#Edited
Zhack's POV
Dugo. Iyan ang buhay naming mga bampira para mabuhay. No bloods, No Vampires. Pero may patakaran samin na hindi dapat inumin ang dugo ng mga Tao. Dahil sa oras na makatikim ka ng kahit isang pahid ng dugo mula sa isang Tao. Magiging isang bad vampire ka na. Well, Kaya lang nagiging isang bad vampire ang bampira dahil sa pag-inom nito sa Mali na dugo. Once na makainom ka ng dugo ng isang Tao.. Magiging isang bad vampire ka na. Ang iyong mabuting kalooban ay mababahiran ng kasamaan. Masasanay at hahanap hanapin mo na ang ganoong uri ng dugo.
Kaya nga, dugo lang ng mga hayop ang iniinom namin. Atleast, alam namin na wala kaming ginagawang masama.
Noon, isa lamang akong ordinaryong nilalang. Masaya. Walang iniintindi. Pero nawala ang lahat non sa isang masamang pangyayari. Naging ganito ako. Naging isang bampira ako na ikinatatakutan ng lahat. Gusto ko ang dati kong buhay. Pero, nawala ang lahat ng iyon. Pati na rin ang mga pangarap ko.. Nawala na.
Si Ellaine. Matagal ko na siyang gustong paalisin ng Vamps Academy. Alam kong mapanganib para sa kanya ang pag pasok sa school na iyon. Alam kong sa oras na maging katulad namin siya, ang naramdaman ko noon ay mararamdaman niya. Ano ba ang naisip ng mama niya at doon siya pinag-aral? Hindi ba nila nababalitaan ang mga sabi-sabi ng mga iilang tao? Ang sabi, kakaiba ang Vamps Academy kumpara sa ibang school. Yes, Tama sila. Kakaiba nga ang paaralan na iyon pero ang mga nandon naman ay mabubuti.
Matagal ko na gustong lumipat ng Vamps Academy. Alam kong Hindi pwede dahil may mga obligasyon ako sa Kirin. Ako ang presidente ng Kirin. Ako ang pangalawang namumuno ng lahat na nandoon. Pero minsan naisip ko, Paano naman ang kagustuhan ko? Paano naman ang buhay ko?
Sa kirin kasi, Halos lahat ay trabaho. Maski ang mga ibang bampira na nag-aaral ay hindi na nakakapag-aral ng mabuti dahil mas inuuna nila ang pagtatrabaho.
Ako nga ang presidente ng school na iyon pero ramdam ko naman na isa lamang akong ordinaryong bampira doon. Hindi ko ramdam ang pagiging presidente ko. Minsan nga, may ibang nagsasabi na mas mabuti na umalis ako sa ganung position kung hindi ko man lang ginagawa ang dapat kong gawin. Ang aking mga tungkulin.
Syempre, masakit para sa akin iyon. Gusto kong gawin ang dapat gawin ng isang presidente ng school. Gusto ko magbago bigla ang mga patakaran don. Pero paano ko magagawa iyon kung sa bawat kilos at galaw ko ay papakelaman ako?
Kaya nga, gagawa ako ng paraan para maging maayos ang takbo ng buhay ng mga bampira doon. Hindi lang ako. Hindi lang ako ang may kagustuhan na lumipat ng Vamps Academy. Halos lahat. Halos lahat ay gusto. Pero, hindi naman dapat namin iwanan ng basta basta ang Kirin. Mahalaga samin ang kirin dahil doon kami lumaki. Doon kami nagka-isip..
At bilang isang presidente ng school na iyon, gagawa ako ng paraan para maayos ang lahat-lahat. Kahit na buhay ko pa ang kapalit ko non.
Daniel's POV
[A/N: New Character si Daniel. I know na hindi ko pa siya gaano nababanggit dito kaya wala masyadong nakakaalam sa kanya. Pero isa siya sa mga mahahalagang character dito. Kaya nga, binigyan ko siya ng POV para ipaliwanag sa inyo kung sino sya. Yun lang. :>]
Noon, Sa pamilyang Nightray ay masaya kaming namumuhay. Walang gulo na dumadating. Pinalaki ako ng aking mga magulang na puno ng pagmamahal.
Ang aking Ama ay isang bampira. Isa siya sa mga Vampire Knight. Habang ang aking Ina naman ay isa lamang ordinaryong nilalang. Alam ng aking Ama na bawal umibig ng isang Tao. Ngunit, mapilit ang damdamin ng aking Ama. Pinaglaban niya si Ina kahit na mga nasa matataas na antas ang kanyang kalaban. Isa na don ang Hari. Si King Leo.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampirgeschichten"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.