Chapter 13

8.4K 251 7
                                    

#Edited

Anne's POV

Papunta ako ngayon sa dorm ni Ellaine.  Hindi kami nagkita ngayong araw dahil may mga pinagawa sakin si Ms. Francine. Sinabi sakin ni Andrew kanina na magkasama sila.  Mabuti naman kung ganon.

Ngunit agad ako natigilan.  Natanaw ko dito dulo ng hallway ang nakahandusay na si Ellaine. Nanlaki ang mga Mata ko.  Tumakbo ako papunta sa kanya.

Hinawakan ko ang pisngi niya. "Ellaine!  What happened?  Ellaine!  Wake up!" Pinapalo palo ko ang kanyang pisngi. Hindi parin siya nagigising. Anong nangyari?  Bakit nakahandusay siya sa sahig? 

Lumakas ang kabog ng dibdib ko.  Anong gagawin ko?  Natatakot ako na baka kung ano ang nangyari kay Ellaine.

Agad kong tiningnan ang bahagi ng kanyang leeg.  Isang maliit na turok ang aking nakita banda dito.  Nagtaka ako. Sino ang gagawa nito sa kanya?

Kailangan 'to malaman ni Ms. Francine.

Binuhat ko siya at agad na dinala sa loob ng kanyang dorm.  After nun,  Dali Dali Kong tinawag si Ms. Francine at Andrew.

--

"Anong nangyari sa kanya?! " bungad agad ni Ms. Francine. Bahagyang nakakunot ang kanyang mga noo.

Tiningnan ko si Ellaine.  "Hindi ko alam.  Nakita ko na lamang siya na nakahandusay sa sahig,  kanina.  Tingnan mo ang bahagi ng kanyang Leeg.  Isang maliit na turok."  Dali daling tiningnan ni Ms. Francine ang leeg ni Ellaine.  Nakita Kong natigilan siya.  Hinawakan niya ang mga ito.

"Hindi ito isang kagat ng bampira.  Isa itong turok.  Hindi ako sigurado kung anong klase ang tinurok sa kanya." Aniya.  Nanginginig ang mga kamay ko.  Nag-aalala ako para kay Ellaine.

"Anong gagawin natin Ms. Francine?! Baka kung ano ang mangyari kay Ellaine!" Aniya ni Andrew.  Nag-alala din ito katulad ko...  Namin.

Bumuntong hininga si Ms. Francine. "Masama ang kutob ko.  Napasukan tayo ng mga kalaban. Kailangan nang bumalik ni Paul sa lalong madaling panahon. Nakasisiguro ako na si Ellaine ang next target nila." Anito. Lalo akong kinabahan sa mga sinabi ni Ms. Francine.  Hindi ligtas si Ellaine dito.  Natatakot ako para sa kanyang kaligtasan.

"W-wala naman po bang masamang nangyari sa kanya?" Tanong ko. 

"Wala naman.  Chineck ko din ang kalagayan niya.  Nawalan lang siguro siya ng Malay kanina. Ngunit hindi ko makita kung anong klase ang pagkakaturok sa kanya.  Hindi ko alam kung may nilagay ba sila sa katawan ni Ellaine o baka naman kumuha lang sila ng dugo mula sa dito." Pangamba ang nakita ko sa mga Mata ni Ms. Francine.  Pangamba na baka kung ano ang mangyari kay Ellaine.

"Kung ganon po.. --"

"Andrew,.  Maghatid agad kayo ng sulat sa kirin.  Kailangan ng makabalik agad ni Paul dito.  Kailangan siya dito. " utos niya kay Andrew.  Agad naman siya nito sinunod.

"Anne,.  Tawagin mo ang lahat ng officers at tingnan niyo ang buong paligid.  Nakasisiguro ako na,  natanggal ng mga kalaban ang spell na nilagay ko sa bawat sulok ng Academy. " aniya.  Tumango ako.

"Masusunod po. "

"Ako na ang bahala dito. " Lumabas na ako at hinanap na ang mga ibang officers.  Hindi ako nahirapang hanapin sila dahil magkakasama lang sila.

"Oh, Anne? May pinapagawa pa ba si Ms. Francine? " tanong agad ni Jake. 

Tumango ako.  "Kailangan nating tingnan ang buong paligid ng academy."

Nagtaka sila. "H-huh?  Bakit naman daw?  May problema ba?" Sabi ni Pauline.

"saka ko na ipapaliwanag sa inyo. Gawin na muna natin ang pinapautos ni Ms. Francine.  May nakapasok siguro na kalaban dito at nagawa nitong sirain ang spell na ginawa ni Ms. Francine." Nagulat silang lahat.

"I-isang kalaban?" -Jake.

Tiningnan ko silang lahat.  "Nasan si Angela?"

"Nagpaalam siya.  May pupuntahan lang daw siya. At wala kaming idea kung saan. " sabi ni Pauline.  May pagkamaldita sa mga boses nito.

"Kung ganon,  tayo-tayo lang pala..  Halika na.. " Nagsimula na kaming maglakad ngunit agad din naman natigilan.

"Sandali! Sasama ako sa inyo. " Napalingon kaming lahat kay Zhack.  Bigla siyang sumulpot sa harapan namin.

"Sasama ka? " -Jake.

Tumingin si Zhack sa 'min. "Nabalitaan ko ang nangyari. "

Napatango ako.  "Kung ganon,  sige.  Halika na. " Wala kaming panahon para mag-usap.  Kailangan na naming agad gawin ang pinapautos ni Ms. Francine.

..At kailangan din namin mahanap kung sino ang gumawa nun kay Ellaine..

Paul's POV

Isang sulat ang aking natanggap mula kay Tita.  Nagtaka ako dahil pinapabalik niya na agad ako ng Vamps Academy.  Apat na araw pa lamang ako na nandito at may tatlong araw pa ako. Bakit niya naman agad ako pababalikin?

Walang isinulat dito na dahilan niya kung bakit niya agad ako biglang pababalikin.

May nangyari ba?

Kumabog ang dibdib ko.  Teka..  Ano ang uunahin ko?  Ngunit.. Wala pa ako sapat na impormasyon na nakukuha. Pero.. Baka Kailangan ako sa Vamps...  Argh!  Ano ba 'to.

Bakit kasi hindi man lang isinulat ni Tita ang dahilan kung bakit niya ako pinababalik agad.  Baka mamaya kasi niyan,  wala naman talagang problema at gusto lang ako pabalikin agad.

Napahilamos ako ng mukha.  Hindi sapat ang mga impormasyon na nakuha ko.  Kailangan ko pa makahanap ng iba pang impormasyon.

Tatlong araw pa tita..  Pangako,  babalik agad ako.

Kumuha ako ng papel upang gumawa ng isang sulat na ipapadala ko sa Vamps Academy.

Pasensya ka na,  Tita.  May kailangan lang akong tapusin dito... Sana'y maintindihan mo.

...

A/N: Napakaili nitoooo!  Aym sowee!  Ang dami kong tinanggal na eksena dito pero don't ya worry,  sa next chapter ko naman ilalagay ang lahat ng mga tinggal kong eksena dito.  Yun lang.  ^_^ antok na ko beshy.  Tulog na eketch!  Nyt.

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon