Chapter 17

8K 268 7
                                    

#Edited

Celline's POV

"Celline?" Aniya.  Pinagmasdan ko siya.  Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit kaso,  Hindi ko maaaring gawin iyon sa kanya.  Natatakot ako.  Natatakot ako na sa oras na yakapin ko siya ay baka may mangyaring masama sa kanya nang dahil sa akin.  Ayokong lumapit sa kanya.  Natatakot ako sa maari kong gawin.

Lumapit siya ng isang hakbang sa akin kaya napaatras ako ng isang hakbang din.

Nagtaka siya.  "Celline.." Sambit niya muli sa pangalan ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at parang takang taka siya. 

"Celline,  S-sa wakas at nakabalik ka na. " Masayang sabi niya. Hindi parin ako nagsasalita.  Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako,baka bumuhos ang mga luha na pilit kong pinipigilan. Ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya.  Kailangan kong tatagan ang loob ko.

"Halika..  Pinagluto kita ng paborito mong dinuguan. Sinarapan ko talaga ang luto para sayo. At saka,  akala mo makakaligtas ka sa akin!  Ha!  Kailangan ko ng paliwanag m--"

"Ayoko na ng dinuguan.  Hindi na iyon ang paborito kong pagkain." Pagsisinungaling ko.

Tumawa siya ng mahina."Hindi mo ba paborito ah? Baka mamaya niyan, sa oras na matikman mo ang luto ko... Magiging paborito mo na ulit iyon. "

"Ayokong tikman ang anumang luto mo. " diretsa kong sabi sa kanya. Napakunot naman ang mga noo niya na tila nagtataka sa mga ikinikilos ko.

"Sinarapan ko ang luto ko kaya sigurado ako na magugustu-"

"Pwede ba!  Hindi ba malinaw sayo na ayoko ng luto mo!  At hinding Hindi ko iyon titikman kahit na masarap iyon. Nagsawa na ko sa dinuguan kaya please lang,  huwag mo na ipilit sa akin na tikman iyang luto mo dahil baka madura ko lang yon.  Kung gusto mo, para Hindi masayang ang pinaghirapan mong lutuin iyan,  ipamigay mo na lang sa iba." Sunud-sunod kong sabi sa kanya na walang hintuan. Napatingin ako sa mga Mata niya. Puno iyon ng mga sakit. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ko. Pasensya ka na Ellaine,  kailangan ko 'to gawin.  Kailangan kitang saktan. Patawad.

Hinawakan niya ang kamay ko at agad ko naman iyon binawi sa kanya.  Naiiyak na siya.  "Celline naman..  Hindi ka iyan.  Okay.  Fine.  Hindi ko na ipipilit sayo na tikman o kainin man lang ang pinaghirapan kong lutuin para sayo. Pero please lang,  kung makapagsalita ka na sakin parang hindi mo alam ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Nasasaktan ako dahil don, Celline. " Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya.  Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan din ang pag-iyak ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya kaso..  Hindi pwede.  Kailangan ko tong gawin.

Huminga ako ng malalim. "Wala akong pake sa nararamdaman mo." Tinatagan ko ang boses ko para sabihin iyon sa kanya.  Nagulat siya sa sinabi ko.

"Celline..  Ano bang nangyayari sayo? Nasasaktan mo na ako!" Sigaw niya.  Patuloy na bumubuhos ang luha niya.

"Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat!  Ayoko na maging kaibigan ka!  Pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin dalawa.  Kalimutan mo na ako at kakalimutan na din kita. Basta,  lumayo ka na lang sa akin. " Mas lalo siyang naiyak sa mga sinabi ko. Humahagulgol pa siya.

"C-celline... Ano bang problema? Pwede naman natin pag-usapan iyan. Pwede naman natin ayusin iyan. " Sabi niya habang humihikbi hikbi pa. Napapikit ako.  Pwedeng pag-usapan?  Wala ng dapat pa pag-usapan!  Wala ng dapat ayusin pa! Nangyari na ang nangyari at hindi na mababago pa na isa na akong bampira.  Wala ng magagawa pa.

"Kinausap ko si Ms. Francine na baka maaari na pwede akong lumipat ng dorm at pumayag naman siya.  Nandito ako ngayon para kuhanin ang mga gamit ko." Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Ramdam ko na gusto ng kumawala ng mga luha ko at pinipigilan ko lang iyon.

Vamps Academy: World of Vampires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon