Still.
Maaga akong bumangon para simulan ang araw ko. No, I was not able to sleep at all. Mayroon akong jetlag. Parang nirereplay pa sa utak ko yung eksena nung tinatanggalan nya ako ng harina sa face.
Gaelan is so good in flirting.
And oh, come on Maria. Ano to? Nagpapadala ka?
Dumiretso agad ako sa pagligo at kumuha na lang ng kung ano sa closet ko. I ended up wearing an all white ensemble. From pleated dress to white stilettos. Dinampot ko ang shades ko at nilagay sa aking ulo. Iniisip kong magbreakfast pero kinakabahan ako ng husto sa unang araw ko sa LAYA Air. Kuya Gilad will train me though, pero hindi sapat ang dahilan na iyon para maging kampante ako.
Aantok antok pa akong humakbang sa labas ng kwarto ko. Kailangan kong magtrabaho katulad nila Kuya at hindi ko alam kung paano ko ba magagawa yon. Hindi naman ako ganoon kasipag.
"Mama!" Nagulat pa ako ng salubungin ako ni Mama Buding sa ibaba ng hagdanan. Hindi ko sya nakita kahapon dahil hindi naman na sila naninilbihan sa amin. Ngiting ngiti si Mama habang pinagmamasdan akong makababa.
"Ria! Kamusta ka na?" Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. Agad kong napansin na bumaba ang kanyang timbang at mukhang nadagdagan ang kulubot sa mukha. Surprising how five years could change a person, pero kung iisipin mo parang kailan lang.
Ganoon siguro talaga, mas mabilis magbago ang itsura, pero kapag feelings ang tinamaan sayo, you will remember it vividly. Lahat ng saya di mo makakalimutan lalo naman ang sakit, may peklat pang kasama, if not, fresh wounds stays forever.
"Mabuti. Kayo po ni Papa? Bumalik na kayo ulit ng Maynila? Dito na kayo sa bahay?" Umaasang tanong ko.
"Naku hindi. Binisita lang kita. Isa pa, dinala ko dito ang pamangkin kong mamasukan dito. Halika, ako ang naghanda ng almusal. Kumain ka na muna. Nagsialisan na ang mga kapatid mo." Hinila ako ni Mama Buding patungo sa dining area. Nakaramdam ako ng sandaling pamimilipit ng sikmura ng madatnan ko doon si Gaelan, holding the jar of cookies I baked last night. Kalahati na ito halos. Kinain nya ba kagabi? Inalmusal nya?
Nag-angat ng tingin si Gaelan at tumuwid ng pagkakaupo. He's wearing his agent uniform. Kung uniporme ba ang dark blue longsleeves na nakatiklop hanggang siko at slacks. How can he save a life with a leather shoes though? Parang may pupuntahan lang na fashion show.
"Teka't titingnan ko kung nakahanda na ang meatloaf." Tinapik ako ni Mama Buding sa balikat at saka nagtungo na ng kusina. Ni hindi man lang nagulat na nandito si Gaelan. Ganoon na ba ka-usual ang presensya nya sa bahay namin?
Inabot ko ang bandehado ng kanin at nagsimulang magsandok. Gusto kong magpanggap na wala si Gaelan sa harapan ko kaya lang paano ko naman gagawin yon kung hindi sya umaalis sa harap. Kalmante syang nakaupo na para bang sanay na sanay sa bahay namin.
"Is this how you say thanks?" Seryosong tanong ni Gaelan sabay angat sa hangin ng cookie jar. Tipid akong tumango.
And why did he ask?
Alam ko namang kulang ang cookies sa pagligtas nya kay Daddy. Wala naman na akong iooffer pang iba. Kabuhayan package? Hindi naman nya kailangan. Baka naman nag-iintay ng paparty? Patawarin ko na lang kaya sya sa utak ko? Sabagay hindi naman nya alam na galit ako. Kaunting galit lang naman.
ibinuhos ang atensyon sa pagkain habang iniisip ang ibang pasasalamat kay Gaelan. Hindi ko tuloy napansin na naparami ako ng kain dahil lagay ng lagay si Mama Buding sa plato ko ng kung ano-ano. I missed Filipino cuisine! Lalo na ang luto ni Mama.
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Ficção AdolescenteA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
