Ellaine's POV
Kanina pa ako hinihila ni Paul sa kung saan. Pagod na ang mga Paa ko. Masyadong malaki ang Vamps Academy para libutin namin.
"Teka nga lang, saan ba tayo pupunta? At tsaka si mama, Nasaan?" Tanong ko, napatingin siya sakin at napahinto.
"Wala na tayong oras. Halika na, baka maabutan pa nila tayo dito." Sabi niya at muli na naman ako hinila. Pumasok kami sa loob ng isang silid.
"Teka, A-anong gagawin dito sa loob ng silid?" Nauutal mong sabi. Ramdam ko ang pagpula ng mga pisngi ko. Tinitigan niya ko kaya napapaiwas ako na mapatingin sa kanya.
"Basta. Sumunod ka na lang sa'kin." Sabi niya. Basta? Teka.. Ayoko pang isuko ang kabataan. Masyado pa kaming bata at wala pa kami sa tamang--
"Wala akong gagawin sayo. Wag ka mag-isip ng kahit ano. Kailangan lang kita ilayo sa lugar na ito dahil ikaw ang pakay nila." Nagulat na lang ako sa sunod na sinabi niya. Nabasa niya ang nasa isip ko? Nasapo ko ang noo ko. Oo nga pala, isa nga pala siyang Bampira kaya malamang na mababasa niya iyon.
"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano dyan, okay?" Suplado niyang sabi.
"Halika na." Aniya. Inurong niya yung malaking kama dito gamit lang ang isang paa. Hindi ko mapigilan na Hindi mamangha. Ang lakas niya.
Nagulat ako na may lagusan doon.
"Come one." sabi niya. Hinila muli niya ko papasok doon.
Namangha ako."Nararamdaman kong malapit na sila. Kailangan na kita ilayo sa kanila."
"Kanino naman?"
"Sa mga Badvampires."
Selena's POV
"Ang lakas naman din pala ng loob mong bumalik dito." Nangangasar na sabi ni Terror.
"Bumalik ako dito para tapusin ang lahat ng mga kasamaan niyo." Sabi ko. Nangangati ang kamay kong patayin siya. Nanggigigil ako sa kanya. Hindi parin nagbabago si Terror.
"Eliza, ako na muna dito. Kayo na bahala ni Rey." Sabi ni Terror sa dalawa.
"Paano ka dito? Hindi ka namin basta pwedeng iwan."
"Kaya ko ang sarili ko. At isa pa, gusto ko din naman makalaban iyang si Selena." Ani Terror.
"Halika na, Eliza." Hinawakan ni Rey ang braso ni Eliza.
"Mag-iingat ka, Terror." Bakas sa mukha ni Eliza ang pag-alala para sa.. Kaibigan o minamahal? Tingnan mo nga naman.
"Tayo na lang dalawa ang nandito. Magdasal ka na selena dahil ako mismo ang lilibing sayo dito." Hindi ako kailanman nakaramdam ng takot sa kanyang sinabi.
"Kung magagawa mo. Baka nga magulat ka, magkabaliktat ang mangyayari na ako mismo ang lilibing sayo dito. Hmm.. Ano sa tingin mo?" Tila nangangasar kong sabi at mukhang naasar naman siya.
"Ihanda mo na ang libingan mo!" Sigaw niya at sumugod sa'kin.
Third person's POV
Umalis saglit ang kanilang Master. Binilinan sila nito na bantayan mabuti ang mga bihag lalo na si Francine. Walang Malay ang mga ito ngunit hindi nila alam na nagpapanggap lamang si Daniel na wala ding Malay. Kailangan nila makaalis sa lugar na iyon.Dahan dahan niyang idinilat ng kaunti ang kanyang mga Mata upang tingnan kung may Tao ba sa paligid. Si Andrew ang kasama niya sa loob ng silid na ito. Wala siyang ideya kung saan silid dinala si Francine.
Sinubukan niyang gisingin si Andrew ngunit nabigo siya.
"Babalikan kita dito." Sabi ni Daniel sa walang Malay na si Andrew.
Lumapit siya sa pintuan ng silid at pinakiramdaman kung may Tao ba sa labas na iyon. At nang masiguro niyang wala, doon na siya lumabas. Mabuti na lamang at hindi nakasarado ang pintuan.
Tiningnan niya muna si Andrew bago siya tuluyang makaalis.
Pero laki na lamang ng gulat niya nang may tatlong lalaking nasa harapan niya.
"At may balak ka pang tumakas?" Sabi ng isang lalaki sa kanya. Lumapit ang dalawa pang lalaki sa kanya upang talian ang dalawang kamay niya. Pero namilipit na lamang sa sakit ang dalawa nang hawakan ito ng mahigpit ni Daniel.
Nagpula na din ang mata niya at lumalabas ang mahahaba nitong pangil at kuko.
"Saan niyo dinala si Ms. Francine?" Sabi ni Daniel. Hinila niya ang isang tauhan at agad na hinawakan sa leeg. "Huwag kayong lalapit kung ayaw niyo mamatay ang isang ito." Pagbabanta ni Daniel sa dalawa pang lalaki.
Ngumisi ang isa. "Hindi namin sasabihin kung nasan ang babaeng iyon."
"Ah ganon." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ng isang lalaki. Namimilipit na ito. "Nasan siy-" Hindi na naituloy pa ang sasabihin ni Daniel nang makaramdam siya ng saksak sa bahagi ng kanyang dibdib.
Binitawan niya ang lalaki sa leed at nilingon kung sino man ang gumawa nun.
Nanlalabi ang paningin niya dahil sa sakit nito.
"Ibalik niyo na yan sa kulungan." Sabi ng lalaking sumaksak sa kanya mula sa likuran. Hinawakan siya sa magkabilang braso. Hindi na siya nakapalag pa.
Muli siya binalik sa kulungan kung nasaan din si Andrew. Basta na lamang siya hinihagis kaya tumama ang kanyang ulo sa semento.
Pumikit siya dahil sa sakit.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.