Chapter 11

9.4K 303 1
                                    

#Edited

Paul's POV

Napagdecisyunan kong umalis ng Vamps Academy at magtungo sa Kirin.  May mga dapat akong asikasuhin at gawin at kinakailangan kong matungo ng kirin.

Kasalukuyan ay nagiimpake ako ng mga kagamitang gagamitin at mapapakinabangan ko. Masyadong mahigpit ang kirin kaya kailangan doble ingat ako sa bawag kilos ko.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos. Dumiretso ako sa opisina ni Tita upang mag paalam.

"Saglit na mawawala ang presidente.  Kayo muna ang bahala dito. " Bilin ko kay Tita.

"Hindi ko maintindihan ang nasa isip mo,  kung bakit kinakailangan ka pa umalis dito at magtungo ng kirin. Ngunit,  malaki ka na at alam kong,  alam mo ang iyong ginagawa.  Mag-iingat ka,Paul. "

Nginitian ko siya.  "Habang wala akong pansamantala,  Si Angela muna ang magiging kapalit ko."

Nangunot ang noo niya. "Sadyang may tiwala ka talaga sa kanya, Paul? " Tumango ako.

"Huwag ka basta basta magtitiwala sa kanya..  Malakas ang kutob ko na..  May kinalaman siya sa nangyayari.."

"A-ano ang ibig mong sabihin,Tita?  M-mali ka siguro ng iniisip nga-"

"Sige na.  Tsaka na lamang natin pag-usapan ang bagay na ito, pagbalik mo. Mag-iingat ka. " Anito.  Nag-aanlangan akong tumango sa kanya.

"Mawawala ako ng ilang mga araw..  Bantayan mo ang taong iyon. " Aniya ko.  Alam niya na ang ibig kong sabihin. 

Ngumiti ito at tumango. Tumalikod na ako at akmang paalis na,  nang muli siya magsalita.

"Nakikita ko sa mga Mata mo ang pag-aalala mo sa kanya. Parang may koneksyon sainyo--"

"Gawain lamang ng isang katulad ko na protektahan siya. Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na,  bantayan siya at protektahan.  Nandito siya sa loob ng Vamps Academy at ako ang pansamantalang namumuno dito... At gawain ko lang na protektahan at ingatan ang lahat na nandito." Paliwanag ko sa kanya bago tuluyang makalabas ng kanyang opisina.

'Maski ako tita..  Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang pagpapahalaga ko sa babaeng iyon.. '

--

Ilang oras din ang lumipas at nakarating na rin ako sa pupuntahan ko. Napatitig ako sa kabuuan nito.  Kung tutuusin,  Maganda at malawak ang tanawin dito sa labas ng kirin kumpara sa Vamps Academy. Pero kung papasukin mo ito..  Mas malaki parin ang Vamps Academy kaysa dito. 

"Ano ang mayroon bat ka napaparito?" Bungad agad sakin ni Mr.Erick. Ang namamahala ng Kirin.

Ngumiti ako ng matamis. "Hindi mo man lang muna ba ako babatiin?"

Huminga siya ng malalim. "Welcome to Kirin Academy, Paul. " Napangiti ako ng todo dahil sa aking narinig.

"Salamat," Aniya.

"So..  Ano nga ang mayroon at bat ka napaparito,  Paul?"

"Gusto ko lamang bisitahin ang Kirin. Medyo matagal tagal na rin kasi nung huli kong punta dito.  Marami ang nagbago dito..  Katulad na lamang... "

"Katulad ng alin,  paul?"

"Katulad ng magandang tanawin sa labas..  Yung huli ko kasing punta..  Hindi ganoon kaganda ang tanawin sa labas.. Pero ngayon, sadyang nakakamangha na dito. " ngumiti ako na para bang totoo ang sinasabi ko. 

'Marami ang nagbago dito..  Katulad na lamang ng mga bampira na nandito... Katulad mo,  Mr. Erick. '

"Parang may kakaiba sa iyong pananalita,  Paul?  Ngayon ko lang nakita na ngumiti ang isang katulad mo."

Napatawa ako.  "Sa ngayon ay masanay ka na dahil madalas mo na kong makikita na nakangiti. "

"Maganda naman kung ganon.  Dati kasi, puro kaseryosohan ang makikita sa iyong mukha. "

"Marami ng nagbago ngayon, Mr. Erick. " Muli ko siya nginitian.

"Oo nga. Marami na nga ang nagbago.  By the way,  halika at puntahan na natin ang magiging silid mo pansamantala. " Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako.

Huminto kami sa tapat ng isang pintuan na kulay ginto.

"Ito ang iyong magiging silid. " aniya.  Pumasok na kami sa loob.  Malaki ang silid na ito para sa akin.

"Hindi naman siguro malaki ang silid na ito,  para sakin no?" Medyo natatawa kong sabi.

"Espesyal ka..  Kaya tama lamang ang silid na ito para sayo, Paul."

"Naku.  Huwag mo ko sanayin..  Baka mawili ako niyan. " Aniya ko.  Napatawa siya at nagkabit balikat.

"Sige na.  Alam kong kailangan mo ng pahinga. Tawagin mo na lamang ako kung may kailangan ka pa." Anito.  Nagpaalam na siya at lumabas na ng silid.

Bigla nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ako sanay na ngitian siya ng ganon.  Nakakasuka. 

Ngunit..  Kailangan kong tiisin iyon habang hindi pa ako nakakakuha ng impormasyon. 

Kailangan ko ng kumilos agad.

Ellaine's POV

Kasalukuyan ay nandito ako sa Canteen.  Mag-isa lang ako.  Hindi ko pa nakikita sina Andrew at Anne ngayong araw na ito.  Siguro ay may mahalaga silang ginagawa. 

Biglang may tumabi sa akin.  Agad ako napalingon dito.

Speaking of..

"Hi Laine!" Bati ni Andrew sa akin. Hindi ako nakasagot agad.

"Oh.  Ganun ba ako kagwapo kaya hindi ka agad makapagsalita dyan?" Mayabang niyang sabi.  Agad ko siya hinampas sa braso.

"Nasan si Anne?"

"I'm here! " Parehas kami napatingin kay Anne na kadarating lang.

"Hi anne! " bati ni Andrew sa kanya.  Isang taray ang sinagot ni Anne sa kanya pabalik.

"Nabalitaan niyo na ba?" Seryoso ang pagkakasabi ni Anne.  Napaayos kaming dalawa ni Andrew sa pagkakaupo.

"Ang alin,  Anne?" -Andrew.

Umupo siya sa harapan namin. "Sandali daw na mawawala ang presidente. Si Angela muna ang papalit dito pansamantala." Sandaling mawawala? Si Paul?

"S-si Angela? Naku.  Bakit siya pa?!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ni Andrew kaya ang ilang mga estudyante na nandito ay napatingin sa gawi namin.

"D-diba..  Siya yung Vice president dito? " Tanong ko.  Tumango naman si Anne.

"Ano daw ang dahilan kung bakit mawawala ng sandali ang presidente?" Tanong ni Andrew.

"Wala silang sinabi o binanggit man lang." -Anne. 

"A-ang daming pwedeng ipalit sa kanya...  Bakit si Angela pa?!" Aniya ni Andrew.  Muli  na namang pumasok sa aking isipan ang aking nakita noon. Simula nun,  nakaramdam na ko ng takot sa tuwing nakikita ko si Angela. Iba ang pakiramdam ko sa kanya.

"Uy Laine? Nakatulala ka na.." Napabalik ako sa realidad.

"Napapansin ko lang,  itong mga nakaraang araw,  napapansin ko na parang maraming kang iniisip,  Ellaine. " sabi ni Anne.

"H-huh?  W-wala iyon." Napayuko ako.  Rinig kong napabuntong hininga siya.

"Oo nga pala,  ano na? May nalaman ka na bang ibang salita don sa lengguwaheng inaaral mo?" Pag-iiba ni Anne ng usapan.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Si. Meron na. "

['Si' means "OO" , "Yes" in Espanyol. Sa mga hindi lang naman nakakaalam.]

Napangiti siya.  "Nakatitiyak ako na mas marami ka pang malalaman na iba't ibang lengguwahe bukod sa 'kin. "

Nahihiya akong napayuko muli. "H-hindi naman... s-siguro. "

"Namula ka Laine!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Andrew. Hinampas ko siya sa braso.. 

...At Maya Maya lang din ay parehas kaming natawa dalawa.

...

Time check: 2:00AM (antok na eketch bes. Haha. Goodnyt XX)

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon