#Edited
Zhack's POV
Dahil sa nangyayari.. Gusto ko na tuloy mag-aral dito sa Vamps Academy.. Hindi ko sila maintindihan. Bakit nila hinayaan iyon? Bakit sila nagpapasok ng mga tao dito? Masyadong mapanganib sa dalawang taong iyon na pumasok sa mundo naming mga bampira. At Hindi talaga maiiwasan ng iilan dito na, matakam sa kanilang dugo.
Si Ellaine.. Matagal tagal na din nung huli kaming nagkita. Mga bata pa kami nung panahong iyon at isa pa akong ordinaryong tao nun. Hindi ko magawang masabi sa kanya na 'ako to, yung zhack na naging kaibigan mo'. Natatakot akong magpakilala sa kaniya.
Gusto ko dito mag aral para din maprotektahan ko siya. Masyadong mapanganib para sa kanila ang mag-aral dito. Ano bang naisip nila at dito sila nag-aral?
Hindi mga ordinaryo ang lahat na nandito. Kahit na sabihin nating mga good vampires sila, Hindi parin mawawala sa kanila ang matakam sa dugo.
Naalala ko ang mga sinabi ko sa kanya kani kanila lang. Sa totoo lang, sinadya kong sabihin sa kanya ang mga iyon. Kung kinakailangan, Kailangan ko siyang takutin para tuluyan na siyang hindi mag-aral dito. Kailangan ko siya mapaalis sa lugar na ito. Mapanganib para sa kanya iyon.
Kasalukuyan ay nandito ako sa office ni Ms. Francine. Gusto niya daw ako makausap. Ito na din siguro ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya na gusto kong lumipat dito.
Huminga ako ng malalim. "Gusto kong lumipat dito. " Nagulat siya sa aking sinabi. Tulad ng aking inaasahan.
"Nahihibang ka na ba, Zhack?! " sigaw niya.
Seryoso ko siyang tiningnan. "Kakausapin ko agad si Mr.Erick para sa aking paglipat. "
Napatayo siya. "Are you kidding?! Tigil tigilan mo iyan, Zhack! "
"Hindi ako nagbibiro, Ms. Francine. I'm serious. Gusto kong lumipat dito. "
"Bakit?" Mahinahon niyang saad.
Napakunot ako. "Huh? "
"Bakit mo gusto dito lumipat? Para ano? Dahil ba kina ellaine?! Anong balak mo, zhack?!"
"Wala akong binabalak. " madiin na pagkakasabi ko.
"So bakit nga?! Anong pumasok sa isip mo at gusto mong lumipat dito ah?! " sigaw niya ng malakas. Napapikit ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo Kong dahilan.
"Paalisin mo na agad sila dito hangga't maaga pa. " pag-iiba ko ng usapan. Alam niya ang ibig kong sabihin.
"Hindi ko magagawa iyon, zhack.. "
"Mapanganib para sa kanila iyon! Hindi mo ba naiisip na isa silang tao at isa tayong bampira!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw.
"Utos iyon ng hari kaya wala tayong magagawa kundi ang sundin siya! "
"Utos ng hari? Ngayon ko lang naiintindihan... " bulong ko.
Nagtaka siya. "Ang alin? "
Tiningnan ko siya ng seryoso. "Ngayon ko lang naiintindihan na.. Hindi pala nag-iisip ng tama ang hari.. "
"Zhack! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Huwag kang magsalita ng ganyan sa hari!"
Umiling ako. "Buo na ang decision ko. Lilipat ako dito.. Huwag mo na kong pigilan pa. " Sabi ko bago ako naglaho sa harapan niya.
Nagpunta agad ako kay Mr. Erick para sabihin ang paglipat ko.
"Ano?! Seryoso ka, Zhack?! " sigaw niya sakin.
Hindi ako nakasagot.
"Paano na lamang ang kirin? Ikaw ang presidente ng kirin! Hindi pwede.. !"
"Pakiusap, Mr. Erick. Babalik din ako, huwag ka mag-alala."
"Ano bang naisip mo at gusto mong lumipat? "
"Basta... " iyon na lamang ang nasabi ko.
Napabuntong hininga siya. "Sige. Papayagan kita. Pero tandaan mo, kailangan mo parin makabalik ng kirin. Hindi pwede mawala ang presidente don."
Agad ako napangiti. "Maraming Salamat,"
Ellaine's POV
Napagdecisyunan namin ni celline na bumalik na agad sa dorm. Gusto ko na din kasi magpahinga. Maraming mga tanong ang nasa utak ko na hindi ko alam kung paano masasagot.
Hindi ko sinabi kay Celline ang kakaibang napapansin ko dito. Mas pinili Kong manahimik at salohin ang mga iyon.
Gabi na at hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kahit anong pilit ko, hindi parin ako makatulog.
Hinihingal ako. Pinagpapawisan ako. Nakabukas naman ang bintana, bakit pinagpapawisan ako ng ganito?
Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Nahihirapan akong makahinga. Kumuha ako ng suporta sa upuan. Ramdam ko na medyo nahihilo ako.
Isang ingay ang aking narinig, at nanggagaling sa labas ang ingay na iyon. May mga kaluskos akong naririnig, na para bang kinukuskos ito sa pader.
Kumabog ang dibdib ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at pilit na pinapakalma ang sarili. Anong meron sa labas?
Dahan dahan akong nagtungo sa pintuan. Nanginginig na hinawakan ko ang doorknob. At pinihit iyon ng dahan dahan. Nang tuluyan ko ng mabukas iyon, huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kaliwang bahagi ng hallway.
Agad nanlaki ang mga Mata ko. Isang lalaking nakatalikod ang aking natanaw sa dulo ng hallway. Hindi ko ito masyado maaninag dahil sa sobrang dilim. Tanging ang liwanag mula sa buwan ang nagbibigay liwanag dito.
Natatanaw ko na, medyo naghihingalo ang lalaking iyon. Familiar sa akin ang lalaking iyon.
Hindi ko mapigilan na mapasinghap. Napalingon sa gawi ko ang lalaki. Nanlaki ang mga Mata ko nang makita ko ang kanyang mga Mata. Tanging ang pula niyang mga Mata ang aking nakikita.
Isa lang ang pumasok sa aking isipan..
Agad kong sinarado ang pinto at tumakbo papasok sa aking kwarto. Nagtakip ako ng kumot. Ramdam ko ang takot ko. Nanginginig ang buo kong katawan at patuloy parin sa pagtibok ng malakas ang aking puso.
Isa lang 'tong panaginip... Isang masamang panaginip...
Francine's POV
"Paul! " tawag ko sa kanya.
"A-anong nangyayari kay Kuya?" Iyak na iyak na sabi ni Pauline. Nakikita ko ang pag-aalala niya sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Nawawalan na naman siya ng kontrol sa sarili... " Sambit ko. Mahina ako napamura.
"A-anong gagawin natin, tita?"
"Kunin mo yung injection sa opisina ko. Mapanganib ito.. " utos ko sa kanya. Agad naman niya ako sinunod.
Tumingin ako kay Paul. Hingal na hingal na siya at nakasisiguro ako na pinipilit niyang pigilan ang sarili.
Hindi ko siya pwedeng lapitan dahil baka masaktan niya ako. Sa tuwing nawawalan ng kontrol si Paul ay walang sinuman ang nakakalapit sa kanya. Maski ang kanyang kapatid at Ama ay Hindi magawang makalapit sa kanya.
Ito talaga ang epekto ng kapangyarihan sa kanya...
"Tita.. " Agad na binigay sakin ni Pauline ang injection. Hindi siya dapat tuluyan na mawalan ng kontrol dito.. Lalo na't nandito sa Palapag na ito sina Ellaine at Celline. Bakit kasi dito pa siya sa lugar na ito nawalan ng kontrol?!
Lumapit ako ng bahagya kay Paul. Nakatalikod ito. Agad ko siya nilapitan at agad kong tinusok sa kanya ang injection.
Bumagsak siya sa sahig.
Nakahinga ako ng maluwag.
"D*mn it, paul. "
...
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.