Ellaine's POV
Nagtataka parin ako hanggang ngayon. Pakiramdam ko talaga may nililihim sila.
Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang nakatingin sa salamin. Pero imposible naman kasi, bakit ang lalalim ng mga sugat ni Andrew noong araw na iyon? Nakakapagtaka dahil may saksak siya sa tiyan tapos may kalmot pa siya sa leeg, likod at mukha.
"Laine! Antagal mo naman dyan! malalate na tayo sa klase!" Sigaw ni Andrew mula sa labas.
Ilang segundo pa, lumabas na ako at hinarap siya.
"Andrew tapatin mo nga ko may ininilihim ba kayo sakin?" Diretso kong tanong sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo laine?" Nagtatakang tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Wag mo na intindihin iyon." Aniya at nauna na sa paglalakad.
--
Pagkatapos ng klase namin, agad akong nagtungo sa Hardin kung saan kami unang nagkita ni Andrew. Ako lang mag-isa dito. Pinatawag kasi ni Principal Francine si Andrew kaya ako hindi ko kasama si andrew dito.
Tinititigan ko yung mga bulaklak. At napapangiti na lang dahil sa ganda ng mga ito.
Habang nakatitig ako sa mga magagandang bulaklak dito. Bigla na lamang humangin ng malakas kaya nawala ang atensyon ko sa mga bulaklak. Tinatangay nito ang mahabang buhok. Laki na lamang ang gulat ko nang isang boses ang aking narinig.
"Malalaman mo din ang lahat..."
Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinahanap kung sino ang nagsalita, ngunit wala naman akong nakita.
Napailing ako. "Baka imahinasyon ko lang yun." Sabi ko sa sarili ko. Hindi parin natatapos ang malakas na hanging ito.
"Hindi pa ito ang itinakdang panahon para malaman mo ang.... Lahat.. Lahat."
Natigilan ako pagkatapos.
Third Person's POV
Nadatnan nila ang katawan ni Terror sa labas ng kanilang kaharian. Awang-awa ang mga tauhan dito Binuhat nila ang katawan nito at dali daling dinala sa harap ng kanilang master.
Tinitigan nito ang walang buhay na katawan ni Terror.
"Mabuti naman at buo pa ang katawan niya. Akala ko pa nan din ay hindi na siya makakabalik dito." Aniya.
"Master, may pulso pa siya. Buhay pa si Terror. " sabi ng isa sa mga tauhan niya.
"Dalhin niyo na yan." Utos nito kaya agad naman sumunod ang ilang tauhan dito.
---
Sa kabilang dako naman, Nag-uusap sina Francine, Andrew, Daniel at Jake tungkol sa pangyayaring nakita nila kay Paul noong araw na sumugod si Terror. Mahirap man ipaliwanag ang lahat pero pinaintindi itong lahat ni Francine sa kanila.
"Kung ganon, Na may Prince Paul ang Dark power?" Nagtatakang tanong ni Daniel.
Tumango si Francine. "Oo,"
"Hindi ba yun mapanganib para Kay pareng paul?" Nag-aalalang sambit ni Jake.
"Hindi mapanganib ang dark power kontrolado mo na ito. Pero kapag hindi mo pa ito kontrolado maaring masakop nito ang sarili mo." paliwanag ni Francine sa kanila.
"Bakit hindi pa niya kontrolado ang mga ito?" -si Andrew naman ang nagtanong.
"Hindi namin pinaalam sa kanya ng kanyang Ama na may ganun siyang kapangyarihan. Isang taon palang nun si Paul ay balak na ng mga badvampires na kunin siya dahil alam nilang na sa kanya ang dark power at mabuti na lamang nabigo sila." Paliwanag ni Francine sa kanila.
"Kung may dark power, meron ding Light power?" Nagtatakang tanong ni Daniel.
"Oo, merong light power pero Hindi namin alam kung na kanino ang mga ito. Matagal na namin hinahanap kung nasaan ito pero hanggang ngayon ay hindi parin namin ito matagpuan. Ang dark at ang light power ay dapat mag isa."
"Paano kung hindi niyo matagpuan kung nasaan ang light power?" Tanong ni Andrew
"Maaaring mamatay silang pareho. Hindi sila pwedeng maghiwalay. Hindi sila pwedeng habang buhay na malayo sa isa't isa."
"E kung ganun, ano na ang dapat natin gawin?" Tanong naman ni Jake na kanina pa walang imik.
"Ang kailangan lang nating gawin dito ay ang hanapin kung kaninong nagmamay-ari ang light power." Mahinahon na sabi ni Francine.
"Ha? Ngunit, Malaki ang mundo. Paano natin mahahanap iyon?iisa-isahin ang mga nilalang sa mundo? Ganun ba?" Sabi ni Jake kaya nakatikim siya ng batok mula kay Andrew.
"Tanga! Hindi natin lilibutin tong buong mundo. Mag-isip ka nga ng mabuti." Asar na sabi ni Andrew.
"Malakas ang pakiramdam ko, nandito lang sa tabi-tabi ang Light power." seryosong Sabi ni Francine.
"Pero pano natin yun mahahanap?" Tanong ni Daniel
"Basta ako na ang bahala dito. Kayo na lang ang gumawa ng paraan para hindi makahalata si Paul. Malakas ang makaramdam si Paul kaya mag-iingat kayo." Sabi ni Francine. Magsasalita na sana si Jake kaso may biglang kumatok kaya napaayos silang lahat.
"Ms.Francine, gising na po si Prince Paul!"
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampir"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.