#Edited
Paul's POV
Wala parin ako nakukuhang impormasyon hanggang ngayon. Sadyang maingat talaga ang mga taga rito. Wala akong napapansing kakaiba sa mga kanilang ikinikilos.
Isang linggo lang ang binigay sakin ni Tita. At dapat bago mag isang linggo dapat ay may mga hawak na kong impormasyon.
Araw-araw akong naglilibot sa kirin. Baka Sakali may makikita ako. Maingat ang bawat kilos ko. Hindi dapat malaman ni Mr. Erick tungkol sa gagawin ko dito.
Hindi kami nagkita o nakapag-usap man lang ni Mr. Erick, nitong mga nakaraang araw. Masyado siyang maraming ginagawa. Wala ang presidente ng kirin na si Zhack. Kaya.. Siya muna ang naghahandle sa kirin. Kasalukuyan ay nasa Vamps Academy si Zhack. Tila hindi ko maintindihan ang kanyang dahilan kung bakit siya nandoon. May binabalak kaya siya?
Kailangan kong malaman kung sino ang gumawa nun kay Celline. Nakatitiyak ako na mga taga kirin ang gumawa non. Alam kong masamang magbintang, ngunit hindi maiiwasan sa 'kin yon.
Gabi na. Madilim na ang buong paligid. Tanging ang liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag. Lumabas ako ng aking silid. Ito ang tamang oras para maghanap ako ng impormasyon.
Nagpalinga linga ako sa paligid, nagpatuloy ako sa paglalakad. Dahan dahan ang mga pagkikilos ko. Gumamit ako ng spell na alam ko para Hindi nila marinig at maramdaman ang bawat pag galaw ko.
Una Kong pinuntahan ang opisina ni Mr. Erick. Wala siya dito sa loob ng kanyang opisina. Siguro siya'y namamahinga na.
Tiningnan ko ang bawat sulok ng kanyang opisina.. At wala namang kahina hinala. Pagkatapos nun, lumabas na ako ng kanyang opisina. Hindi dapat ako magtagal don.
Palakad na Sana ako pabalik, nang isang boses ang aking narinig.
"A-anong ginagawa mo ngayon des 'oras ng gabi?" Napalingon ako dito. Natigilan siya nang tuluyan niya akong nakita.
"P-paul?"
Tumango ako. "Ako nga. " Familiar ang mukha sa 'kin ng babaeng ito. Parang nagkita na kami nito noon.
"S-sa wakas.. N-nakita na rin kita. " Masaya nitong tugon. Agad akong nagtaka.
"May kailangan ka ba sakin?"
Napatingin ako sa kamay niya na ngayon ay nanginginig. Lalong napakunot ang noo ko.
"W-wala. A-ano kasi.. --"
"Who are you?" Diresta kong tanong.
Bahagya pa siyang nagulat. "H-huh? C-camille.. Camille ang p-pangalan ko. " Mahina nitong tugon. Familiar talaga siya sakin.
"Nagkita na ba tayo before? You look familiar.. " Naningkit ang mga Mata ko.
"H-huh? Ano.. " Bakit ba siya nauutal? Haish. Napatingin ako sa orasan. Sh*t!
"I need to go. Bye. " Nagpaalam na ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil agad na kong umalis sa lugar na iyon.
Sh*t! Masama ang kutob ko sa Camille na iyon.
Ellaine's POV
Kasama ko ngayon si andrew kumain. Wala si Anne. May importante daw siyang ginagawa kaya hindi siya makakasabay saming kumain.
Kumain lang kami. Medyo nagkwentuhan ngunit Maya Maya, napagdecisyunan na naming bumalik sa aming dorm o kwarto. Ramdam ko ang pagod ko. Medyo nahihilo na rin ako. Para akong magkakasakit.
Habang naglalakad ako patungong dorm. Napatigil ako sa paglalakad dahil ramdam ko na may sumusunod sa akin. Hindi ko magawang makalingon. Para akong babagsak. Kailangan ko na talagang magpahina.
Naglakad ako muli. Pinapakinggan ko ang bawat yabag ko. Medyo binilisan ko ang paglalakad dahil kinakabahan na ko.
Pakiramdam ko talaga, may sumusunod sa akin.
Nang makarating na ako sa tapat ng aking dorm. Dali dali ko itong binuksan ngunit bago ako makapasok sa loob.. Nakaramdam ako ng pamamanhid dahil may parang kung ano ang tumusok sa bahagi ng aking leeg.
Napahiga ako sa sahig. Nanghihina ako at nanlalabo ang aking paningin.
Bago ako tuluyang makapikit.. Isang boses babae ang biglang bumulong sa tenga ko.
"Sleep Well, Ellaine. "
At tuluyan na naging blangko ang lahat.
Someone's POV
"Master.. Nagawa ko na po ang pinauutos niyo. " Aniya niya sa akin.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. "Isang magandang balita iyan. "
Inabot niya sakin ang Hawak hawak na maliit na lalagyan na may laman na dugo. "Iyan ang kanyang dugo. Tulad ng inyong pinapautos. "
Napangisi ako. "Nakakagalak ako dahil nagawa mo ang aking pinapautos. Nakahalata ba sila? Hindi man lang ba nila alam na nandoon ka.. Masyado silang kampante. "
"Pinaligiran nila ng spell ang buong paligid ng Vamps Academy. Nahirapan akong makapasok ngunit, mabuti na lamang may alam akong iilang spell at nagamit ko ang mga iyon." Aniya.
"Sadyang mapapakinabangan ka talaga.. " bulong ko.
"Ngunit.. Ano naman ang gagawin mo sa dugo niya?"
Humawak ako sa aking baba. "May mga bagay lamang akong nais malaman at kinakailangan ko ng kanyang dugo. Nakatitiyak ako na nasa babaeng iyon ang hinahanap ko."
"Kung ganon.. --"
"Kakailanganin ko ang tulog mo. Gusto kong muli kang pumasok sa Vamps Academy at kunin ang tiwala ng babaeng iyon."
"Hindi madali ang iyong pinapautos, Master. Ngunit.. Kung gagawin ko ito para sainyo." Anito. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Iyan ang gusto ko sayo. Sige na, mag gayak ka na. Siguraduhin mo lang na magagawa mo ang aking iniuutos. Huwag mo kong bibiguin. "
Ngumiti siya. "Yan ang hinding hindi mangyayari, Master. Kailan pa kita binigo? Halos lahat ng iyong pinapautos ay nagagawa ko. "
"Kaya nga. Kaya nga Sana, huwag mo kong bibiguin. Hindi pa naman ako sanay na binibigo mo. "
Tumawa siya at hindi na sumagot pa. Maya maya pa, nagpaalam na din siya.
Agad akong nagtungo sa laboratoryo ko. Tiningnan ko ang dugong nakalagay sa maliit na lalagyan. Muli akong napangiti habang tinitingnan ang mga ito.. Ito na ang simula ng lahat... Magagawa na rin ang lahat ng Plano ko.
Matagal tagal din kitang hinanap at sa wakas ay natagpuan na din kita, Ellaine.
...
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampir"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.