Anne's POV
Nandito kaming lahat ngayon sa Hall at hinihintay ang pagdating ni Master Wanston. Nagagalak ang lahat para sa kanyang pagdating. Medyo matagal tagal na rin simula nung huli naman siyang nakita.
"Anne, Nasaan si Pauline?" Tanong ni Celline. Napatingin muna ako sa kanya bago Tumingin ako sa paligid.
"Wala pa siguro siya dito sa hall. Baka nasa kanyang silid pa." sabi ko. Tumango na lang siya. Tumingin ako sa bintanang katabi ko ngayon. Malakas ang hangin ngayon at mukhang may bagyong paparating. Napabaling ang atensyon ko sa puno na medyo malayo layo mula dito Nanlaki ang mga Mata ko habang nakatitig sa bahaging iyon. Isang babae na nakamaskara?
Agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko.Umiwas ako ng tingin at napatingin kay Celline.
"Celline dyan ka muna. May titingnan lang ako sa labas. " aniya. Nginitian lang ako nito. Tumakbo na ako palabas ng hall at agad na nagpumunta sa puno kung saan ko nakita ang babaeng iyon. Pero wala akong naabutan dito, guni-guni ko lang ba yun? O Isa ba iyong badvampires? Sino kaya ba ang babaeng yon?Andrew's POV
Masarap maglakad dito sa labas kapag tuwing gabi. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik Habang naglalakad ako napansin ko sa di kalayuan si Anne na nakatayo sa isang malaking puno at tilang malalim ang iniisip niya. Anong ginagawa niya dyan? Diba dapat naghahanda siya para sa pagdating ni Master wanston?
Nilapitan ko agad siya at hinawakan ang kanyang balikat.
Halos mapatalon naman siya sa gulat."Anne anong ginagawa mo dito?" Gulat siyang humarap sakin.
"Ah w-wala may t-tiningnan lang.. Sige mauna na ko sayo. " Nauutal niyang sabi at iniwanan na lang ako basta dito. Tiningnan ko siya habang papalayo.
Napailing na lang din ako at naisipang bumalik na din sa hall.
Pagkabalik ko ng hall. Handa na ang lahat para sa pagbabalik ni Master Wanston. Hindi kasama dito si Ellaine dahil ito ay pagtitipon lamang ng mga bampira dahil sa pagbabalik ni Master Wanston.
"Nandyan na sila."
Umayos na kaming lahat at inaabangan ang pagpasok nila. Hanggang sa bumukas ang pinto at iniluha nun ay si Ms.Francine kasama si master wanston.
Napangiti kaming lahat.
"Maligayang pagbabalik, Master Wanston." Sabi naming lahat sa kanya. Nakita ko halos matuwa si Master Wanston dahil sa naging disenyo ng hall.
"Welcome back, Tito." mabilis na niyakap ni Pauline si Master Wanston.
Teka.... Nasan si Paul?
Nilibot ko ang paningin ko dito sa hall pero walang Paul ang sumagi sa mata ko. Nasan siya? Dapat nandito siya.
Lumapit ako kay Jake at Daniel na ngayon ay nagkukwentuhan.
"O' Andrew, Bakit?" Sabi ni Jake.
"Nasan si Paul? Nakita niyo ba siya?" Mahina kong bulong sa kanila.
"Teka, kanina nandito lang siya ah!" Tiningnan ni Daniel ang buong paligid.
"Tara hanapin natin. Dapat nandito siya. Kailangan siya dito lalo na, dumating na si Master Wanston. " Aniya. Tumango sila sakin. Lumabas na kaming tatlo sa hall upang hanapin si Paul sa paligid. Naghiwa-hiwalay kami para mas mabilis namin makita siya. Pumunta ako sa hardin habang si Jake naman ay pumunta sa rooftop. Si Daniel naman pumunta sa kwarto ni Paul.
Pagkadating ko sa garden biglang sumalubong sakin ang malakas na hangin. Halos mapapikit na ako dahil sa lakas nito. Pilit kong binuksan ang mata ko at nanlaki ang mga Mata ko.
Teka, si Paul ba yun? Pero bakit? Alam na niya kaya?
Nakita ko may itim na kapangyarihan na bumabalot sa katawan ni Paul. Nanginginig ako sa takot. Ramdam ko kung gaano kalakas ang itim na kapangyarihan na bumabalot sa kanya.
Dali dali akong bumalik sa hall para tawagin si Ms.Francine. Maski ako ay hindi ko alam ang gagawin ko sa nakita ko. Baka saktan pa ako ni Paul kung sakaling pigilan ko siya.
"Nasan si Paul?" Tanong ni Ms.Francine, siguro nagtataka din siya dahil Hindi man lang ito nagpapakita.
"Ms.Francine si Paul po. Nasa garden siya ngayon at..." Hininto ko ang sasabihin ko. Napatingin muna ako sa paligid. Baka sakali may makarinig kasi ng sasabihin ko.
"At ano?!"
"At nakita ko na nababalutan si Paul na itim na kapangyarihan, Ang Dark power." Sabi ko. Nagulat si Ms.Francine sa aking sinabi kaya agad siya naglaho na parang bula sa harapan ko. Hinanap ko muna sina Jake ar Daniel bago nagtungo sa garden.
"Shit!" Rinig kong mura ni Ms.Francine. Maski siya ay hindi makalapit kay Paul dahil mapanganib masyado. Baka masaktan lang siya ni paul.
Wala na sa sarili si Paul. Nakatalikod ito sa amin.
Someone's POV
Ilang taon akong nawala sa mundong ito at ngayon ay magbabalik na ako upang ayusin ang lahat. Ako ay isang pure vampire. May kakayahan akong makakita ng mangyayari sa hinaharap.
At alam ko din kung na kanino ang nagmamay-ari ng light power na matagal na nilang hinanap.
Ako lamang ang sagot sa mga tanong nila at ako din ang tatapos nito....
Humanda kayo dahil nagbabalik na ako.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampiros"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.