Ellaine's POV
May kung ano akong naramdaman matapos ko makita ang babaeng nasa harapan ko. Namumuo ang luha ko sa mga Mata. Pilit kong hindi maiyak.
Long time no see, my little sister.
Anong ibig niyang sabihin mula sa salitang iyon na lumabas sa kanyang sariling bibig? Naguguluhan na ako.
Nanatili siyang nakangisi sa akin habang ako ay nakakaramdam na ng pagkatakot sa kanya.
"Hindi namin hahayaan na makuha niyo si Ellaine, Eliza." sabi ni Jake. Lumipat naman ang tingin nung Eliza kay Jake. Naging pula na ang mga mata niya at napapansin ko na unti-unti na lumalabas ang mga pangil at kuko niya. Napapikit ako. Muli ko na naman naalala ang imahe ni Paul habang pula ang kanyang mga Mata at may mahahaba at matutulis siyang kuko. Muli na naman ako nakaramdam ng ganitong klaseng pagkatakot.
"Mas gugustuhin niyo pang mamatay, ganun ba?" Nakangising sabi ni Eliza. Napadilat ako. Wala ka dapat katakutan, Ellaine. Kaya mo iyan. Hindi ka dapat matakot sa kanila. Magtiwala ka sa sarili mo.
"Ako na bahala dito, ilayo mo na lang dito si Ellaine." sabi ni Jake kay Harvy.
"Pero paano ka?" Sabi nito sa kanya.
"Wag mo na ko intindihin, ang ilayo sa lugar na ito si Ellaine ang intindihin mo."
Tumango si Harvy. Hinawakan niya ako sa braso at basta na lamang hinila papalayo.
"Sa tingin niyo ba ay hahayaan ko kayong makatakas?" Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Eliza. Napalingon kami sa kanya at laking gulat ko na lamang ng nasa harapan ko na siya.
Hinila ako ni Harvy papunta sa kanyang likuran at siya ang humarap kay Eliza."Ano ba ang kailangan mo sakin?!" Sigaw ko.
Natigilan ako nang biglaang pagsulpot ni Eliza sa likod ko at basta na lang ako hinila papalayo kay Harvy.
"Ellaine!"
Hinawakan ni Eliza ang braso ko.
"Ano ba! Bitawan mo ko!" Pilit kong tinatanggal ang pagkakapit niya sa aking kanang braso pero lalo lang iyon humihigpit.
"Hindi kita sasaktan, kapatid ko. Basta, Sumama ka lang sa'kin."
"Huwag na huwag kang sasama sa kanya, Ellaine!" Sigaw ni Jake. Napapalibutan na kami ng ibang mga bampira. Nanginginig ako sa takot.
Tiningnan ko si Eliza. "Ano bang pinagsasasabi mo?! Wala akong kapatid na kasing-sama mo! Bitawan mo nga ako!" Singhal ko pero parang wala siyang narinig.
Tumawa siya ng malakas.
"Wala akong panahon para ipaliwanag sayo ang lahat. Sumama ka na lang sakin kung ayaw mong masaktan kita. Naiintindihan mo ba?" Tumulo na ang luha ko. Nasasaktan ako sa ginagawa niya.
Bigla na lamang niya ako hinila kung saan. Ang bilis niya. Rinig ko ang malakas na pagtawag ni Jake.
Someone's POV
Agad na pinilipit ni Paul ang braso ni Terror. Namililit sa sakit si Terror at paulit ulit na nagmura sa kanyang isipan. Wala siyang magawa. Malakas si Paul at Hindi niya talaga ito kakayanin.
Napaluhod na lang sa sahig si Terror habang si Paul ay walang inisip kundi ang patayin ito. Umalis na ang ibang mga bad vampires dahil sa takot nila kay Paul. Iniwanan nila dito mag-isa si terror.
"Tama na yan Paul! Hindi mo basta pwede gamitin ang dark power lalo na hindi mo pa alam kung paano ito gagamitin! Itigil mo ang paglabas ng dark power sa katawan mo!" Sigaw ni Wanston.
Natigilan si Paul. Napatingin siya kay Terror.
Napamura na lang siya at napaluhod sa sakit habang hawak ang ulo niya.
"Anong nangyayari sayo, Paul?" Kinakabahan na sabi ni wanston sa kanya. Doon na kumuha ng pagkakataon si Terror para tumakas. Tumayo siya at mabilis na lumayo sa kanilang lahat. Hinayaan na lang nila na tumakas ito. May araw din para magtapat tapat ang lahat.
Sunud-sunod ang mura na lumalabas sa bibig ni Paul.
"Argh!!!" Hindi nila magawang makalapit. Lalong nadadagdagan ang itim na bumabalot kay Paul.
"Wag naman sana.. " Bulong ni Selena.
"Ano ang nangyayari sa kanya, selena?!"
Napalunok siya. "Hindi maganda ang mangyayari kapag lumabas na ng tuluyan ang dark power sa katawan niya."
"Paano si Paul? Baka mapahamak siya? Anong gagawin natin?"
Tumingin si Selena sa nag-aalalang si Wanston.
"Ang hayaan na lumabas ang dark power sa katawan ni Paul."
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampire"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.