Eliza's POV"Kailangan natin ibigay sa kanila si Ellaine sapagkat mapanganib na para anak natin kung mananatili pa siya satin."
"Anak natin si Ellaine, Kailangan din niya tayo."
"Tandaan mo kailangan din tayo ni Eliza. At kung mas makakabuti para kay Ellaine yon, mas mabuti na ibigay natin siya doon."
"Ayoko..."
"Na kay Ellaine ang napakalakas na kapangyarihan, Hindi natin alam kung gaano kaspecial ito kaya pilit siyang kinukuha ng mga kalaban satin."
Napahinga ito ng malalim. "Payag na ako. Para lang sa kaligtasan ng ating anak."
--
Napamulat ako ng mata. Panaginip lamg pala yon. Pero parang totoo? Boses nila Ina at Ama yun habang naguusap sila. Pero bakit? Ang gulo gulo na, Hindi ko na maintindihan kung ano ang totoo. Natatakot na ako at ayoko naman na maniwala agad. Pero anong nangyari sa kanila? Nasaan sila? At bakit nila ako iniwan noon?
Simula kasi noong sumapi ako sa mga kalaban o sa mga bad vampires, ay wala na talaga ako balita sa kanila. Ano ba ang tunay na nangyari sa inyo, Mama't Papa?
Ellaine's POV
Etong mga nakaraang araw palagi na lamang sumasakit ang ulo ko at pati din yung buong katawan ko. Minsan din ay nawawala ako sa sarili at hindi ako makausap ng matino. Tapos ang nakakapagtaka pa, bakit lagi na lang sumasagi sa isip ko si Paul?
"Laine, Nagdala ako ng makakain. Ako mismo ang nagluto nito. Tara Kumain na tayo." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Andrew sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat.
"Ano ka ba Paul! Bakit bigla ka-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto ko na iba ang pangalan na nabanggit ko, imbes na ang pangalan niya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Damn.
Natigilan din si Andrew dahil doon. Pero laki na lamang ang pagtataka ko nang bigla siyang ngumiti sa akin.
"Gutom ka na ata. Tara kain na tayo." Natatawang sabi ni Andrew sakin bago ako talikuran. Nagtataka akong sumunod sa kanya papalabas ng akong silid.
__
Kakaalis lang ni Andrew dito. Naisipan kong lumabas muna para magpahangin. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa tapat ng silid aklatan. Dahan dahan kong binuksan ang sendura ng pintuan. Mukhang walang tao dito. Nang tuluyang ako makapasok, naglakad ako na naglakad hanggang sa makarating ako sa dulong bahagi ng silid aklatan na ito. May napansin akong isang libro. Mukha itong luma sa paningin ko at mukhang matagal na ito dito. Hinugot ko iyong at halos mapaubo ako dahil sa dami ng alikabok. Pinunasan ko ang harap ng librong ito hanggang sa tuluyan kong nakita ang pamagat ng librong ito.
"The Light and dark power"
Nangunot ang noo ko. Light and dark power?Binuksan ko ang ilang pahina ng librong ito at laking gulat ko na lamang nang makita ang larawan na nakaipit sa libro.
Larawan ng batang babae at lalaki habang sila ay magkayakap sa isa't isa.
Hindi ko gaano maaninag ang mukha ng dalawang batang ito. Parang pamilyado itong nasa larawan.
"Anong ginagawa mo dito?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang kanyang boses. Muling kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ano ba itong nararamdaman ko.
Nilingon ko siya. Tumingin siya sa librong hawak-hawak ko at bahagyang nagulat.
"Hindi mo dapat pinapakelam ang mga libro banda dito sa likod ng aklatan." seryoso niyang sabi. Napahinga ako ng malalim.
"Pasensya na. Hindi na mauulit." paumanhin ko kay paul.
"Umalis ka na." Utos niya. Agad ko naman sinunod ang utos niya. Sinara ko ang libro at Binalik ito sa tamang lalagyan.
Tinalikuran ko na si Paul at dire-diretsong lumabas ng aklatan. Hindi na ko nag abala pang lingunin siya.
Pagkadating ko agad ng dorm ay agad akong nagtungo sa aking silid at humiga sa kama. At literal na nanlaki ang mga Mata ko nang mapansin na hawak hawak ko ang larawang nakita ko kanina na nakaipit sa librong iyon.
Damn, Ellaine. Bakit hindi mo man lang napansin? Paano ko ibabalik pa ang larawang ito? Mukhang hindi na ata ako mapapayagang pumasok ulit sa aklatan na iyon.
Muli kong tiningnan ang larawan. Napaisip ako. Kung itago ko na lang kaya ito? Hindi naman siguro ito mahahanap?
Bumangon ako at yumuko sa ilalim ng aking kama. Hinila ko ang isang box. Binuksan ko iyon at doon inilagay ang larawan. Pero natigilan ako nang makita ko ang kwintas ko sa loob ng bakal na kahon na ito.
Kinuha ko iyon at tiningnan ng maigi. Ano bang klaseng kwintas ito? Bakit parang ramdam ko na parang hindi lang ito basta kwintas lang.
Itutuloy.
![](https://img.wattpad.com/cover/62677946-288-k22734.jpg)
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.