Simula

793K 13.5K 3.7K
                                    


Bawal.

'First mystery, the annunciation of Gabriel to Mary. Hail Mary---'

"Ang pangit!"

Humigpit ang hawak ko sa rosaryong nasa kanang kamay ko.

Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglalakad sa gitna ng mga estudyanteng nandidiri ang tingin sa akin habang nagpe-pray ako.

'---Full of grace ----"

"Ang taba!"

"Siguro maasim yan! Ang kapal ng damit eh. Longsleeves and long skirt, seriously?"

"Try mong amuyin girl para magising ka."  Sagot naman nung isa sabay tawa ng malakas.

Binilisan ko ang paghakbang ko, ayokong magkasala dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko naman gustong mapunta sa lugar na ito kaya hindi na nila kailangang ipamukha na hindi ako nababagay dito.

Sabi ni Mama maganda daw mag-aral sa Keio University. Hindi daw lahat nakakapasok dito, yun lang daw mayayaman at matalino. Napa-oo tuloy ako. Hindi ko naman itinuturing ang sarili ko na mayaman, matalino siguro, kaya nga ako nakapasok dito dahil scholar ako. Mas gusto ko yung ganon kaysa iaasa na lang sa mga magulang dahil naniniwala ako na ang tao ay pinanganak mag-isa at dapat magsurvive mag-isa. If we are not fit to exist alone, sana may kasama ang lahat ng tao kapag pinanganak o di kaya kung mamamatay.

Pinalibot ko ang mga mata ko sa buong eskwelahan, siguro nga espesyal ang lugar na ito. From expensive paintings to ancient sculptures, to wide lobby and soccer fields. This school doesn't have a canteen, they have Food Alley-- four floors of different food stalls from famous fastfood chains to fine dining. Ang lahat ng mga estudyante dito pinaparada ang mamahalin nilang bag at mga damit. Samantalang ako, pinaparada ko ang bilbil ko na itinatago ko sa makakapal na damit.

Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagiging iba ko.

"Paano ba yan nakapasok dito?" Bulong nung isa. Hindi naman talaga bulong kasi dinig na dinig ko.

Pinanghinaan agad ako ng loob sa unang araw ko ng pagpasok sa college. Tama ba na pumarito ako? Mas gusto ko sanang mag-aral sa eskwelahang pinamumunuan ng mga madre kaysa dito. At least doon mababait ang mga estudyante dahal puro dasal ang aatupagin.

Namimiss ko na tuloy si Sister Aida, yung guidance counselor namin noong highschool. Sya ang nagturo sa aking maging mabait at huwag gumanti sa kapwa kahit na ginagawan ka ng masama.

I sighed. Tumingala ako sa langit sa gitna ng mga nagtatawanan na mga schoolmates ko.

"Patawarin mo po sila. Hindi po nila ang kanilang ginagawa. Amen." Pumikit pa ako para mas maramdaman ko ang spiritual connection ko sa nandoon sa itaas.

"Tabi!" May sumigaw mula sa di kalayuan na boses ng isang babaeng nangungutya sa akin kanina.

Hindi ako kumilos at nanatili lang nakapikit. Tiyak naman ako na hindi ako ang tinutukoy nya dahil wala naman syang pakialam sa akin. Isa pa, hindi talaga ako nagpapaabala tuwing kausap ko ang lumikha.

"Naku Miss, tumabi ka! Mayroon ka na lang tatlong segundo para mabuhay!" Sigaw din nung isa pa.

Napakunot ako ng noo. Bakit parang ako ang sinasabihan nila?

"Ang mga pangit talaga madaling mamatay!"

Unti unting naramdaman ko ang paglayo sa akin ng mga estudyanteng kanina lang ay ginawa akong tampulan ng tukso.

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon