Kabanata 50

269K 8.2K 759
                                    


Maki Say's: Filler Chapter, wag umasa. Promise starting next week masipag na ako mag-update. Nagda-diet ang lola nyo kaya laging masakit ulo ko, di ako makapagsulat, haha! 😂😂😂

No Reaction.

Mahimbing na si Brie sa tabi ko, si Gaelan nakahiga doon sa sahig katabi ng crib ni Rigo, samantalang si Yuki ang umukopa ng sofa sa salas ng kubo.

Nakakabingi ang katahimikan, umokupa ng aking tenga ang mahihinang alon na nagmumula sa labas. Sa isip ko ay nagsisimula na akong magbilang ng oras.

Nararamdaman kong malapit ng matapos ang lahat ng ito. Nahahati ako sa pagitan ng kagustuhan na makita na muli ang aking pamilya at  sa kagustuhang manatili sa simpleng buhay na ganito. I feel that something is pulling me to stay this way.

Will it be the same if I will stay here without Gaelan? O baka sya naman ang pangunahing dahilan kung bakit minamahal ko ang katahimikan na ito.

"Gaelan.." I called his name. Nakita ko kasing nakatingin sya sa akin. Hindi ko namalayan na malaya ko syang tinitingnan kanina pa.

"Hindi ka makatulog?" Kalmadong tanong nya.

I nodded. Hindi ko alam kung nakita nya ba yung pagtango ko pero bumangon sya agad. Lumapit sya sa lalagyan ng gatas ni Rigo at inilagay ang isang bote na may tubig sa kamay ni Brie at sa kabila ay ang canister ng powdered milk.

"Anong ginagawa mo?" I whispered.

"Brie will wake up in the slightest noise. Pupwede nating iwan si Rigo sa kanya." Bulong naman ni Gaelan.

"Iiwan? Saan tayo pupunta?" Tumayo ako at sinundan ang kanyang ginagawa.

"Can I date you? Again?" Hinarap ako ni Gaelan, dahil sa kanyang taas kinailangan kong tumingala. It is like he's bothered and wanting to tell something o baka imahinasyon ko lang yon.

"Date? Madaling araw? Baliw ka ba?" I hissed. Napakaweirdo naman ng ganoong ideya. Saka paano kung hindi magising si Brie sa iyak ni Rigo?

"Malapit na." Pumikit si Gaelan at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. It is so amazing how a single touch can speak words unspoken. Binalot ko ang sarili sa balabal at kumuha pa ako ng isa para kung sakaling lamigin si Gaelan kung saan man kami pupunta.

Marahan ang naging pagkilos namin ng buksan namin ang pinto para lumabas. Hindi naman din gumalaw si Yuki, siguro ay tulog na tulog na.

Sa silong ng kubo, kumuha si Gaelan ng ilang pirasong kahoy at gas lamp. What will this be then? Camping? May bonfire?

Nasagot ang tanong ko ng tumapat kami sa isang bangka. Okay, this is getting weird. Papalaot ba kami? Simula pumarito kami sa Sta. Monica, hindi pa ako nakasakay ng bangka. This will be the first. Maaring huli na din kung malulutas na ang problema namin.

"Mapayapa ang dagat." Nilubog ni Gaelan ang kanyang paa sa tubig. "Nasa laot na din ang mga kasama kong mangisda ng ganitong oras kaya wag kang matakot."

"Im not really scared. You're here." Sagot ko. Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan. Sa isang iglap naging mahinahon ang kanina pang malilikot nyang mata.

Inalalayan ako ni Gaelan na sumampa sa maliit na bangka. Agad nyang pinaandar ang motor nito. In less than a minute talaga ngang nasa ibabaw kami ng tubig!

Humahampas ang malamig na hangin sa aking mukha. Parang nagkagulo ang kaba at tuwa na nararamdaman ko sa akin tyan! It is really amazing how God make things work, we can glide on top of a deep sea. Lahat talaga ay posible!

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon