Chapter 40

6.3K 203 9
                                    

Ellaine's POV


Niyaya ko muna si Mama na pumasok sa loob. Pinagtimpla ko muna siya ng juice.  Masyado na kong gulong gulo para dito kaya gusto ko malaman ang lahat.

Kinakabahan ako sa mga sasabihin niya. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Mama bago kami pumasok sa loob.  Tunay kong katauhan?  Ano ba ang tunay kong katauhan,Mama?

"Masyadong malaki ang silid na ito para sayo, Ellaine. Hindi mo ba kasama si Celline dito? Nabanggit din kasi ng daddy niya sa'kin na hindi na daw ito nakakapagdalaw dun sa kanila." Panimula ni mama.

"Kahit po ako nagtataka para dun. Binago kasi ang patakaran dito.  Hindi na kami pwedeng lumabas dito hangga't Hindi ka pa nakakapagtapos." Paliwanag ko. Napahinga naman ng malalim si mama.  Bakas sa kanyang mukha na may gusto siyang sabihin. 

"Pasensya ka na,Ellaine.  Alam kong naguguluhan ka na kaya dapat ko na din sabihin sayo ang lahat lahat."

"B-bakit nga po?"

Napahinga muli siya ng malalim.

"Pinag-aral kita dito dahil ito ang binilin niya sa'kin. Bibilin niya na ibalik ka kung saan ka nararapat.  Sa mga kalahi mo." Sabi niya.  Lalo akong naguluhan. 

"Lahi? Ano bang kinalaman ko sa kanila, mama? Naguguluhan na ko." sabi ko habang nakahawak sa aking mga noo.

"Ellaine, Hindi mo alam kung ano ang tunay mong katauhan. Mahirap ipaliwanag sayo dahil baka maguluhan at baka hindi mo matanggap  kapag nalaman mo ito." Aniya.  Hindi ko magawang magsalita.  Kinakabahan ako.  Gusto ko malaman ang totoo pero kinakabahan ako.

"Ellaine,  Hindi kita tunay na anak." Automatikong napalingon ako kay Mama.  Nararamdaman ko ang nagbabadya kong luha.

Umiling ako.  "M-mali lang ako ng rinig, diba?  Sabihin mo.. Mali lang diba?" Napahagulgol na lang ng iyak si Mama.

"Sabihin mo,  Mali lang yung nadinig ko diba?  Ma.." Sunud-sunod na tumulo ang luha ko. 

"Anak..  H-hindi ka sakin nanggaling. A-ako lang ang nagpalaki sayo." Napipiyok na sabi niya.

"Ano ba talaga ang totoo?"

"Pinaaral kita dito dahil ito ang mundo mo.  Dito ka nababagay.  Dito ka nagmula.  Binabalik lamang kita dito dahil iyon ang binilin sa'kin ng lalaking nagbigay sa'kin sayo."

Gulong-gulo na ko.  Imposible naman siguro ang iniisip ko, hindi ba?

"Ano ba talaga ako, Mama?" Nangingiyak kong sabi.


"Ellaine,May lahi kang bampira."

Wanston's POV

Ito na ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang lahat. Hindi ko na dapat ilihim pa ito sa kanya.  Dapat niya na malaman ang tungkol sa kapangyarihan niya.  Ang tungkol sa kanila ni Ellaine. 

"Paano niya nalaman?" Sabi niya.

"Dahil sayo,  Paul."

"Teka, anong dahil sa'kin?  Ano ba ang nangyari?"

Parang may kung ano ang nakabara sa lalamunan ko.  Kinakabahan ako. Kinakabahan ako para sa magiging reaksyon niya sa oras na sabihin ko ang tungkol sa kapangyarihan niya. 

"Nawalan ka ng kontrol, kagabi.  Nagulat ang lahat sa pangyayari.  Ibang-iba ang Paul na nasaksihan namin."

Napayuko si Paul. "N-nakita niya?"

Tumango ako.

"Oo.  Gulat na gulat siya. Kitang kita ko din sa mga Mata niya ang takot.  Paul,  nakita niya kung paano ka mismo nagwawala kagabi.  Nakita niya ang pula mong mga Mata at ang mahahaba at matutulis mong kuko at pangil. Takot na takot siya."

Hindi nagawang makasagot ni Paul. Nanatili siyang nakayuko habang nakayukom ang kanyang kamao. 

"Paul, may dapat kang malaman." Nang sabihin ko iyon,  doon lang siya nag-angat ng tingin sa'kin. 

"Ano ang dapat kong malaman, Tito?"

Nag-aalanganin pa ko kung sasabihin ko sa kanya. Kinakabahan ako. Damn! Ito na ang tamang oras,  Wanston.

"Paul, Mayroon kang isang kapangyarihan--" naputol ang aking sasabihin ng may biglang pumasok sa loob ng silid ni Paul.
P

arehas kaming napalingon dito.

"Master Wanston, Hawak ng mga kalaban si Ms.Francine," hingal na hingal na sabi nito.

Andrew's POV

Nag-aalala na kami kung ano na nangyayari sa loob. Shit. Sana Mali ang iniisip ko. Sana mali ito.  Pamilya na ang turing ko sa kanila. 

"Kailangan na natin ipaalam ito. Masama ang kutob ko." sabi ni Daniel. Nandito parin kami hanggang ngayon sa tapat ng kirin. 

Tumingin ako kay Jake. 

"Jake, ipaalam mo muna ito sa iba. Umuwi ka ng academy." sabi ko.

"Teka paano---"

"Wala na tayong ibang magagawa.  Kailangan din natin natin sundan kung saan nila dadalhin si Ms. Francine."

"Oo nga Jake, ipaalam mo muna ito sa kanila. Kami na muna bahala dito." Ani Daniel.

"Sige, mag-iingat kayo." Aniya. Parehas kami tumango ni Daniel.  Nagmadali ng umalis si Jake para mabilis siya na makabalik sa academy.

Nakita namin na lumabas ang ilan sa kanila at sumakay sa isang sasakyan. Nagkatinginan  kami ni Daniel at tumango ako sa kanya na parang alam niya na kung ano ang ibig kong sabihin.

Sinundan namin ang sasakyan na iyon hanggang sa makarating ito at kami sa isang napakadilim at tahimik na lugar. Nagulat kami nang bigla na lamang naglaho ang sasakyan na iyon. At doon namin napagtanto na nahulog kami sa bitay nila.  Shit.

Parehas kami napamura ni Daniel.

Ngayon, napapalibutan na nila kami, nagkatinginan kami ni Daniel.

Itutuloy.


Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon