Chapter 5

11.9K 367 1
                                    

#Edited

Ellaine's POV

Nagtungo kami ni Celline sa Hall kung saan gaganapin ang handaan para sa pagdating ng mga bisita.  Handa na ang lahat.  Maraming pagkain ang kanilang hinihanda. Nakakagutom tuloy bigla.

Maraming napatingin sa aming pagdating.  Ang iba'y nagtataka dahil nandito kami.  Wala sila magagawa dahil inimbitahan kami ni Ms. Francine. 

"Nandyan na ang mga taga kirin! Humanda na ang lahat!" sigaw ng babae sa harapan.  Agad na nagsi pagkilos ang lahat.  Tumayo na kami ni celline ng tuwid. 

Maya maya pa, bigla ng pumasok ang mga bisita sa loob ng Hall.  Nakakapagtaka,  napakaputi nilang lahat.  Wala man lang akong nakikitang maitim.  Halos lahat ata sila nakalunok ng gluta.

"Welcome to Vamps Academy! " Nagpalakpakan ang lahat.  Napangiti naman ang lahat ng bisita.  Ngunit agad din nawala ang mga ngiti nila nang mapatingin silang lahat sa'min ni Celline.  Nakakunot ang mga noo nila at ang iba'y naman ay tila umiiwas. 

Napansin ni Ms. Francine ang kakaibang nangyayari.  "Halika! Kumain na tayo.  Nagpahanda ako ng maraming pagkain para sa inyong pag bisita.  Halika! Pagsalu saluhan natin. "

Nagsalita ang isa sa mga taga kirin. "Sino iyang dalawang iyan? Anong ginagawa nila dito sa--" Hindi niya na natapos pa ang sasabihin.

"Ikinagagalak ko ang inyong pagdating.  Matagal tagal na rin siguro yung huli niyong punta dito. " singit ni Paul.  Ang presidente ng academy.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari?  Ano naman kung nandito kami?  At tsaka,  bakit kung magsalita sila ay parang gulat na gulat?  Ano ba talaga ang meron dito?

"Naghihintay ang pagkain. Masamang pinaghihintay ang pagkain. Halika na. " Aniya ni Ms. Francine.  Hindi na ito sumabat pa.  Tumingin muna ito sa akin bago umiwas.  Ang iba'y taga kirin naman ay napaiwas na din ng tingin. 

"Tara kumuha na din tayo ng pagkain. " aya ni Celline.  Tumango naman ako.  Habang kumukuha,  ramdam ko ang mga tingin nila.  Nakakailang.  Panay parin ang pag iwas ng iba sa amin.  Kung makaiwas sila ay parang may sakit kaming nakakahawa.  Nakakainis.

Iniwan muna ako saglit ni Celline. Maghahanap siya ng pwede naming upuan.  Habang ako naman ay,  kumukuha ng makakain.

Isang lalaki ang lumapit sa akin.  At base sa kanyang suot na uniporme,  taga kirin ang lalaking ito.

"Hindi niyo alam kung anong klaseng lugar ang pinasukan niyo. " sabi niya.  Napakunot ang aking noo.

Napahinto ako sa pagkuha ng pagkain habang siya ay patuloy parin sa pagkuha.  "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. "

"Habang may oras pa,  umalis na kayo sa lugar na ito. Masyadong mapanganib ang lugar na ito para sa inyo. " Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Sino ka ba para pagsabihan kami ng ganyan? Hayaan mo,  apat na taon lang at makakaalis din kami.  At pagkatapos ng apat na taon na iyon,  hinding Hindi na kami babalik pa dito. "

Huminto siya at tumingin sakin.  Bahagya akong napaatras.  "Nakakapagtaka dahil kayo lang ang kauna-unahang Tao na nakapasok dito. Ano ba ang naisip nila?"Pabulong niyang sabi.

"Kauna-unahang Tao?  At ano naman ang tingin niyo sa mga sarili niyo?  Isang hayop? " Matapang kong sabi.  Napatawa naman siya.

"Siguro, para sainyo.. Ganon ang tingin niyo sa amin." Agad na kumabog ang dibdib ko.

"Zhack nga pala. ". Pagpapakilala niya. Napataas ako ng kilay.

"Hindi ako interesado sa pangalan mo. "

Napatawa siya. "Napakatapang mo. Paano na lang kaya kung--"

"Zhack." Bigla kaming napalingon sa tumawag sa kanya.

"Oh? " May pahid na pangangasar sa boses niya.

"Maaari ba tayong mag-usap?" Aniya ni Paul sa kanya.  Seryoso ang mga ito.

"Sure.  " Ngumiti siya dito.  Tumingin siya sa akin. "Ikinagagalak kitang makilala,  Ellaine. " aniya bago naglakad palayo.  Sumunod naman sa kanya si Paul.

Napahawak ako sa dibdib ko na patuloy ang pagtibok ng malakas.  P-paano?  Paano niya nalaman ang pangalan ko?  Pero teka..  Ang zhack na iyon,  parang familiar siya..  Familiar din ang pangalan niya sakin.

Sino ba ang zhack na iyon?


Paul's POV

Nang makaalis kami sa lugar na iyon,  agad ko siyang sinugod at sinakal ng mahigpit.  Maski siya ay nagulat sa aking nagawa.

"Hindi ko gusto ang mga sinabi mo sa kanya." Lalo ko pang diniin ang pagkakasakal. Nagawa niya pang tumawa.

"A-anong Mali sa sinabi ko?" Nangangasar niyang tugon.  Mas hinigpitan ko lalo ang pagkakasakal sa kanya.

"Paul!  Tigilan mo yan!" Rinig kong sigaw ni Tita.  Nagpupula na ang mga Mata ko. Ginagalit ako ng lalaking ito.

"Sa susunod na may sabihin kang kung anu-ano sa kanila... Paghandaan mo na ang magiging kamatayan mo. " Diin kong sinabi bago ko siya bitawan.  Napaubo naman siya.  Dire diretso ako sa paglalakad ngunit agad din napahinto.

"A-ano bang meron sa b-babaeng iyon? B-bakit ganyan ka na lamang kung makareact.. "

Oo nga,  ano nga bang meron sa kanya?  Sh*t. 

Huminga ako ng malalim. Naiyukom ko ang dalawa kong kamay.  Hindi ko siya nagawang sagutin dahil hindi ko alam ang isasagot ko. 

"Tandaan mo na lamang ang sinabi ko. " iyon na lamang ang aking nasabi bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpunta ako sa office.  Agad ko binalibag ang pinto.  Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganon na lamang ang epekto ng babaeng iyon sa akin? Hindi naman ako ganito...

Tatlong katok mula sa pinto ang aking narinig.

Inayos ko muna ang sarili ko. "Pasok. "

Pumasok ito.  "Paul? A-anong nangyari? " Tanong ni Angela. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"W-wala.  Ano ang ipinunta mo dito? " diretsa kong tanong.

Lumapit siya sakin at may inabot.  Kinuha ko ang mga iyon. "Iyan ang certificate ng dalawang taong iyon.  Pinag-aralan ko din kung saan sila nagmula. "

Agad kong tiningnan ang certificate nila.

"Paul... " napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo ko.

"Bakit? "

"Hindi tayo ligtas sa kanila.. Pakiramdam ko--"

"Kaya nga mag ingat tayo sa bawat ikikilos natin.  Huwag ka mag-alala.  Pagdating mismo ng hari,  kakausapin ko siya..  Para tuluyan na silang makaalis dito. "

Ngumiti siya. "Oo nga pala,  nakita ko ang nangyari kanina."

Napahinto ako saglit.  "Huwag mo na lamang intindihin iyon. "

Hindi na siya sumagot.  Ayokong pag-usapan ang bagay na iyon. Hindi ko gusto ang mga nangyayari sakin...

.. Kailangan ko ng umiwas.

--

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon