Chapter 10

9.9K 342 4
                                    

#Edited

Ellaine's POV

Naging mas malapit na kami ni Andrew sa isa't isa.  Lagi kaming magkasama kahit saan at tinuturing ko na siya na isang kaibigan. 

Tatlong araw.  Tatlong araw ng wala si Celline at sobra ang kalungkutan ko non.  Mabuti na lamang at nandyan si Andrew para pasiyahin ako. Nakakatuwa siyang kasama.  Palabiro din siya katulad ni Celline.

May pinakilala siya saking isang babae.  May mga magaganda itong kutis at sadyang nakakahanga ang kagandahan nito.

"Anne ang pangalan ko," Anito.  Napangiti ito sa 'kin.  Ngumiti din ako pabalik.

"Ikinagagalak kitang makilala,  Anne." Aniya ko.

Masayang kausap si Anne.  Madaldal din siya.  Natutuwa ako sa tuwing nag-aasaran sila ni Andrew.  Parang may kakaiba sa kanilang dalawa.  Sadyang malapit lang siguro sila sa isa't isa.

Naikwento din sa akin ni Andrew,  kung paano sila nagkakilala ni Anne.  At kung paano sila naging magkaibigan nito.  Napakasaya nilang tingnan dalawa.

"Alam mo ba Ellaine, Yang si Anne.. napakataray sakin nung una." -Andrew.

"Aba!  Ako pa ngayon ang mataray ah?!  Sino kaya satin ang hindi namamansin!" Protesta ni Anne.

"Hoy!  Hindi kita pinapansin nun dahil galit ako sayo!"

"Asus.  Aminin mo na kasi..! "

"Kahit tanungin mo pa si Laine ei! Laine,  save me! " Aniya nito sakin na parang humihingi ng tulong sakin. 

Napatawa ako.  "Nakakatuwa kayong tingnan.  Naaalala ko tuloy si Celline sa inyo. " Medyo may pagkalungkot kong sabi.

Napabuntong hininga si Andrew. "Babalik din yang si Celline, tiwala lang. "

"Kaso may magbabago. " Bulong lamang ni Anne ngunit narinig ko ang mga iyon.

"Ano naman ang magbabago, Anne?"

Nanlaki ang mga Mata niya.  "Huh?  Wala yon."

Ginulo ni andrew ang buhok niya. "Pagpasenyahan mo na tong si Anne,. Kung anu-ano lumalabas sa bibig nito. "

Hindi ako nakasagot.  Ano nga ba ang magbabago sa pagbabalik mo,  Celline? 

"Halika!  May ipapakita ako sa inyo!  Madalas ko itong puntahan. " Aniya ni Anne. Naglakad ito habang kami naman ay nakasunod sa kanya.

Isang kwarto na puno ng libro ang aming pinuntahan. Namangha ako sa dami ng libro dito.

"Mahilig ako sa mga libro kaya dito ako madalas nagpupunta. " Sabi ni Anne samin.  Humugot siya ng isang libro.

"Ito ang paborito kong lugar dito sa Academy. "

Nilibot ko ang tingin ko.  Puro mga libro ang aking nakikita. Napakaraming libro dito.

Kumuha ako ng isang libro.  Nang buksan ko ito ay agad na nangunot ang aking noo.

"Iba ang lengguwahe na ginamit dito?" Nagtataka kong aniya.  Hindi ko maintindihan ang nakasulat.

Lumapit si Anne at tiningnan ang librong hawak hawak ko.  "Ah. Oo.  Madalas ang libro na nandito ay,  iba ang mga lengguwahe. "

"At naiintindihan mo ang mga nakasulat doon?"

Tumango siya. "Oo.  Katulad na lamang ng librong hawak hawak mo. " Halos mapanganga ako. 

"Madami ka palang alam na iba't ibang lengguwahe... "

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon