Chapter 3

15.7K 478 20
                                    

#Edited

Ellaine's POV

Sa totoo lang,  nakaramdam ako ng pagkadismaya sa ginawa ni Celline.  Siguro ay nasanay lang ako kapag sa tuwing siya'y umaalis,  nagpapaalam siya sakin upang Hindi ako mag-alala. Nagpaalam naman siya kanina,  hindi ko naman din aakalain na aabot pala siya ng gabi.  At makikita ko na lamang,  kasama niya ang Harvy na iyon.Mukhang malapit na sila sa isa't isa ah.

"Ellaine.. Pwede ba tayong mag-usap?" Rinig ko mula sa labas ng aking kwarto.  Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto.  Sinadya kong ilock ang kwarto ko para hindi niya ko maistorbo.  Bahala siya dyan.  Naiinis ako sa kanya.

Kumatok katok pa siya.  "Ellaine? Buksan mo na ito oh!  Usap tayo? Please.. " Kung kaharap ko lang siya ngayon,  baka matawa lang ako.  Naiimagine ko habang sinasabi niya yon.  Mahina talaga ako pagdating sa kanya.

Hindi ko na siya nagawang tiisin pa.  Tumayo ako sa pagkakahiga at Dali daling binuksan ang pinto.  Halos mangiyak ngiyak na siya nang makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha.

Tiningnan ko siya ng seryoso."Anong pag-uusapan natin? "

Bahagya siyang yumuko. "Ellaine..  Kaya lang kami magkasama ni Harvy kasi--"

"Hep!  Ayoko ng paliwanag mo. " pagpuputol ko sa kanya. Sumingot singot pa siya.  Halatang maiiyak na siya. Nakakatuwa siyang pagtripan.

"Ellaine..  Sorry na.." Napipiyok niyang sabi. At sa pagkakataon na iyon,  Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatawa ng napakalakas.  Tumingin siya sakin habang nakakunot ang mga noo.  Nakasisiguro ako na 'nababaliw na si Ellaine' ang kanyang iniisip sa ngayon. 

"A-anong nakakatawa don?!" Singhal niya.  Hindi ko parin mapigilan ang tawa ko. 

"Maaga pa ang pasok natin bukas.  Matulog na tayo. " aniya ko. "Good night. " dagdag ko pa bago ko siya sarhan ng pinto. Napailing iling na lamang ako.

--

Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Celline. At mabuti na lamang ay wala pang gaanong Tao sa loob ng classroom.  Agad kong isinubsob ang aking mukha sa desk dahil inaantok pa ako. Maaga kasi akong ginising ni Celline.   Hay

"Half day lang daw tayo ngayon. " bulong ni Celline sa akin.  Dahil sa kanyang sinabi,  nabuhayan ako.  Nawala bigla ang antok ko.

"Talaga?!" Halos mapasigaw ako sa sobrang saya. Bahagya niyang tinakpan ang bibig ko.

"Bakit daw half day lang tayo? " tanong ko.  Napaayos siya ng upo.

"Well, base sa sinabi ni Harvy sakin kahapon,  may paghahandaan daw kasi ang lahat.  May darating daw kasing bisita.  And,  hindi ko alam kung sinong bisita ang tinutukoy niya." paliwanag nya.

Napahawak ako sa aking baba. "Hmm.  Edi,  salamat na lang sa bisitang iyon. "

Nagtaka sya. "Ha?  Bakit ka naman nagpapasalamat don? "

"Dahil makakapagpahinga ako ng mahaba mamaya." Sabi ko.  Hindi na siya nakasagot pa. 

Maya Maya pa,  bigla na ding dumating si Mr. Zen.  Dahil half day lang kami ngayon,  hindi na nagturo si Mr. Zen. Buong klase wala kaming ginawa.  After nun,  Break time na namin.  Nagtungo na kami ni Celline sa Canteen.  Ramdam na ramdam ko na kasi ang gutom ko.  Maraming Tao sa canteen.  Sa labas palang,  maririnig mo na ang ingay ng mga estudyante.  Pagkatapos na pagkapasok namin sa loob ay,  agad sila nagsipag tahimik.  Bahagyang nangunot ang noo namin ni Celline.  Napatingin ako sa mga estudyante na dumadaan sa harapan namin.  Bahagya silang nakayuko. 

Ano bang meron samin?  May dumi ba kami?  Bakit bigla na lamang sila nanahimik? Anong meron?

Umiling ako at pilit na lamang hindi pinansin ang mga nangyayari.  Nagpatuloy ako sa paglalakad, kasunod ko naman si Celline.  Nagpunta ako sa counter para bumili.  Maski ang tindera ay tahimik.  Napatingin ako dito ngunit iniiwas naman niya ang kanyang tingin sa 'kin. 

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon