paalis na muli nang magsalita ulit siya. 

"Huwag mo na hintayin pa siya dahil bigla na lamang siya magpapakita sayo. " Anito.  Nilingon ko siya na may halong pagtataka.  Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.  Ano ba iyon? 

Hindi niya na ako pinahintay pang magsalita dahil agad na siya naglakad palayo. Nandito lang ako,  nakatayo habang nakatingin sa lugar kung saan siya dumaan. Minsan talaga,  napakaweird kung magsalita nang mga nandito. Hindi ko magets ang mga ibig nilang sabihin.  Hindi man lang ipaintindi sa akin.

Maya maya pa,  napagdesisyunan ko nang bumalik ng dorm. Siguro nga,  wala pang balak na bumalik si Celline dito.  Ano ba kasi ang nangyari don at humingi ng one week extension?  Siguro,  nawili lang siya. Kung ganon,  Sayang naman ang niluto ko para sa kanya. 

Nakayuko ako habang naglalakad. At Hindi inaasahan na may nakabunggo ako.  Agad ako nag-angat ng tingin dito upang humingi ng tawad..pero, natigilan ako nang makita ko ang babaeng nasa harapan ko.

"Celline?"


Paul's POV

"Maligayang pagbabalik,  Prince Paul." bungad sakin ng lahat.  Nandito ang lahat sa Hall at sinalubong ang pagbabalik ko. Tss. Hindi ko naman na kailangan pa ng ganitong pagsalubong.

Lumapit si Tita sa akin.  "Kamusta don?" Diretsang tanong niya.  Ineexpect ko na iyon ang tatanungin niya sakin. 

Nagkabit balikat ako. "Masaya?" Pagsisinungaling ko.  Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang mga nalaman ko.  Kailangan ko muna makasigurado.

"Liar,  Paul. " seryoso siya at alam kong,  alam niya kung nagsisinungaling ba ako o Hindi.

"Hindi ikaw ang tipo ng Tao na alam ang salitang 'Masaya' "

"I'm tired,  Tita.  I need to rest. " sabi ko at iniiwasan ang mga kanyang katanungan. 

Umalis na agad ako ng Hall. Alam kong kabastusan ang ginawa ko dahil basta basta ko na lamang sila iniwan don lahat.  Ngunit,  kailangan ko din ng pahinga.

Dumeretso ako sa aking kwarto.
Agad ako humiga sa kama at tiningnan ko ang kisame.  Naalala ko na naman ang mga nangyari kanina bago ako tuluyan umalis sa Kirin.

*Flashback*

Isang bangkay ng bampira ang aking nakita.

"Sino ang may gawa niyan? " tanong ko agad sa sarili ko. Lumapit ako dito at tiningnan ito ng mabuti.  Hindi familiar ang mukha nito sa akin at wala akong ideya kung sino ang lalaking ito.

Nakakainis.kung hindi lang ako pinigilan ng Camille na iyon,  malamang ay nakita ko kung sino ang may gawa niyan. At malamang,  hindi isang bangkay ang aking naabutan.

Napapikit ako. Ano bang klase ang mga bampira dito?  Parang pakiramdam ko,  may Mali dito.  Pakiramdam ko.. May mga sikreto sila. 

Tiningnan ko muli ang bangkay ng lalaking nasa harapan ko. Bakit kaya siya pinatay?  Sigurado ako na,  may nalalaman ang lalaking ito kaya siya pinatay na ganyan na lang. 

*End of Flashback*

At sa mga oras na iyon..  Isang bagay ang aking natuklasan..

... Na mapanganib ang mga taga kirin at kailangan naming mag-ingat sa kanila.  Alam kong may mga sikreto silang alam na bawal namin malaman.  At gagawa ako ng paraan para malaman ang mga iyon.

Matagal na,  matagal ng masama ang pakiramdam ko sa mga taga kirin.  Maski ang kanilang presidente na si Zhack ay masama ang kutob ko.  Alam kong wala pa ako sapat na ebidensya. Kaya,  sa mga oras na ito..  Kailangan ko muna manahimik at sarilihin ang mga bagay na ito.  Kailangan kong malaman ang tinatago nila sa lalong madaling panahon.  Kailangan ko matuklasan ang totoo nilang katauhan. 

Patawad,  mas makabubuti na sarilihin ko muna ito. Mas mabuti na ako ang mapahamak kaysa may madamay pa. Gagawa ako ng paraan para malaman ang kanilang sikreto at papatunayan ko sa inyo na..  Totoo ang mga hinala at kutob ko. Maghintay lang kayo.

Malalaman ko din ang mga itinatago nila.

...

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon