Chapter 28

6.9K 224 5
                                    

Zhack's POV

Pakiramdam ko may Mali akong nasabi sa kanya.  Hindi ko lamang napigilan ang sarili ko.  Gusto ko ng umalis siya dito dahil mapanganib para sa kanya.  Hindi basta ordinaryong nilalang ang nakakasama niya sa araw-araw. Kaya nga, labis ang pag-aalala ko.

Lumipat ako dito para mabantayan at maprotektahan siya.  Ayokong mapahamak siya.
Nabalitaan ko nga din na may nangyari dito nung isang araw.  Nagpunta daw si Terror dito at gustong kuhanin si Ellaine. At Doon na pumasok sa isipan ko,  ano bang klaseng nilalang si Ellaine at kung bakit nila gustong kuhanin ito? 

Nung isang araw, pinatawag ako sa kirin.  May nangyari daw na masama don at si Paul daw mismo ang nakakita don sa bangkay.  Gusto ko din Sana tanungin si paul kung alam niya ba o nakita niya ang pangyayari.  Pero ang rinig kong sinabi niya ay wala na daw buhay iyon nang makita niya. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino ang pumatay sa lalaking iyon at kung bakit ito pinatay.  alam kong may dahilan kung bakit ito pinatay na lang basta. 

Nung dumating ako sa kirin parang halos lahat sila ay kakaiba ang ikinikilos. Ewan ko ba parang may kakaibang nangyayari dun habang wala ako. Nagtataka na ako sa mga ikinikilos nilang lahat. At para bang may itinatago sila sa akin.  Gusto ko man tanungin si Mr. Erick pero baka magalit lang siya.

Halos isang linggo ako nandoon. Kahit sino sa kanilang lahat ay Hindi ko man lang nakakausap ng matino. Minsan para na kong mababaliw kakaisip kung ano ang nangyayari sa kanila.  Malakas talaga ang pakiramdam ko na may tinatago sila sa akin.  At kung meron man o wala,  gagawa ako ng paraan para malaman ang mga iyon.

Pero sa ngayon,  kailangan ko munang gawin ang obligasyon ko dito sa Vamps.  Kailangan ko muna na mailayo dito si Ellaine. 

Eliza's POV

Ako si Eliza Samantha Faxon. Oo, ako lang naman ang nag iisang kapatid ni Ellaine. Mula kami sa mga angkan ng Faxon.  Iginagalang ang pamilya namin.  Isa kami sa mga pinakamataas na angkan.

Sa totoo lang,  inggit na inggit ako sa kapatid ko.  Bakit kasi nabiyayaan siya ng ganung klaseng kapangyarihan?  Bakit hindi na lang ako?  Tutal naman,  wala naman silbi ang kapatid ko at hindi nito alam kung paano gagamitin ang kapangyarihan na iyon. 

Naalala ko noong limang taon pa lamang ako habang si Ellaine naman ay nasa edad na dalawa. Dati palang inggit na inggit na ako sa kapatid ko. Dahil lagi nalang siya. Tapos kapag may mga kaguluhang  nangyayari, puro siya ang laging pinoprotektahan at iniingatan ng aming angkan.  Pero ano pa nga ba magagawa ko? Napaka special niya sa mga mata nilang lahat. 

Hindi ko halos makalimutan yung nasaktan ko siya dahil sa naghahalo halo kong emosyon. Hindi ko sinasadya na maitulak siya kaya tumama siya sa isang patusok na bagay.  Nagkasugat ang kaliwang braso niya. Buong magdamag akong pinagalitan at sinabihan ng aming magulang.  At simula nun,  inilayo na nila si Ellaine sa akin.  Sinubukan kong humingi ng tawad sa kapatid ko.

Kinabukasan nun, napansin kong wala sila sa mansyon. Nilibot ko ang buong mansyon pero wala akong natagpuan kahit isa sa kanila. Pumasok ang isang tanong sa isipan ko.  Iniwan na ba nila ako? Halos hindi ako nakahinga nung mga sandaling iyon at hinihiling na sana ay Mali lang ang iniisip ko.  Gusto kong patayin ang aking kapatid sa mga oras na yun. Unti-unti na nagkakaroon ng pagkamuhi ang puso ko.  Hanggang sa inabot ng umaga ang paghihintay ko sa kanila ngunit, kahit isa sa kanila ay walang bumalik nung umaga na iyon. Tuluyan na bumagsak ang luha ko.  Hindi ko alam ang gagawin ko.  Ayokong isipin na tuluyan na nila akong iniwan.

Napagdesisyunan kong lumabas ng mansyon kahit na alam kong bawal.  Nasan kaya sila? paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang tanong na iyon. At isang lalaki ang dumating upang sagutin ang mga tanong ko na iyon. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Master.

"Iniwan ka nila dahil mas mahal at mahalaga sa kanila si Ellaine kaysa sayo. Huwag mo na sila hanapin pa dahil hindi na sila babalik pa. "

Kapag naiisip ko ang sinabi sakin nun ay parang guguho na ang mundo ko. At simula din nun,  kinamuhian ko na silang lahat at kinalimutan pa na pamilya ko sila.  Maghihiganti ako sa pang iiwan na ginawa nila sa akin.  Maghihiganti ako para sa sarili ko.

Kaya ako Sumama sa kanya kahit na hindi ko pa siya gaanong kakilala. Pumayag ako na maging alipin o tauhan niya dahil pinangako niya na tutulungan niya ako para makapaghiganti.

Ito na ako ngayon. Masaya ako sa kung ano ako ngayon. At hinding hindi na babalik pa sa dating ako.

Itutuloy. .

A/N: Pasensya na kung sobrang napakaikli nito. Marami kasi akong tinanggal at meron din naman idinagdag na eksena. Salamat sa mga umunawa. 

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon