#Edited
Ellaine's POV
Maaga kaming umalis ni Celline. Medyo malayo layo din kasi ang Vamps Academy kaya kinakailangan naming umalis na ng maaga. Nakarating kami ng maayos pero ramdam ko ang pagod ko. Bumiyahe lang kami. Hindi ko naman aakalain na dito pala sa loob ng kakahuyan o gubat ang vamps academy. Sadya ngang kakaiba ang paaralan na ito. Naku, bakit ba kasi dito ako pinag-aral ni Mama? Ano bang naisip niya at dito ako pinag-aral? Hayy.
Tinitigan ko ang kabuuan ng school. Mukhang luma itong tingnan pero kapansin pansin din naman ang mga magagandang halaman at bulaklak na nasa paligid nito.
Napatingin kami ni Celline sa isa't isa. Maski siguro siya ay nagtataka katulad ko.
"Ito na ba yung school? " medyo nag-aanlangan niyang tanong sa akin. Nagkabit balikat ako. Muli Kong tinitigan ang academy.
"Halika na, pumasok na tayo. " Aniya ko. Nauna akong maglakad sa kanya.
Huminto kami sa harap ng isang malaking gate. Napatingin muli kami ni Celline sa isa't isa.
"Paano tayo makakapasok? " tanong niya.
"Iyan din ang tanong na nasa isipan ko."
Napabuntong hininga siya. "Sa pagkakakita ko palang dito, sadya ngang kakaiba itong academy na ito." Bulong niya sa akin. Napatawa ako ng mahina. Parehas kami ng iniisip.
Nagulat kami nang biglang bumukas ang malaking gate na nasa harap namin. Bumungad sa amin ang napakagandang tanawin. Napangiti kaming dalawa ni Celline.
Naglakad kami papasok. Nakakamangha ang kagandahan ng Vamps Academy. luma man ang labas, iyon naman ang ikinaganda ng loob. Sadyang nakakamangha dito.
Inilibot ko ang paningin ko. Napapaligiran ng puno at halaman dito sa loob. Kulang na nga lang ay gawin itong Farmers. Napakaganda naman dito.
"Nandyan na pala ako." Agad kaming natigilan ni Celline at parehas na napalingon don. Halos mapanganga kaming dalawa dahil sa nakita. Pati ba naman ang mga Tao dito ay maganda din? Nakakamangha talaga dito.
"Welcome to Vamps Academy. " nakangiti nitong aniya sa amin. Sandali kaming nagtitigan ni Celline. Parehas talaga kami ng iniisip lagi.
Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan namin. Napakaputi nito. Medyo mapula ang kanyang mga labi. Ang kanyang mga Mata ay kulay asul na parang kumikinang kinang pa. Nakakahanga ang kanyang kagandahan. Para siyang isang bampira kung tutuusin. Nahiya tuloy kami bigla.
"Halika kayo, sumunod kayo sakin. Ipapakita ko ang magiging dorm niyo. " aniya nito. Nauna itong maglakad sa 'min. Nagkatitigan pa muna kami ni Celline bago maglakad.
"Lahat ay pwede niyong gawin dito ngunit tanging ang mga rules lang dito ang hindi niyo dapat gagawin. " simula nito. Nangunot ang mga noo namin. "Ang tatlong rules na hindi niyo dapat gagawin. Una, bawal lumabas ng dorm tuwing des 'oras ng gabi. Pangalawa, sumunod sa mga iniuutos ng officers dito. At ang pangatlo, bawal kayong magtungo o magpunta sa building na iyon. Kapag sumuway kayo sa mga rules na iyon, paparusahan kayo." sabay turo doon sa building na malapit sa bandang likod ng school.
Nagtaka kami. "Ahm, miss? Pwede po ba maitanong, kung bakit bawal kami magtungo doon? Ahm.. Hindi naman sa ano ngunit gusto ko lamang malaman kung bakit. " nahihiya Kong aniya. Napatingin ito ng seryoso sa akin. Napayuko ako.
"Dahil ang building na iyon ay para lamang sa 'min at sa mga officers. Don namin pinag uusapan ang lahat at may mga bagay na hindi niyo dapat makita doon. Sana'y maintindihan niyo ang ibig Kong sabihin. " paliwanag nito. Napatango naman ako.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Wampiry"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.