Andrew's POV
Isa lamang masamang panaginip ito, hindi ba? Hindi siya pwedeng Mawala. Hindi.
Hanggang ngayon nanatili parin ako nakatingin sa payapang mukha ni Daniel. Akala ko ba gusto niya muli makasama at makita ang kapatid niya? Pero bakit sumuko agad siya at hindi lumaban? Napahilamos ko ang mukha ko. Hindi mapigilan na bumagsak ang mga luha ko.
Huwag ka mag-alala, Daniel. Makakaalis kami dito ni Ms. Francine at pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo.
Itinuon ko na lamang ang aking paningin sa kisame, sapagkat hindi ko na yata kakayaning tingnan ang walang buhay na si Daniel, lalo lang ako masasaktan kung titingnan ko pa ang bangkay ng isang matalik kong kaibigan.
Si Daniel ang nakasama ko sa lahat ng hirap. Napakabuti niyang tao at iaalay niya ang sarili niyang buhay para lang sa mga kanyang minamahal.
Wanston's POV
"Master wanston, tuluyan na pong nakapasok ang mga kalaban sa loob ng academy." Sabi ni Harvy. Ako na lang ang natira dito sa opisina dahil agad kong inutusan si Paul na ilayo si Ellaine dito. Alam kong si Ellaine ang pinunta ng mga bad vampires dito at mapanganib kung mananatili pa siya dito lalo na ay kulang kami sa mga tauhan.
"Ang mga ibang tauhan? Nasaan?"
"Nandon na po sila at sinusubukan na pigilan ang mga kalaban. At isa pa po pala, may impormasyon na po kaming nalaman kung saan nagtutungo ang ibang mga kalaban at kung saan nila idinala si Ms. Francine."
"Kung ganon halika na." Tumayo na ako at akmang paalis na ng pigilan niya ko.
"Mapanganib sa labas, Master Wanston. Dito ka muna po. Hindi pa kakayanin ng lakas mo."
"Kaya ko ang sarili ko, Harvy. Wala ka dapat ipagpaalala."
"Sige po. Basta mag iingat kayo, Master Wanston."
"Saang lugar nila dinala si Francine?"
"Sa gitna ng gubat. Hindi kayo pwedeng pumunta mag-isa don lalo na maraming kalaban sa paligid."
"Tara na----" naputol ang pagsasalita ko ng biglangsi Jake.
"Master Wanston, Nagkakagulo na po sa labas. Marami na ding sugatan sa mga tauhan natin." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Jake
"Nasaan si Selena?"
"Nasa labas si Selena. Kasalukuyan ay nakikipaglaban siya kay Terror." Ani Jake. Dali dali akong nagpunta sa labas kung nasaan naglalaban sina Selena at Terror.
Sa pangyayaring natagpuan ko ay kitang kita ko na nahihirapan si Selena. Hindi lang si Terror ang kalaban niya. Maraming mga bad vampires ang sumusugod sa kanya. Shit. Nakatalikod siya mula Kay Terror at nagulat na lamang ako sa nang humugot ito ng espada at mabilis na tumakbo patungo kay Selena. Shit shit. Mabilis din akong nagtungo kay selena at hinarang ang espada na isasaksak niya sana kay selena. Dumugo ang kamay kong nakahawak sa espada.
Napalingon si Selena. "Wanston.."
Hindi ko nagawang kumilos. Hinila ako ni Terror papalapit sa kanya at agad na tinutukan ng kanyang espada ang aking leeg.
"Bitawan mo siya,Terror." madiin at madilim na wika ni Selena. Ngumisi si Terror.
"Saka ko lang siya bibitawan kung ibibigay niyo sa'kin si Ellaine. At kung ayaw niyo naman ibigay sakin ang hinihingi ko, konting kalabit ko lang sa espadang hawak hawak ko, mamamatay ang lalaking ito "
"Master Wanston!!" Rinig kong tawag ni Harvy.
Binalot ng katahimikan ang lahat. Hindi magawang magsalita ni Selena.
"Pabayaan niyo na ko. Wag na wag niyo ipapamigay si Ellaine." Pambabasag ko nh katahimikan.
"Hindi pwede!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Selena.
"Ano? Ibibigay niyo ba si Ellaine o mamamatay itong lalaking ito?" Ani Terror.
"Ibigay niyo na si Ellaine sa kanya. " Mahinang tugon ni Selena. Nanlaki ang mga Mata ko. Hindi siya nag-iisip!
"Ano bang iniisip mo Selena! Hindi mo alam na napakaimportante ni Ellaine!" Sigaw ko.
"Ibigay niyo na ang hinihingi ni Terror." mahinang tugon ni Selena kina Jake.
Umiling ako. "Wag niyo siya susundin!"
"SIGE NA! IBIGAY NIYO NA SI ELLAINE!" Utos niya kina Harvy at Jake. Alangin na umalis ang dalawa, tumingin ako kay Selena. Napayuko siya.
"Hindi mo alam kung ano ang magiging resulta sa oras na makuha nila si Ellaine." Bakas sa aking boses ang galit. "Mas mabuti na mamatay ako kaysa ibigay niyo si Ellaine sa kanila."
"Hindi mo alam ang lahat-lahat.. Wanston"
Jake's POV
Mabilis kami nagpunta sa silid ni Paul upang hanapin si Ellaine. Aaminin ko, kahit ako ay ayoko ibigay sa kanila si Ellaine. Alam kong mapanganib at mapapahamak lang si Ellaine. Pero buhay na ni Master Wanston ang nakataya dito. Papatayin siya ni Terror kung hindi namin ibibigay si Ellaine sa kanya.
Mabuti na lamang at naabutan pa namin sila. Agad kaming lumapit ni Harvy sa kanila.
"Paul.. " tawag ko. Napalingon sila pareho at napahinto.
"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noong sabi ni Paul.
"Nasa panganib ang buhay ni Master wanston at kung hindi pa natin ibibigay sa kanya si Ellaine, agad niya tatapusin ang buhay ni Master wanston. " sabi ko.
Napamura si Paul. Naiyukom niya ang kanyang kamao.
"Ako na ang bahala. Kayo na ang bahala kay Ellaine. Itakas niyo na siya at ilayo sa lugar na ito." Malamig na sabi ni Paul bago naglaho ng parang bula.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.