Chapter 30

7.1K 219 14
                                    

Francine's POV

Ngayon ang araw na dadalawin ko si Kuya Wanston. Halos dalawang taon na din ang nakakaraan nung huli siya dumalaw dito sa vamps at ngayon ako naman ang dadalaw sa kanya. Gusto ko na ulit makita siya.

Bitbit na bitbit ko ang ibibigay sa kanya. Dala dala ko din ang gamot niya.  Mabuti nga medyo naging maayos na ang pakiramdam niya, Hindi tulad ng dati halos araw-araw ako nasa mansyon para alagaan siya.

"Ms.Francine nakahanda na po yung sasakyan niyo." tumango naman ako at sumunod na sa labas. Sumakay na ako sa sasakyan.

__

Bumaba na ako sa sasakyan at tiningnan ang kabuuan ng mansyon. Halatang luma na luma na ito.

"Masayang masaya ang Master Wanston sa pagdalaw mo Ms.Francine. Tara pumasok na po tayo kanina pa po kayo hinihintay ng master." Tugon ni Harvy. Sinundan ko siya papasok sa loob ng mansyon.

Kinuha ni Harvy ang hawak-hawak kong mga gamot.

"Para po ba ito kay Master Wanston?" Tanong niya.

Tumango ako.  "Oo. iyan ang gamot na napag-aralan ng mga doktor.  Pansamantala nga lang iyan para umayos ang pakiramdam niya." Sabi ko.

"Francine?"

Napalingon ako may kuya Wanston habang bumababa ng hagdanan. Agad ako lumapit sa kanya at yumakap.

"Kamusta ka na, Kuya?" Nangingiyak na naman ako.

"Maayos naman ako dito. Ikaw? Kayo?" Nakangiting sabi niya pero nang titigan ko siya sa mata mukhang malungkot siya. Bakit?

"Maayos lang naman kami. Pasensya ka na Kuya ngayon lang ako nakadalaw, masyado na kasi ako naging abala." sabi ko habang titig na titig parin sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin.

"Tara kumain muna tayo. Mukhang napagod ata kayo sa biyahe." Nauna naglakad si Kuya  at sumunod naman ako.

"Kuya may problema ba?" Nagtataka kong tanong.

"Ha? Wala naman. Kumain muna tayo ." sabi niya tumango na lang ako at kumain na.

___

Sa kasalukuyan ay nasa hardin kami, ito ang paborito naming lugar sa mansyon. Ang ganda parin dito halatang inaalagan ng Mabuti ang mga bulaklak at halaman dito. 

"Ang ganda parin dito. Walang pinagbago." panimula ko.

"Oo nga pala, kamusta na sina paul?"

Natigilan ako sandali. "Maayos naman. Kuya wanston,  may kailangan sana tayo pag-usapan tungkol sana kay Paul." Tumingin ako sa kanya at siya naman sumeryoso ang tingin niya sakin.

"Lumabas ba ulit ang dark power?" Seryosong sabi ni Kuya. Tumango na ako.

"Nung nakaraang araw pumunta si terror sa vamps upang kunin si Ellaine." panimula ko "Sa mga oras na yun hindi ko alam ang gagawin ko. Kitang kita ko kung paano lumabas ang dark power sa katawan ni Paul. Mabuti na lamang at hindi ito nagtuloy tuloy kundi,  baka mapahamak si Paul. "

"L-lumabas na ang dark power sa katawan ni Paul?" Halos nanginginig na boses ni Kuya Wanston. Tumango lang ako sa kanya.

"Hindi pwedeng lumabas agad yun dahil Hindi pa naman natin nahahanap kung nasaan ang light power." Sabi niya.

"Pero nagtataka talaga ako Kuya kung bakit basta-basta na lang lumabas yun kay paul. Pakiramdam ko talaga nasa  malapit lang ang light power."

"Alam na ba niya?"

"Ewan, siguro? Hindi ko alam Kuya. Ginamitan ko ng gamot si Paul upang Hindi niya na matandaan ang nangyari nung mga oras na yun pero Hindi ko alam kung umepekto ang gamot sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?! Damn. Francine hindi ka ba nag-iisip? Hindi mo pwedeng gamitan si Paul ng mga iba't ibang gamot habang nasa loob parin ng katawan ni Paul ang dark power!" Galit na sigaw ni Kuya sakin.

"Kuya natakot ako. Natakot ako na baka sa oras na malaman ni Paul na may ganun siya klaseng kapangyarihan baka.. Mapahamak siya." may tumulo na luha sa mga mata ko kaya agad ko naman pinunasan yun.

"Pupunta ako ng Vamps. " Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ha?"

"Pupunta ako ng Vamps. Ako na ang bahala kay paul. Ang gawin mo nalang ay hanapin kung kanino nagmamay-ari ang light power."Hindi na ko umimik sa sinabi niya.

Napahinga naman ako ng malalim.

__

"Master Wanston, pasensya na hindi ako makakasama muna sa inyo pero bukas na bukas po pupuntahan po kita sa academy. May kailangan lang po ako asikasuhin. Alam niyo na po yun."sabi ni Harvy habang nakatayo siya sa harap namin.

"Sige, aasahan ko yan Harvy." seryosong sabi ni Kuya Wanston bago siya makapasok sa loob ng sasakyan.

Tiningnan ko muna si Harvy.  "Salamat," aniya bago tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan. 

Itutuloy..

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon