Wanston's POVDalawang taon na ang nakakalipas simula nung dumalaw ako sa Vamps. Sa kasalukuyan ay naninirahan ako sa dati naming mansyon, malapit lang naman dito ang Vamps para sakin. Siguro may 50 kilometro bago ka makarating dito mula sa academy. Mau kakayahan naman akong maging mabilis kaya hindi na ko malapit lang para sakin ito.
May isang sakit akong pinagdadaanan ngayon at sa ngayon ay kasama ko ang aking tauhan na si Harvy. Halos lahat ng mga kilala naming mga doktor ay Hindi malaman-laman ang sakit ko kaya naman Hindi ito malunas-lunasan. Nabalitaan ko din nung nakaraang araw ay may nangyaring kaguluhan sa academy. Isang bad vampire daw ang sumugod doon.
"Master Wanston, Ang iyong nakakabatang kapatid ay dadalaw daw sa inyo bukas." Sabi sakin ni Harvy. Nakaramdam ako ng kaunting saya dahil dadalawin ako ng kapatid kong babaeng si Francine. Matagal tagal ko na din siyang hindi nakikita.
"Sige, salamat sa magandang balitang iyan. " seryosong sabi ko. Yumuko si harvy upang magbigay galang bago lumabas na ng akinh silid.
Nagtungo ako sa Hardin ng dati naming mansyon. Napaisip ako, paano kung bigla na lamang ako mawala dahil wala pang lunas na nahahanap para sa karamdaman ko? Paano na ang lahat? Hindi ko na lang basta pabayaan kay Francine sa pangangalaga ng mga bampira.
Nawala ang pag-iisip ko nung dumating ang tauhan kong si Harvy.
"Master Wanston, May gusto pong kumausap sa inyo at nasa labas siya ng mansyon ngayon. " Nagtataka ako kung sino man yun. Hindi man lang ba yun nagpasabi? Kilala ko kaya?
"Kilala mo ba kung sino iyon?" Tanong ko kay harvy.
Umilinh siya. "Hindi ko po kilala ang lalaking iyon. Ngayon ko lang po siya nakita. " lalo ako nagtaka. Sino kaya yun?
"Sige pupunta na ko." Naglakad na ako patungong gate ng mansyon. kasama ko parin si harvy para alalayan ako. Agad bumungad sakin ang mukha ng isang lalaki.
"Mr.Wanston Holland? Am I right?" Tanong nito. Tumango naman ako. Hindi ko din kilala ang lalaking ito. Sino ba sya?
"Ako po si William Rickson. Taga kirin po ako." agad ito yumuko para magbigay galang sakin.
"Bakit ka naparito?" Diretsa kong tanong. kitang-kita ko sa mukha niya ang pagbago ng ekspresion.
"May ipabibigay lang po si Mr.Erick sa inyo." Nagtataka na ako sa mga ikinikilos nito pero Hindi ko pinahalata iyon.
"Ah, Ganun ba. Gusto mo muna bang pumasok muna?"
"Wag na po. Hindi naman po ako magtatagal. Gusto lang ito ipaabot sa inyo ni Mr.Erick " may binigay siya saking isang supot. "Mauna na po ako" dagdag nito pero bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya ng mabilis kaya Hinayaan ko na lang siya.
"Ano po yan Master Wanston?" Tanong ni Harvy sakin na ang tinutukoy nito ang nasa loob ng supot. Agad ko naman binuksan yung supot na binigay ni William sakin.
Isang gamot?!..
"Teka lang po Master Wanston Hindi po natin alam kung anong klaseng gamot yan." paalala ni Harvy.
"Parang may hinala ako dito sa gamot na ito ." sabi ko habang tinititigan mabuti ang gamot na ibinigay sakin.
"Anong gagawin natin dyan Master Wanston?" Tiningnan ko siya ng seryoso at kita sa mga mata ni Harvy ang pagtataka.
"Pag-aaralan natin kung anong klaseng gamot ito." at tiningnan ko muli ang mga gamot. Malakas ang pakiramdam ko na Hindi lang ito basta gamot lang.
Third Person's POV
Habang pabalik na si William patungong kirin, nagtaka siya nang biglang magbago ang panahon. Nagsimulang maging kulay itim ang kalangitan at ang paligid ay bigla na lamang nagdilim. Humangin ng malakas kaya napatakip siya sa mga mata niya. Nang matapos ang isang napakalakas na hangin ay nabigla siya sa nakita niya.
"I-ikaw?" Takot na takot na sabi nito.
"Ako nga. Hindi ko man lang ba ako kakamustahin?" Nakangiti ito ng nakakaloko.
"Anong kailangan mo sakin? Bakit bumalik ka pa?" Sigaw niya dito.
"Hindi pa ba malinaw sayo na kaya ako bumalik..."
"Matagal ka na nawala sa buhay namin!" Galit na Sigaw ni William dito. Ngumisi ito sa kanya at tinitigan nito ang kanyang mga mata. Naging kulay pula ang mga mata nito. Napaatras siya dahil sa takot at kabang nararadaman niya.
"Magbabalik ako..." Huling sinabi nito sakanya bago naglaho ng parang bula sa harapan niya. Agad din na bumalik ang panahon at bumalik na din ang kulay ng kalangitan. Napaluhod na lang si William. Alam niya sa pagbabalik nito ay maraming magugulat.
___…
"ANO?!" Malakas na sigaw ng master nila matapos sabihin ni William ang nangyari sakanya at tungkol sa pagpapakita nito muli sa kanya.
"Master kilala naman natin si Selena diba?" Natatakot na naman si William sa mga nangyari kanina.
"Ayoko na marinig ang pangalan na yan!" Sigaw ng Master.
"E master...."
"Tumigil ka! Hindi ko hahayaan na sirain niya ulit ang lahat ng mga Plano ko!" Napatahimik na lang si William. Natakot narin si William sa kanyang master.
Ellaine's POV
Hindi ako makatulog. Tila may bumabagabag sa aking isipan.
Nagpagulong-gulo ako sa kama at napatayo. Siguro kailangan ko lang ng hangin ngayon. Lumabas ako at nagpunta hardin. Hindi pa naman des'oras ng gabi kaya hindi naman siguro ako lumalabas sa patakaran.
Sinalubong ko ang malamig na simoy ng hangin.
"Hindi ka din ba makatulog?" Nagulat ako at napahawak sa dibdib ko.
"Nakakagulat ka naman, Zhack!" sabi ko habang hinihimas ang dibdib ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Hindi din ako makatulog." sabi niya. Tiningnan ko siya at agad ko din binawi ang tingin ko. Walang nagsasalita samin, Nakakabingi naman.
" Ellaine Masaya bang maging isang katulad mo?" Agad ako nagtaka sa tanong niya.
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Anong pinagsasabi mo? Wag mo sabihin sakin na gusto mo ding maging babae, katulad ko?" Tiningnan ko siya pero ang kanyang paningin ay nasa mga bulaklak lang.
"Wag mo na pala alalahanin pa ang sinabi ko, Ellaine." mahinang sabi niya.
"Sige, Teka.. Masyado na malamig. Una na ko at baka sakali makatulog na ko nito." paalam ko sa kanya.
"Sige. " Nginitian ko lang siya at naglakad na palayo sakanya.
Naaalala ko ang nakababata kong kaibigan sayo, Zhack.
Itutuloy.
![](https://img.wattpad.com/cover/62677946-288-k22734.jpg)
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.