Ellaine's POVThey're vampires.
All this time, ang mga nasa paligid ko pala ay ang kinakatakutan ko. Akala ko na magiging masaya ako dito pero nagkamali pala ako. Halos lahat sila ay hindi ko kinakausap. Maski si Andrew ay nilayuan ko.
Galit ako sa kanila. Galit ako dahil pinaniwala nila ako. Galit ako dahil nagawa nilang magsinungaling sa'kin.
Inaayos ko ang aking gamit para sa aking pag-alis. Hindi ko na kaya manatili dito kasama ang mga manlolokong katulad nila. Mahirap man ngunit kakayanin ko. Marami na kong pinagdaanang masasaya sa piling ng mga naging kaibigan ko dito, pero hindi ko matatanggap ang panloloko at pagsisinungaling nila sa'kin.
Ang galing nilang umakto na parang isang katulad ko. Bakit nga ba hindi ko naisip ang mga iyon? Minsan ay nakakaduda na din ang mga ikinikilos nila pero mas minamabuti na kalimutan ko na lamang iyon. Ang tanga ko ba para maniwala sa kanila? Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpakabulag ako.
Pumasok sa aking isipan si Celline. Alam niya kaya ang tunay na katauhan ng mga nandito? Kung ganon man, bakit hindi man lang niya sinabi sa'kin? Kailangan naming umalis sa lugar na ito dahil hindi kami nababagay dito. Hindi kami pwede dito.
Humihip ang malakas na hangin. Ang aking buhok ay tumatama na sa aking mukha. Napatingin ako sa bintana kung saan pumapasok ang hangin mula sa labas.
Nawala ang atensyon ko rito nang makarinig ako nang ilang katok sa pinto. Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sino kaya yun? Si Andrew kaya? Celline? Anne? Ms. Francine? Jake? Kung sino man iyon, alam kong bampira parin iyon. Bampira na kinakatakutan ko.
Lumapit ako dito upang buksan. Nang hawakan ko na ang sendura ng pintuan, nakaramdam ako ng takot, takot na kapag binuksan ko ito makikita ko ulit ang mga tulad nila.
Napahinga ako ng malalim. Walang mapapala kung habang buhay ako laging magkukulong dito dahil sa takot. Kailangan ko na din siguro silang harapin.
Dahan dahan kong pinihit ang sendura at bumungad sa'kin ang mukha ng babaeng nagpalaki sa'kin. Nanlaki ang mga Mata ko.
Mama.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. Hindi ko na din napigilan na mapaiyak.
"Mama...." Hindi parin ako bumibitiw sa pagkakayakap sa kanya.
"Anak...." Hinawakan niya ang dalawang braso kong nakayakap sa kanya at agad kinalas ang mga iyon. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang pinapahid ang mga luhang tumulo dito.
"Kamusta ka na? Maayos ka lang ba dito?" Tanong niya.
"Mama, ayoko na po dito. Gusto ko ng lumayo sa kanilang lahat. Hindi sila isang ordinaryong nilalang inaasahan ko. " sabi ko. Malungkot na ngumiti si Mama sa akin.
"Kailangan ka dito, Ellaine." sabi niya. Umiling ako.
"Ayoko dito, mama. Natatakot ako sa kanila." Tumulo na naman ang mga luha ko.
"Alam mo na ba?" Nagtaka ako sa naging tanong ni Mama. Wag mong sabihin--NO! Hindi magagawa sakin ni Mama yon!
"Mama, sabihin mong Mali ang iniisip ko. Sabihin mong wala ka ring alam katulad ko. " Tila ay nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Umiling iling siya. Kita kong may tumulong luha galing sa Mata niya.
"Patawad kung hindi ko man sinabi sayo." Ani Mama. Bigla ako napaatras. Alam niya din pero bakit niya pa ako pinag-aral dito? Ano bang gusto mong palabasin dito, Mama? Ha?
"Hindi ko maintindihan, Mama. B-bakit?" Naguguluhan kong sabi. Tiningnan niya ko.
"Ito na ang tamang oras para sabihin ko ang tunay mong pagkatao, Anak."
Francine's POV
Kadiliman. Kadilimanang bumabalot sa paligid. Nang imulat ko ang Mata ko, walang anong liwanag akong nakita.
Nasan ako?Inalala ko ang nangyari at bigla na lamang napamura dahil sa nangyari. Shit.
Nilibot ko ulit ang kabuuan ng madilim na silid na ito. Wala akong makitang kahit ano. Puro kadiliman lamang.
Ramdam ko na wala ako sa kirin. Pero nasaan naman ako? Saan nila ako dinala? Anong balak nila?
Hindi ako makapaniwala na gagawin ni Erick sa'kin ito. Sinasabi ko na nga ba na hindi parin siya hanggang ngayon na nagbabago. Kasing-sama parin siya katulad ng kanyang Ama!
Napapikit ako. ito na ba ang kamatayan ko? Ito na ba ang katapusan ko?
Sa gitna ng pag-iisip. Biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa'kin ang dalawang lalaki.
"Sino kayo?" Naramdaman kong hinawakan nila ang magkabila kong braso at hinatak palabas. Hindi ko magawang lumaban dahil bukod sa nakahawak sila sa mga braso ko, malalakas din sila. Malalaki ang katawan nila.
"Anong gagawin niyo sakin?" Walang kahit isa ang sumagot sa kanila. Tauhan din ba sila ni Erick?
Dinala nila ako sa isang napakalaking silid. Nilibot ko ang tingin ko at natanaw ko ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa di kalayuan.
Eliza...
Nagkatitigan kami sa mga mata saglit pero agad din naman niya binawi ang tingin. Hindi na rin ako siguro magtataka na kasama siya sa mga traydor dito.
"Nasaan ako? Kung balak niyong unti-untiin ang pagpapatay sakin, diretsuhin niyo na lang akong patayin. Pupunta din naman iyon sa aking kamatayan." Sabi ko sa kanilang lahat.
"Hindi ka pa kailangan mamatay..." Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Napalingon ako kung saan ito nanggagaling. Nanlalaki ang mga Mata ko. Nanginginig ang buo kong katawan. Tama ba ang nakikita ko? Hindi...
Kuya Leo... P-paano..
"Matagal tagal na rin simula nung huli kitang makita, Francine."
Itutuloy.
![](https://img.wattpad.com/cover/62677946-288-k22734.jpg)
BINABASA MO ANG
Vamps Academy: World of Vampires
Vampir"When you enter the world of vampires, Your life will change." Welcome to Vamps Academy. The World of Vampires.