Chapter 34

6.8K 221 6
                                    

Third Person's POV

"ANO?" Halos mabiyak ang pader dahil sa pagsigaw ng malakas ni Eliza.

"Gagawin natin si Ellaine tulad natin." Pag-ulit ng master nila.

"Pero bakit pa? Hindi naman natin kailangan ang kapatid ko." Para na masisiraan ng ulo si Eliza.

"Ang kapatid mo ang kailangan natin para matuloy na ang matagal ko ng pinaplano."

"Pinaplano?"

"Planong kong pagharian ang buong kampon ng mga bampira."

Sa Kabilang dako...

Habang nakikipagtitigan si Francine kay Selena.  Patuloy lang ang katahimikan na bumabalot sa paligid.

Ang dark at ang light power....

Nakatingin lamang sila sa isa't isa at parehong nagulat ang lahat dahil biglang nagpakawala ng isang napakaliwanag na ilaw na nagmumula kay Ellaine.  Napatakip sila ng Mata dahil sa sobrang silaw.  Nang mawala na ang nakakasilaw na iyon, ay natagpuan na lang nila na magkatabi na ang dalawa habang nakahandusay sa sahig. Agad sila lumapit lahat doon maliban kay Selena na nakatingin lang sa kanila.

"Paul..."

"Ellaine..."

Si Francine ang may hawak kay Ellaine samantala naman si Wanston ay hawak-hawak si Paul. Tumingin sila kay Selena na nakatingin lamang.

"Magiging maayos kaya sila?" Tanong ni Francine dito. Napayuko si Selena.

"Maayos na sila pero...."

"Pero ano?!" Napasigaw na ng malakas si Francine dahil sa sobrang pag-aalala sa dalawa.

"Pero... Mawawala ang iba nilang ala-ala." Lahat sila ay nagulat sa sinabi nito parang sasabog na si Francine sa pagkalito.

"Maalala kaya nila ang isa't isa?" Tanong muli nito.

"Oo maalala nila ang isa't isa dahil sila ang itinakda"

Eliza's POV

Light power? Kaya ba nung bata ako mas inaalagan nila si Ellaine kayda sakin? At kaya ba gustong-gusto na makuha ng master namin si Ellaine? Pero paano? Bakit sa kapatid ko pa?  Hindi ba parang mapanganib para sa kanya? 

Flashback...

"Mama, Papa Saan kayo pupunta? Bakit Hindi ako kasama?" Tanong ko kina mama at papa dahil sabi nila may kailangan lang daw sila asikasuhin kasama ang nakakabata kong kapatid.

"Eliza, anak. Hindi ka pwede sumama samin e.. Mukhang matatagalan kami sa pagbalik." Sabi sakin ni papa.

"Iiwan niyo na ba ako?" Nangingiyak na Sabi ko. Ngumiti sakin si Papa at Mama.

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon