In Public."Daniel!" Kumaway ako habang inaabangan ang bangkang dumaong sa dalampasigan. Naghagikgikan ang mga kaibigan ni Gaelan na kasama sa bangka. I did not bother. Bitbit ko si Rigo na bahagya ng matibay ang likod. Isang buwan na kasi kami sa isla ng Sta. Monica at ito na ang kinasanayan ko araw araw. Sinasalubong namin si Gaelan sa pampang. Rigo is always excited. Kitang kita ko naman sa mukha nya.
"Rigo, andyan na si Tatay." I whispered giddily. Itinaas ni Rigo ang kanyang kamay tanda ng pagkatuwa. Hindi ko mapigilang pabirong kagatin ang matambok nyang pisngi. Binubusog sya ni Gaelan sa gatas at sa regular na check up. Noong isang araw nga na nagka-rashes si Rigo, isinugod na agad ni Gaelan sa pribadong ospital. Ang pedia ni Rigo ay doon din nagmula.
"Baby!" Sumigaw ng malakas si Gaelan na nasa unahan na ng bangka. He's beaming like a proud man dahil sinasalubong sya lagi ng kanyang pamilya.
"Sino bang Baby mo pre? Si Rigo o si Kathryn?" Tanong sa kanya ni Pedro habang hinihila ang bangka para itali. Napailing si Gaelan habang lumukso pababa ng bangka.
"Parehas." Sagot nya. I rolled my eyes heavenwards. Napakagaling talagang magpanggap ng isang ito. Simula nung pinag-awayan namin ang pagtungo nya sa bahay ng kapitan na hindi man lang nagpaalam, lagi na syang umuuwi ng maaga. Kadalasan, tutulungan nya akong mamalengke para sa mga sangkap na iluluto ko para sa kinabukasan imbes na si Mercy ang makakasama ko.
Lumapit sa amin si Gaelan at agad ko siyang inabutan ng bagong bimpo para pamunas ng pawis. Hindi iyon kinuha ni Gaelan. Bagkus, humalik agad sa aking noo at pisngi ni Rigo.
"Ikaw naman ang magpunas sa akin para sweet." Bulong nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Wag mo nga akong idamay dyan sa acting mo." Pagsusungit ko, nagsimula na kaming humakbang patungo sa aming kubo. He smiled ear to ear when I faced him.
"Alam mo, gustong gusto ko kapag nagsusungit ka. You grew up very well." He even patted my back.
"Masungit ako dahil hindi ka naging mabait sa akin noon. Inubos mo ang lahat ng kabaitan ko." Sagot ko pabalik. It's now Gaelan's turn to raise an eyebrow.
"Ubos na ang kabaitan mo nyan? Kung ganyan ang lahat ng ubos na ang bait, lahat pupunta sa langit." Inakbayan ako ni Gaelan at hinalikan muli ang tuktok ng ulo ko na para bang tuwang tuwa sa pagsusungit ko. Ano bang nakakatuwa sa masungit?! Palibhasa, masungit sya kaya gusto nya siguro ay ganoon din ako.
"Ako na nga ang magpupunas ng pawis---"
"Dan! Pawis na pawis ka! Ako na!" Sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Gigi. Inagaw nya ang bimpo mula kay Gaelan at maagap itong pinunasan ng pawis. "Ako na ha.. Bitbit mo ang bata kaya hindi mo ito magagawa." Gigi said without looking at me. I think she really hates me. Kay Gaelan at Rigo naman ay napakagiliw nya.
"Ay ang kati-kati! Imang ang daming lamok! Ang kati mangagat!" Napatingin ako kay Mercy na diretso ang tingin kay Gigi habang bitbit ang bilao ng kanyang puto. Si Imang naman ang may bitbit ng ulam na iniluto ko, sya na lang ang pinagbebenta ko dahil ayaw ni Gaelan na makipag-interact ako sa mga mangingisda. Security protocol, I think.
Hindi din tinapunan ni Gigi ng tingin si Mercy at Imang. Ako naman ay nagngingitngit sa inis. Akala ko kasi ay nasa Maynila sya gaya ng kwento ni Mercy. Doon daw ito naka-base bilang veterenarian. Well, I didn't ask about her though, sabi kasi ni Mercy mag-iingat daw ako kay Gigi.
Baka dapat si Gaelan ang mag-ingat dahil tumatama ang dibdib ni Gigi sa kanyang braso sa suot nitong spaghetti strap na itim at maong shorts. Hindi kaya masakit sa pakiramdam ang tamaan ng dibdib?
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️