Chapter 33

6.4K 211 8
                                    

Francine's POV

Si Ellaine...

Siya ang nagmamay-ari ng ganung kalakas na kapangyarihan. Siya ang matagal na naming hinahanap.  Pero bakit sa kanya pa? Anong ibig sabihin nun?  May lahi din ba siyang bampira?  Pero paano?  Alam ko galing siya sa pamilya ng mga tao. Ang mga Cruz.

Tinitigan ko siya sa mata, wala na siya sa sarili ngayon tulad ni Paul. Pula ang mga mata niya sa kanan at teka, bakit iba ang kulay na dapat na inaasahan ko sa kaliwang mata nito? Kulay pula din ito?  Anong ibig sabihin nito? 

Agad ako napailing.  Hindi maari... Imposible na siya din ang pureblood princess?  bakit sa kanya pa? Mapanganib sa kanya.

"Ano gagawin natin, Ms.Francine?" May halong pag-alala sa boses ni Andrew ngayon.

"Dalhin natin siya kay Paul. Kailangan nila magtagpo habang unti-unti na lumalabas  ang kapangyarihan nila."

"Bakit kay Ellaine pa...." Tiningnan ko si Andrew na nakatingin lang kay Ellaine. Umaatras ito papalayo dito.  Alam ko kung ano ang nararamdaman niya kay Ellaine pero kailangan niya na pigilin kung ano pa ang nararamdaman niya para dito.

"Dalhin na natin si Ellaine kay Paul, kailangan nila mag-isa." Lumapit kami sa kanya.

Hindi namin magawang makalapit kay Ellaine.  Dahil tulad niya ay wala din siya sa tamang pag-iisip. 

Nagulat kami nang si Daniel ang lumapit dito. Nakipagtitigan lang si Ellaine sa kanya na parang pinag-aaralan ang mukha nito.

"Ellaine, Sumama ka samin." Hahawakan na sana ito ni Daniel  nang bigla siyang nito tabigin at sinakal ng mahigpit.

"Daniel!!" Sabay naming sigaw.
Ginamit ko ang spell na alam ko upang makatulog si Ellaine.  Mabuti na lamang at gumana ito kahit papaano. 

Si Andrew ang nagbuhat sa kanya.

"Halika na.  Saglit lamang eepekto ang spell na ginamit ko sa kanya." Sabi ko. Sabay sabay muli kami nagtungo sa Hardin kung nasaan si Paul.

Pagkadating namin dun,  natigilan na lamang ako nang makita ko siya. 

"Selena?" Takang taka kong sabi.  Humarap siya samin na may nakakalokong ngiti.

"Nagbabalik na ko muli, Francine." Sabi nito.  Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Isa si Selena ang naghahangad ng kapangyarihan ng light power. Mapanganib para kay Ellaine ito...

"Bakit ka pa bumalik?!" Sigaw ko. Napatingin siya kay Ellaine na hawak ni Andrew.  Lalong kumabog ang dibdib ko.

"Selena.."

"Alam niyo na pala..." Panimula nito. "Napakaswerte niya dahil nasa kanya ang kapangyarihan na ninanais ko." Dagdag niya pa. 

"Anong binabalak mo Selena?!"

"Malalaman niyo rin."

Someone's POV

Habang nagtitipon ang lahat ng badvampires ay nakaramdam na lamang si Eliza ng biglaang pagkahilo. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya kung bakit bigla na lang siya nahilo ng ganun. Nagdilim ang kalangitan at sumama ang panahon. Halos lahat sila ay napatingin sa bintana kung saan makikita mo malakas na pag-ulan.  Nakita din nila naghahalo ang kadiliman at kaliwanagan sa langit. Anong ibig sabihin nito?

"Anong nangyayari?" Mabilis na tinanong ni Eliza sa kanyang Master na nakatingin din sa kalangitan.

"Ang Dark power at light power...." Bulong nito.  Napatingin sila dito. 

"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Eliza dito.

"Nagtatalo ang parehong kapangyarihan. Teka,Sino ang light power?" Muli sila napatingin sa kalangitan kung saan makikita nila kung paano naghahalo ang kadiliman at liwanag sa kalangitan.

"Ang pureblood Princess..."

"Ha?"

"Eliza, kailangan na natin ngayon makuha ang kapatid mo bago niya na makontrol ang kapangyarihan niya."

"Anong ibig niyong sabihin?! Naguguluhan na ko. Bakit kailangan na agad natin makuha ang kapatid ko?  At anong kapangyarihan ang sinasabi niyo?"  Litong lito na sabi ni Eliza.

"Nagbago ang plano..."

Halos lahat sila ay napatingin sa kanilang master...

"ANO!!!?" Halos napasigaw si Eliza sa Inis. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ng kanyang master.

" Master! Gising na po si Terror! " Sabi ng isang tauhan sa kanya. Napangiti ng bahagya si Eliza dahil sa narinig niya. Imbes na tanungin niya muli ang master niya, tumakbo siya papunta sa isang silid kung nasaan si Terror.

Pagpasok niya sa loob, ibang Terror ang kanyang nakita.

Pula na ang mga mata nito at bahagyang lumaki ang katawan nito. Anong ginawa nila sayo? Yun ang nasa isip ni Eliza habang tinitingnan ng maigi si Teror.

"Terror...."

Humarap ito sa kanya  at ngumiti ng malapad..

"Nagbabalik na ko ulit, Eliza." Sabi nito.  Dali daling lumapit si Eliza dito at niyakap ito ng mahigpit. 

"Maligayang pagbabalik..."

"Salamat..."

Kumalas ng pagkakayakap sa sa isa't isa dahil biglaang pagbukas ng pinto. Nakita nila ang Master nila na seryoso ang tingin kay Terror.

"Binigyan kita muli ng pagkakataon na mabuhay para gawin ang pinapautos ko. Gusto ko ay makuha mo na ngayon si Ellaine sa lalong madaling panahon." Nagulat si Eliza ng sabihin iyon ng Master niya.

"Bakit?"

"Magbabago tayo ng plano. Gagawin natin isa satin si Ellaine."

Itutuloy.

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon