Kabanata 55.1

270K 7.5K 819
                                    


What.


Dahil nagdududa ako sa katauhan ni Gummy Bear, hindi ko na sya kinakausap. Tapos nalulungkot ako kasi si Gaelan hindi na nagfe-facebook, wala na tuloy akong ma-stalk.


"Ria to earth, hello?" Kumaway sa akin si Kuya Ahmed. Tiningnan ko sya at medyo nagulat pa ako. Napailing sya na parang natatawa.


"Sorry  Kuya.." I apologized. Hindi ko alam .  Isang linggo na kasi akong walang balita kay Gaelan kaya feeling ko nawawalan ako ng energy. Tinatamad na akong magtrabaho. Gusto ko na  lang sa bahay tapos magbe-bake na lang ulit ako.


"Ria, bawal mag-hang. Final stage na tayo ng business plan. We have to finish our malls in one year, otherwise maapektuhan ng husto ang conglomerate." Paliwanag sa akin ni Kuya. I sighed.  Alam ko naman yon, kaya lang anong magagawa ko?


Nagpamewang si Kuya at tumayo sa harapan ko, "Okay, ganito na  lang. Take a day off. You're maybe exhausted. But I expect you to be hands-on on the day of the construction  okay? I will check the quality while you will stay close with our suppliers. Nakausap mo na ba ang Valdemar o ang Armstrong? Well, yung Valdemar kasi focuses on townhouses now, ang Nemesis and ASM naman are exclusive to Jacinto's Malls. My pick is Armstrong. I've spoke with Marga, their VP Sales and she said she will be sending the quotation today so review it tomorrow,  rest for a while. Relax, Princess.." Mahinahong sabi sa akin ni Kuya.


Hindi naman kasi ako masyadong stress eh. Baka matawa lang si Kuya kapag sinabi ko ang dahilan ng pag-e-space out ko. I glimpsed on my ipad again. Wala pa ding post si Gaelan. Si Gummy Bear, himala at hindi naman ako kinukulit ngayon. Nagsawa na siguro.


Sinunod ko ang payo ni Kuya. I think I need to get sleep. Kakaabang ng post ni Gaelan, para akong fangirl nya na napupuyat sa wala. Gusto ko lang naman kasing malaman kung kumusta na sya pero hindi naman nya ako ina-add sa facebook nya.


Pagdating ko naman sa bahay, wala si Rigo, isinama daw ni Mommy at Daddy sa golf course. Wala tuloy akong mapaglibangan.  Binuksan ko muli ang laptop ko at tiningnan ang sinasabing email ni Kuya mula sa Armstrong.


I scanned through the prices and noticed one thing.


Mahal.


Ganito ba ang presyo ng semento at bakal? Siguro kung makakadiscount kami ng kahit 25% pa, malaki ang matitipid namin.


Humingi ako ng tulong kay Selene ng hindi ko mapalagay. Ipinasa nya ako sa kanilang staff para bigyan ako ng presyo ng bawat materyales.  I compared the prices of Armstrong from the cost at nakita kong sobrang laki ng deprensya.


"Grabe Selene! Ang laki ng tubo nung kukuning kumpanya ni Kuya. Sana ay kayo na lang!" Reklamo ko sa telepono habang nakahiga sa aking kama. Sumakit na kasi ang mata ko sa kakatingin ng napakahabang listahan ng mga materyales na kakailanganin.


"Hindi na tumatanggap ng malls si Daddy. Masakit nga daw sa ulo dahil mahigpit sa deadline at napakadaming requirements. Feeling ni Daddy nalulugi sya sa back jobs dahil sa specifications ng arkitekto na hindi sang-ayon sa engineer."

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon