#Edited
Paul's POV
Tama ang kutob ko. May nakapasok na nga na kalaban dito sa Academy. At katulad ng sinabi ni Tita, Magaling ang terror na iyon pagdating sa spell. Alam nito ang iba't ibang klase ng Spell. Kailangan naming mag-ingat lahat. May posibilidad na gamitan niya kaming lahat ng mga spell na nalalaman niya.
Malamang siya din ang may dahilan kung bakit nawala lahat ng epekto ng spell na ipinalibot ni Tita dito sa Academy upang walang makapasok na kalaban. Magaling siya at aaminin ko iyon. I want to kill him, Now. Pero paano ko siya makikita kung ginagamitan niya ng spell ang sarili niya para hindi namin siya matagpuan. Nakasisiguro ako na nandito lang ang terror na iyon sa paligid.
Agad kong hinanap si Angela. Kailangan ko siya ngayon dahil may ipapautos ako sa kanya. Pero, kahit anino niya ay wala akong nakita. Nasan na ba siya? Hindi dapat basta basta nawawala ang vice president. Kailangan siya dito.
"Nasan si Angela? Nakita mo ba?" Tanong ko kay Pauline.
Umiling siya. "Nung isang araw pa siya nawawala. Hindi ko nga alam kung mag-aalala ba ako o Hindi sa pagkawala niya. "
"San naman daw kaya siya nagpunta? May ideya ka ba?"
"Wala, Kuya. Hindi ko naman gaanong kaclose si Angela. Wala akong kaalam-alam tungkol sa kanya. "
Napahinga ako ng malalim. "Oo nga pala, pakisabihan mo nga si Jake na pumunta kay Tita. I need to go. May kailangan pa akong gawin. "
Tumango siya. "Mag-iingat ka. "
Naglaho na ako sa harapan niya. Nagtungo naman ako sa opisina ko. Kinuha ko ang isang libro na naglalaman tungkol sa mga spell. Kailangan kong matanggal ang epekto ng spell na ginagamit ni Terror para agad na namin siya matagpuan.
Pagkatapos nun, agad na kong nagtungo kay Tita. Nandon na din si Jake.
"Sabi ni Pauline sakin, punta daw ako sa opisina ng Tita mo. " Aniya niya.
"Ano iyan?" Napalingon ako kay Tita na ngayon ay nakatingin sa librong hawak hawak ko.
"Isang libro na naglalaman tungkol sa mga spell. Kailangan natin malabanan ang spell na ginagamit ni terror para tuluyan natin siya matagpuan. Nasa paligid lang siya. Sigurado ako. " sabi ko. Nagkatinginan sila ni Jake.
"Kaya kita pinapunta dito, jake. Alam kong ikaw lang ang may kakayahan na gumamit ng spell."
Nagulat siya. "A-ako? Pero teka.. Wala akong alam tungkol sa mga spell. Alam ko lang kung paano gamitin ang mga ito. "
"Kaya nga. Iyon nga ang punto ko. Kinakailangan kita. Hindi ako marunong gumamit ng spell at ikaw lang naman ang may kakayahan kung paano gamitin ang mga ito. " Tumango naman siya na parang nakuha niya ang ibig kong sabihin.
Binuksan ko ang libro at agad na hinanap ang klase ng spell na ginagamit ni Terror ngayon.
Biglang bumukas ang pintuan kaya natigilan ako sa pagtingin sa libro. Bumungad samin ang hingal na hingal na si Pauline.
"Ano ang nangyari?!" Sabi ni Tita
Lumapit ito samin. "Wala na si Terror dito."
"Paano mo naman nasabi? Gumagamit siya ng spell para Hindi natin malaman kung nasaan siya. " Sambit ko.
"Kaya nga. Pero, nakasisiguro ako na wala na siya dito. Tingnan niyo yung Gate sa likod. Sira ang mga iyon. " Anito. Agad kaming nagtungo lahat sa Gate na sinasabi ni Pauline. Tama nga siya. Wala na nga dito si Terror.
Napamura ako. "I want to kill him. " gigil na gigil kong tugon.
"Paul, Calm down." Pagpapakalma ni Tita. Hindi ko siya pinakinggan.
"Oo nga pala, Si Eliza.. Kanina pa namin siya hinahanap pero wala siya." Napatingin ako kay Pauline dahil sa sinabi niya.
"Si Eliza?"
Tumango siya. "Hindi pa ba nabanggit sayo ni Tita?"
Napatingin ako kay Tita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Paul, alam ko kung ano ang gagawin mo kay Eliza matapos mong malaman na nandi-"
"D*mn! Bakit niyo hinayaan na makatapak siya dito?!" Sigaw ko.
"Paul, listen. Hindi natin alam kung ano ang binabalak ni Eliza. Pero napag-alaman namin na, panay ang lapit nito kay Ellaine at wala ka-"
"Kay Ellaine?"
Tumango siya. "Hindi namin alam kung ano ang binabalak niya. Bawat kilos niya ay binabantayan namin. Kaya nga, sinabihan ko si Andrew na huwag siya aalis sa tabi ni Ellaine dahil baka kung ano ang gawin ni Eliza kay Ellaine. "
"Pero mapanganib parin iyon! Ano ba ang iniisip mo?! Isang Tao si Ellaine, nakalimutan mo na ba?!" Nagsisimula na mag-init ang ulo ko.
"Paul, calm down. Will you?Alam ko ang ginagawa ko.
Napahinga ako ng malalim. "Fine. Gawin mo ang alam mong makabubuti. Pero sa oras na may mangyari kay Ellaine nang dahil sa kay Eliza.. Tandaan mo, ikaw ang sisisihin ko." Aniya ko bago naglaho sa kanilang harapan lahat. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Bakit ganito na lamang ako kung makareact? Bakit ganito na lamang ang epekto ng babaeng iyon sa akin? Naguguluhan ako. Nalilito.
Pero bago ang lahat. May mga bagay pa ako na dapat ayusin. At isa na don si Eliza. Kung ano man ang binabalak niyang gawin.. Pipigilan ko siya.
....
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampiri"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.