Okay.Huminto kami ni Gaelan sa isang kubo na apat na bahay ang pagitan mula kila Manang Selya. Halos kamukha din ito nung kay Manang Selya. Yun nga lang ay mayroon pang limang baitang ang hahakbangin bago ang pinaka-pinto. Yari sa semento ang una at huling baitang ngunit ang loob ng bahay ay puro kawayan na. Kahit wala pang binubuksang aircon o di kaya electric fan, angat na angat na ang pagiging presko ng lugar.
Binuksan ni Gaelan ang bintana sa pinaka'salas', nilipad agad ang kurtina kasabay ng hampas ng alon sa dalampasigan. Itinabi ni Gaelan sa pinakasulok ang mga bag na bitbit at doon naman sa upuang kawayan ang gamit ni Baby Rigo.
"Sandali, iaayos ko muna ang kama." Gaelan said. Hudyat naman iyon para tambulin ang dibdib ko. Isang kwarto lang ang mayroon, tiyak na isa lang din ang kama doon. Hindi naman sya pupwede doon sa upuang kawayan dahil technically, nakikitira ako sa kanyang kubo. Pupwede naman ako na lang sa upuan matulog kaya lang paano naman si Rigo? Baka daganan lang ito ni Gaelan kung sila ang magkatabi.
Napapikit ako sa naalala ko.
Nahuli kami ng mga magulang namin noon dahil nakatulog kami sa tent kahit wala kaming balak. Ibig sabihin, maaring makatulugan din namin si Baby Rigo dahil parehas kaming mahilig matulog. I cringed at the thought.
I swear! Hindi talaga ako matutulog! Babantayan ko lang si Rigo.
Lumabas si Gaelan mula doon sa kwarto. Walang pinto na nakaharang kaya natanawan ko na agad ang kama na mayroong manipis na kutson. Nakabalot na ito ng puting kobre kama. Hindi ganoon kalapad ang higaan pero masyado ding malaki para sa isa.
"Saan kami matutulog ni Rigo?" Tanong ko.
Nginuso ni Gaelan ang kama.
"I-ikaw?" Sumunod na tanong ko. Nagtaas naman ng kanyang kilay si Gaelan.
"Dyan din. Saan mo papatulugin ang asawa mo?" Mapanuri ang tingin ni Gaelan sa akin. Di ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi! Bakit naman kami tabing matutulog? Wala namang nakakakita sa amin kapag nandito kami! Hindi naman namin kailangang magpanggap kung kaming dalawa lang hindi ba?
"My back aches if I sleep on a hard surface. Kung bibili naman ako ng dalawang kutson para sayo at sa akin, magtataka naman ang mga taga-dito."
"Will they even know if you will do that?" Nagtaas ako ng kilay. Ganoon ba ka nosy ang mga taga dito? Pati ang pagbili ng kutson ay kakamustahin?
"You just saw Sta. Monica at night, you haven't seen it in the morning. Nagugutom ka ba?" Pag-iiba ni Gaelan ng usapan. Kanina ay nakapagdrive-thru pa kami kaya hindi naman ako masyadong gutom. Umiling lang ako at inilagay si Baby Rigo sa kama na ngayon ay nakamulat na.
Kumuha ako ng wipes mula doon sa mga gamit nya at marahang pinunasan ang kanyang buong katawan. Hindi ako sigurado sa ginagawa pero pinalitan ko sya ng diapers. Nakamasid lang si Gaelan sa ginagawa ko.
"You'll be one hell of a good mom." Gaelan said, amused. Tiningnan ko lang sya at binalik ang atensyon kay Rigo, paano naman nya nasabi yun? kung ako nga sa sarili ko, hindi din tiyak ang ginagawa ko.
Kahit hindi umiiyak si Baby Rigo ay tinimplahan ko sya ng gatas. Sa dami ng itinulog nya, napakakonti naman ng paghingi nya ng gatas. Hindi siguro sya reklamador na bata. Ilang buwan na kaya si Baby Rigo?
"Paano ka pala nakarating sa lugar na ito?" I asked. Mukhang kilala na sya ng mga tao sa lugar na ito, ayun nga lang ay bilang Daniel.
"I had a case here before. Drugs. Ibinabagsak ng mga taga-China sa daungan ng mga mangingisda dito. Kinailangan kong magpanggap na mangingisda din para makasalamuha ko sila at malaman ang kanilang ginagawa."
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️