Chapter 22

6.9K 250 7
                                    

#Edited

Paul's POV

Damn.  Hindi namin maigalaw ang katawan namin dahil sa spell na ginamit ni Terror sa amin.  Ilang beses akong napamura sa aking isipan dahil sa sobrang sakit. 

Wala kaming magawa.  Isa pa, wala kaming kaalam-alam sa mga spell.  Hindi namin alam kung paano gamitin ang mga ito. Hindi namin matapatan ito.  May mga spell akong nalalaman ngunit,  mukhang hindi naman eepekto ang ganung klaseng spell sa kanya.  Ano bang dapat Kong gawin?  Damn Paul.  Prinsepe ka at dapat may gawin ka!  Ikaw ang papalit na hari! 

"Arghhhhh!" Sigaw ko dahil lalong nadadagdagan ang sakit. 

"Ano? Masakit ba?! Hay. Ang hihina niyo." May kayabangan sa boses ni Terror na nagpakainit ng ulo ko.  Ang hihina niyo? Ang hihina niyo?  Ang hihina niyo?  Ang hihina niyo? Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan. Nag-iinit ang buo Kong katawan. Nangangati ang kamay kong patayin siya.  Ginagalit niya talaga ako.

Sa isang iglap,  agad nawala ang epekto ng spell niya sa amin.  Nagtaka siya.  Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Naiyukom ko ang kamao ko.

"Sinong gumawa non?!  Paano niyo nagawa yon?!" Sigaw niya.

Napangisi ako.  "Medyo nakakaasar kasi ang salitang lumabas sa bibig mo kani kanina lang." Sabi ko.  Taka akong nilingon ng lahat.

"Paano mo nagawa iyon,  Paul?" Tanong ni Tita.

"Hindi na mahalaga iyon. Dahil ang mahalaga sakin ngayon ay..  Ang patayin ang lalaking nasa harapan natin. " Nagtiim ang bagang ko at matalim Kong tiningnan si Terror.

Napahalakhak siya.  "Huwag mo Kong hamunin Prince Paul.  Alam mo, alam natin na wala kang palag sa lakas ko. Siguradong matatalo ka lang. " Aniya.

"Huwag mo maliitin ang kakayahan ko, Terror.  Hindi mo pa nakikita ang buong lakas ko.  Oo,  maaaring pagdating sa spell ay wala akong kaaalam-alam pero alam mo ba,  Mahina ang itatawag ko sayo..  Lumaban ka ng patas." Seryoso kong usal. 

"Paul.. " tawag pansin ni Tita.  Napalingon ako sa kanya.

"Paul,  Kami na ang bahala dito.  Kakayanin namin siya kung magtutulungan kami ni Andrew. Kailangan mong ilayo muna saglit dito si Ellaine.  Hindi ito ang oras para malaman niya ang totoo. "

Naningkit ang mga Mata ko. "Bakit ako? Pwede naman si Andrew? At isa pa...  Gusto ko,  sa kamay ko mismo papatayin ang terror na iyan. "

"Paul,  Sumunod ka na lamang." Tila nauubusan na pasensya ni Tita.  Napabuntong hininga ako.  Wala akong laban Kay Tita. 

"Fine.  Babalik ako matapos ko mailayo si Ellaine. " sabi ko at naglaho sa kanilang harapan.

Agad kong tinungo ang dorm ni Ellaine.  Nakakainis itong babaeng ito!  Masyadong paimportante! Tsk. 

Kumatok ako ngunit hindi niya binuksan.  Nagsisimula na naman mag-init ang ulo ko. Kumatok katok ulit ako pero wala parin. 

Binuksan ko na lamang ang dorm niya. Ayoko pa naman sa lahat ay yung pinaghihintay ako. 

Pagpasok ko, Walang Ellaine ang bumungad sakin. Wala siya sa Sala at maski sa kusina.  Rinig ko ang pagbukas ng shower sa loob ng paliguan. Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko. Damn Paul.

Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin nang marinig ko ang pagbukas ng sendura ng pintuan sa Banyo. Inuwa nun si Ellaine.  Parehas nanlaki ang mga Mata namin.  Napatingin ako sa kabuuan niya at nang mapagtanto ko ang lahat ng iyon,  Dali Dali akong tumalikod at pumikit.  Stupid Paul. 

"Bastos!  Anong ginagawa mo dito sa loob ng dorm ko?! Walanghiya ka!" Sigaw niya.  Ramdam kong tumakbo siya papunta sa kanyang kwarto.

Inis kong sinapo ang aking noo.  Ano ba tong ginawa ko?  Damn Paul.

Ellaine's POV

Napakaano!!  Argh! Inis akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Napatakip ako ng mukha dahil sa sobrang kahihiyan sa sarili.  Bat ba siya nandito?  Bat bigla bigla na lang siya pumapasok?

"Asar!" Singhal ko.  Napasabunot ko ang sarili ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Sino ba naman ang hindi mahihiya nito?! Nakita niya akong nakatapis lang!  Tanging ang tuwalya lang ang tumatakip sa katawan ko!  Nakakainis!  Gusto ko siyang sabunutan!

Napahinga ako ng malalim.  Calm down,  Ellaine.  Calm down.

Ilang minuto ang lumipas at lumabas na ako ng kwarto. Nasa sala siya nang maabutan ko.  Nang magtama ang paningin naming dalawa,  agad ako nakaramdam ng pagkahiya.  Shit

Umayos siya ng upo nang makita ako.  Umubo pa siya. "Aalis tayo."

"Ha?!" Gulat kong sabi.  Anong aalis ang pinagsasabi niya?

Tumayo siya at lumapit sa akin.  "Ayoko na ng maraming tanong.  Halika ka na. " Hinawakan niya ang braso ko at hinila palabas ng kwarto.  Napahinto naman din kami nang makasalubong namin si Andrew.  Punung puno ng sugat ang katawan niya at hinang hina na siya.

Nanlaki ang mga Mata ko. "Anong nangyari sayo,  Andrew?!"  Nag-aalalang sabi ko. Napatingin siya saglit sakin bago tumingin Kay Paul.

"Anong nangyari? Si tita nasaan?!" Tanong ni Paul sa kanya.  Ano ba ang nangyayari?

"Nandon na sila Jake... " Pahina ng pahina niyang sabi. Agad ko siya inalalayan dahil halatang matutumba na siya.

"Halika.  Gamutin muna natin yang mga sugat mo." Sabi ko at dinala siya sa loob ng aking dorm. Nakakapagtaka dahil hindi sumunod sa amin si Paul. 

Pinaupo ko muna siya sa sofa. Dali dali naman ako kumuha ng mga gamot para sa sugat niya. 

"Ano ba kasing nangyari? San mo ba nakuha yang mga sugat mo?" Sabi ko habang ginagamot ang sugat niya sa braso.  Binuhusan ko ito ng kaunting alcohol.

"Aray. " Aniya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Talaga mapapa aray ka dyan! " singhal ko.  Naiinis na ako sa nangyayari.

Maya maya pa at natapos ko na ding gamutin ang lahat ng sugat niya.  Sobrang dami niyang sugat.  Pati sa likod niya ay meron. 

"Ingatan mo nga yang sarili mo sa susunod.  Pinag-alala mo ako!" Sabi ko.

Sasagot na Sana muli siya nang bigla kaming nakarinig na malakas na pagsabog.  Natigilan kaming pareho. 

Kumabog na ang dibdib ko. "A-ano ba talaga ang nangyayari,  Andrew? Ano iyong malakas na pagsabog?"

Tumayo siya.  "Huwag kang lalabas,  Ellaine."

...

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon