Chapter 42

6.3K 204 5
                                    

Wanston's POV

"Saan siya dinala ng mga nito, Jake?" Tanong ko kay Jake. Hingal na hingal ito. Siguro ay dahil sa layo ng kanyang nilakbay. 

"Sa kirin siya nagtungo kanina.  Gaya ng pinautos niyo sa'min nina Andrew at daniel, sinundan namin siya at sa kirin siya nagtungo.  Nagtaka kami dahil halos nasa sampung oras na siyang nasa loob. Nasa labas lang kami magdamag habang hinihintay siya. At doon na namin naramdaman na may masamang nangyayari sa loob ng kirin. Inutusan ako ni Andrew na ipagpaalam sainyo ang nangyayari. "

"Ano naman ang ipinunta niya sa kirin?" Tanong ko sa sarili.  Ano ba ang pumasok sa isip ko at mag-isa kang nagtungo doon, Francine?  Hindi ka talaga nag-iisip. Alam mo naman na may hinala ka na sa mga taga-kirin pero pumunta ka parin mag-isa at wala ka man lang kasama.  Damn it.

"Sinasabi ko na nga ba na masasama sila. " Rinig kong bulong ni Paul.

"Hindi ako makapaniwala na magagawa nila ito. Parang isang pamilya na rin ang Turing ko sa kanila." Sabi ko.

"Hindi ko sila mapapatawad kung may gawin silang hindi maganda kay tita." Madiin ang pagkakasabi ni Paul.

"Halika ka na, wala na tayong natitirang oras.  Kailangan nating makuha si Francine sa kanila." Dagdag ko.  Sumang-ayon sila pareho.

Lumabas na kami ng academy.  Nagbilin ako kay Pauline na siya muna ang magbantay sa lahat habang wala kami. Pinasara ko din ang lahat ng Gate at lagusan para walang makakapasok na kalaban. Mahirap na. Wala pa naman kami.

Nagtungo kami sa isang nakakatakot na kagubatan. ubod ito ng dilim at tanging mga alulong lamang ng mga mababangis na hayop ang maririnig mo. Hindi pamilyar sakin ang lugar na dinadaanan namin ngayon. 

"Teka, alam mo ba ang saktong daan?" Tanong ni Paul kay jake.

Tumango ito.  "Pero parang nag-iiba ang daan. Natatandaan ko,  dito mismo ako dumaan kanina." Ani Jake. Napatingin kami agad kay Jake, napatigil kami.  Nagkatinginan kaming tatlo.

"Bumalik muna tayo." Sabi ko.

Napakunot ang noo ni Paul.
"Bakit?"

Tinitigan ko ang paligid. "Masama ang kutob ko. Kailangan muna natin bumalik ng Academy."

Hindi na nakapalag pa si Paul.  Dali dali kaming bumalik ng academy.

"Ano na?  Hindi naman pwede na basta pabayaan doon si Tita! Hawak siya ng mga bad vampires!"

Napapikit ako. "Kailangan natin mag-isip ng plano. Hindi nga natin alam kung ano saan nila dinala si Francine."

"Pero alam naman mo naman diba, Jake?"

Umiling ito. "Hindi ko alam kung saan nila mismo dinala si Ms. Francine.  Ang alam ko lang kung saan dumaan ang sasakyan na sinasakyan nila kanina.  Tanging sina Daniel at Andrew lamang ang nakakaalam kung nasaan nila dinala si Ms.Francine. pero wala akong balita sa kanilang dalawa.  Hindi parin sila nagpapadala ng kahit anong impormasyon." Ani Jake.  Napamura ako sa aking isipan. Hindi kaya..  Nabihag na rin silang dalawa?  Shit.  Sila na lang ang tanging pag-asa namin. 

"Ano ng gagawin natin?"

Huminga ako ng malalim.
"Ang maghintay."



Third Person's POV

*Flashback*

"Anak..  Ipaghiganti mo ang kamatayan ko. Ubusin mo sila.  Wala kang ititira na kahit isa sa kanila. Kamuhian mo sila katulad ng pagkamuhi ko sa kanila.  Punuin mo ng galit at poot ang puso mo. Wag na wag kang magtitiwala sa kanila.  Mga sinungaling sila.  Manloloko.  Ikaw ang gumawa ng mga bagay na hindi ko nagawa sa kanila." Sabi ng kanyang Ama bago ito namatay. 

Katulad ng sinabi ng kanyang ama,  napuno ng galit at poot ang puso niya.  Wala siyang ibang hinahangad ngayon ay kundi ang patayin at ubusin ang lahat ng bampira.  Wala siyang hinahangad kundi ang kagustuhan na ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang minamahal na Ama.

Alam niya din kung sino ang kumitil sa buhay nito.  Marami siyang alam. At dahil doon,  wala siyang inisip kundi ang pumatay.

Siya ay may dugong bad vampire.  Marumi na ang kanyang dugo na dumadaloy sa loob ng kanyang katawan.  Puno na siya ng kasamaan.

"Pinapangako ko Ama, Ipaghihiganti ko ang pagkamatay mo. Ako ang magtutuloy ng mga binabalak at kagustuhan mo.  Ako ang maghahari sa buong angkan ng mga bampira at kung sino man ang hahadlang sa'kin, ay papatayin ko.  Hindi ko gusto na may humahadlang sa mga balak at plano ko.  At walang sinuman ang makakayang pigilan ako.  Magtatagumpay ako,  tandaan mo iyan Ama.  Magtatagumpay ako para sayo."

At noong araw na iyon, bumuo siya ng isang plano. Kung paano niya sisimulan ang lahat. 

Inalis niya sa kanyang buhay ang lahat ng importante sa kanya noon.  Isa na doon ang anak na babae ni Haring Leonardo, na si Francine.  Mahal niya ang dalaga matagal niya ngunit hindi nito kayang suklian ang pagmamahal niya.  Hindi nito magawang mahalin din siya pabalik.  Dahil doon ay nagalit siya dito.  Dahil doon kinalimutan niya ang nararamdaman niya para dito. Dahil doon lalong nadagdagan ang galit at poot sa puso niya.

"Uubusin ko ang lahi nilang lahat."

Itutuloy

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon