Third Person' s POV
Kitang kita ng lahat kung paano nawawalan ng kontrol si Paul. Kanina ay mahimbing lamang itong natutulog pero nagulat na lamang silang lahat nang lumabas ito ng silid at nagwala. Nasasaktan na nito ang sarili niya. May mga kalmot na ang mga braso nito. Hingal na hingal din ito. Gusto man ng ibang bampira na pigilan ito pero wala silang magawa kundi ang lumayo dito. Mapanganib kapag lumapit pa sila. Baka masaktan sila ni Paul.
Tinawag na ng ilan si Francine at Wanston. Sila lang ang may kakayahan para mapigilan si Paul. Sila lang ang dapat pumigil dito. Hindi nila alam kung ito ba ang magiging epekto ng Dark Power kay paul. Pero ano nga ba ang nangyayari dito?
Pinagkakalmot ni Paul ang pader sa hallway. Kumakaluskos pa ito. Hindi niya alam na sa bahaging ng hallway na iyon ay ang silid ni Ellaine.
Nang makarating si Francine. Nanlalaki na lamang ang mga Mata niya. Hindi dapat dito sa lugar na ito magwala si Paul iyon ang nasa isip niya. Hindi ito ang tamang panahon para malaman ni Ellaine na bampira sila.
Pero labis na lamang ang gulat niya nang unti-unti bumukas ang pinto ng silid ni Ellaine.
"Damn it, Paul!"
Ellaine's POV
Nakarinig ako ng ilang kaluskos mula sa labas. Kasalukuyan ay nakahiga ako ngayon upang magpahinga. Pero hindi naman ako makapagpahinga ng maayos dahil sa mga kaluskos na naririnig ko sa labas.
Anong meron sa labas?
Agad akong bumangon upang tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nagsisimula na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pinipilit kong maging kalmado. Ito na naman ang kakaiba kong nararamdaman.
Habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan, mas lalong lumalakas ang kaluskos. Hawakan ko ang sendura ng pinto at dahan dahan kong pinihit. Unti-unti kong binuksan ang pinto at halos mapaupo ako dahil sa aking nasaksihan.
Tama ba itong nakikita ko?
Francine's POV
Agad kong nilapitan si Ellaine. Nakatitig lang siya kay Paul. Kita kong nanginginig ang buo niyang katawan. Si kuya wanston na ang pumipigil kay paul. Shit. Hindi dapat makita ni ellaine na ganito si Paul.
"Ellaine... " Tawag ko sa kanya. Hindi siya tumingin sa akin. Nanatili ang tingin niya kay Paul.
"Principal Francine, B-bakit pula ang mga Mata ni paul? B-bakit may mga pangil siya? A-ano ba talaga siya? Ano ba ang totoo niyang katauhan?" Nanginginig na sabi nito. Hindi ko alam ang isasagot. Damn it, Francine. Mag-isip ka!
Huminga ako ng malalim. "Ellaine, Pumasok ka na sa loob. Kalimutan mo na lang ang naki--"
"Sagutin mo ko ng maayos Principal Francine. Ano ba talaga kayo? Nalilito na ako. Imposible naman itong iniisip ko diba? Sabihin mo, Hindi naman kayo bampira diba?" Panay ang patak ng mga luha nito. Napapaiwas ako ng tingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Ramdam ko din na napatingin si kuya wanston sa bahagi namin.
"Ito na ang panahon para malaman niya, Francine." Rinig kong sabi ni Kuya wanston.
Tumulo na din ang mga luha ko. " Tama ka ng iniisip,Ellaine. Isa kaming bampira. Hindi kami ordinaryong nilala--"
"Mga halimaw......" Agad siya napaatras at pumasok ng dorm tumingin muna siya sakin na parang takot na takot siya.
Ellaine's POV
Tama ka ng iniisip,Ellaine. Isa kaming bampira.
Tama ka ng iniisip,Ellaine. Isa kaming bampira.
Tama ka ng iniisip,Ellaine. Isa kaming bampira.
Agad kong tinakpan ang tainga ko dahil paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya. Napasandal ako sa pinto at napaupo. Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Patuloy parin ang panginginig ko. Hindi totoo yun diba? Sana isang panaginip lang ang lahat na ito. Sana magising na ako sa masamang panaginip na ito.
Vampires..
Para akong masisiraan ng ulo. Hindi ako makapaniwala. Niloko nila ako. Pinaniwala nila ako. Nasinungaling sila sakin.
Kaya ba ganito kakaiba ang tingin sakin ng karamihan? Kaya ba ayaw nila na nakakakita ng dugo? Kaya ba lumalayo sakin ang iba? Damn it!
Para akong unti-unting winawasak. Ayoko na.. Ayoko na.. Gusto kong lumayo sa lahat.. Gusto kong lumayo kanila. Mga manloloko sila.. Mga halimaw sila.. Mga sinungaling... Pagod na ko.
Andrew's POV
"Anong nangyari sa kanya, Ms.Francine?" Tanong ko agad nang makarating kami. Mabuti na lamang at mabilis na napakalma ni Master Wanston si Paul. Hindi ko naman aakalain na dito sa lugar pa nito mawawalan ng kontrol si Paul. Dito sa hallway kung nasaan si Ellaine.
"Ms. Francine......"
"Alam na niya." mahinang tugon nito. Nakatingin lang ito sa pintuan ng dorm ni Ellaine.
"Anong ibig nyong sabihin?" Tila nanginginig kong sabi.
"Alam niya na isa tayong mga bampira."
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.