Chapter 32

6.3K 228 15
                                    

Paul's POV

Napamura ako sa aking isipan. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon, para akong kinokontrol. Nandito ako ngayon sa Hardin. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero wala parin nangyayari. Nagtaka ako nang mapatingin ako sa kamay ko, may unti-unting namumuong kulay itim dito.  Ramdam ko din na pati sa buong katawan ko ay nababalutan ng itim na ito.  Anong klase ito?

Nakarinig ako ng ilang mga sigaw pero hindi ko man lang magawang lingunin ang mga ito.

Napasigaw na lang ako dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Ellaine's POV

Napabangon ako at napahawak sa dibdib ko. Isang masamang panaginip. Hinahabol ko ang hininga ko.  Nahihirapan akong makahinga.  Lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko.  Pakiramdam ko,  may nangyayaring masama.

Tumayo ako pero agad din napaupo agad. Napasigaw ako dahil sa pagsakit ng ulo ko pati na rin ang buong katawan ko. 

"Malalaman mo din ang lahat lahat.."

"Nasayo ang pinakamalakas na kapangyarihan.."

"Matatanggap mo pa ba ang lahat kung sakaling malaman mo kung ano ka talaga?"

Tinakpan ko ang tainga ko ndng makarinig ako ng kakaibang boses.  Di ko siya maintindihan.. Anong nasa akin ang pinakamalakas na kapangyarihan? Anong malalaman ko?  Anong ibig niyang sabihin?

"TAMA NA!!!!" malakas na sigaw ko habang nakahawak sa dalawang tainga ko. Tiningnan ko yung dalawa kong kamay. May liwanag na nagbubuo dito.  Nanlalaki  ang mga Mata ko sa nakikita. 

Ano ang mga ito?

Wanston's POV

Kanina ko pa hinahanap kung nasaan si Francine. Kanina ko pa siya hinahanap dito sa loob ng hall. 

Hanggang sa may naramdaman bigla ako.  Nanindig ang mga balahibo ko.  Nakakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan.

Agad na pumasok sa isip ko si Paul. 

Tumakbo ako palabas ng hall. Natagpuan ko sila dito sa Hardin.  Kita kong unti-unti na lumalabas  ang dark power kay Paul. Kung ganon, lumalabas na din ang light power? Kailangan na nilang mag-isa.  Mapanganib para sa kanilang.  Pero paano? 

"Francine." Tawag ko sa kapatid ko na ngayon ay umiiyak. Napalingon siya sakin.  Kita kong medyo nagulat siya sa pagdating  ko.

"Kuya, Si Paul.." Humagulgol na ito. 

"Dyan ka lang." Sabi ko at balak na sanang lapitan si Paul nang pigilan ako ni Francine.

"Wag kang lalapit sa kanya.  Masyadong mpanganib at baka saktan ka ni Paul lalo na wala siya sa tamang pag-iisip. " Nag-aalalang sabi niya.  Tinanggal ko ang kamay ni Francine na nakahawak sa kaliwang braso ko.

"Kapag Hindi pa natin to' napigilan, baka kung ano ang mangyari kay paul. Hindi pa naman siya kontrolado ang dark power." seryoso kong sabi. Tuluyan ko nang nilapitan si Paul. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nang tuluyan akong makalapit,  Hinawakan ko ang balikat niya. Humarap siya sakin dahilan nang pagbitaw ko sa kanyang balikat.

Nanlalaki ang mga Mata ko. 
Ang mga Mata niya.

Nagdilim ang kalangitan at humangin ng napakalakas. Sumama ang panahon at bigla na lamang umulan ng malakas kasama nito ang kulog at kidlat.

Ang mga matang ganyan...

Naghahalo ang dalawang kulay. Naghahalo ang itim at pula.

"Mapanganib ito.. " bulong ko.  Nilingon ko sina Francine.

"Umalis na muna kayo dito! Ako na bahala dito!" Sigaw ko sa kanila.

"Ano?!  Hindi ka namin basta iwan dito lalo na kung mapanganib!" Sigaw ni Francine pabalik.

"Sundin mo na lamang ang utos ko, Francine. " diin kong sabi.  Tiningnan ko sina Andrew at agad naman sila tumango.  Hinawakan nila ang magkabilang braso ni Francine. 

"Sundin mo na lamang ang utos ni Master Wanston,  Ms. Francine." Rinig kong bulong dito ni Andrew.  Umiling iling si Francine.

"Hindi ko siya pwedeng iwan. Baka kung ano ang gawin sa kanya ni paul!"

"Sige na, Ilayo niyo muna siya dito. " utos ko.  Agad naman nila hinila ang kapatid ko papalayo.  Rinig kong napahagulgol ito. 

Tiningnan ko si Paul.

Hingal na hingal si paul habang nakatitig sa akin. 

"Paul, alam kong ikaw parin iyan. Kontrolin mo yan. " Sabi ko ng malakas. Hinawakan ko ang braso niya pero laki na lamang ang gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Sinakal niya ako gamit ang kanyang kanang kamay.

Isang bulong ang aking narinig.  Nagulat ako nang lumuwag ang pagkakasakal ni paul sa akin.  Napalingon ako sa kung saan.  Nanlaki ang dalawa kong mga Mata. 

"Selena?"

Andrew's POV

Habang inilalayo namin si Ms. Francine bigla na lamang kami nakarinig nang malakas na pagsigaw.

"Boses ni Ellaine yon." Sabi ko.

Nagkatinginan kaming lahat.

Sabay kaming tumakbo papuntang dorm ni Ellaine. Pinihit ko ang sendura ng pintuan ng dorm niya.

Pumasok kami sa loob. Agad namin siyang hinanap sa loob. Wala siya sa kusina, wala din siya sa Sala at wala din siya sa Cr. Siguro ay nasa kwarto siya ngayon.  Nagtungo kaming lahat  sa loob ng kwarto niya, nakita namin siyang nakatayo habang nakasilip sa bintana ng kanyang silid.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kanamang balikat niya.  Humarap siya sakin na ikinatigil ko.  Na ikinatigil naming lahat.

Ang mga M-mata niya......

"Siya...." Nanginginig na sabi ni Ms.Francine.

"Ang alin?" Sabi ko habang nanatili parin ang tingin ko kay Ellaine.

"Si Ellaine ang nagmamay-ari ng light power.... "

Itutuloy.

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon