Kabanata 22

300K 9.1K 1K
                                    


Safety.

Tumakbo ako papabalik ng kwarto na umiiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal. Basta ramdam ko ang sakit na hindi ako pinakinggan.


"Baby Girl.. Kain na ng dinner, kanina ka pa hindi kumakain." Narinig ko si Sam sa gilid ng kama. Umiling lamang ako.

"Baby Girl.. Naiinitindihan ko ang nararamdaman mo. Syempre si Baby Boy ang issue dito, pero kahit hindi ka kumain, desidido talaga sina Tito Al na ipakulong sya. Kung ano man ang dahilan ni Baby Boy, mali pa din sa batas ang ginawa nya. Kung ang batas kasi Baby, nag-ma-matter sa feelings eh di wala na makukulong?"

Hindi ako umimik. If they want to send anyone to jail, they can do that except to Gaelan. Ayaw ko talaga syang makulong. All my life hindi ako naging brat, lagi akong nakikinig at sumusunod but not this time. I am not in for this.

Napabuntong hininga si Sam at umalis na ng kwarto. Narinig ko pang ipinaliwanag nya sa pamilya ko na ayaw kong kumain. Naririnig kong nagrereklamo si Mommy pero sinabi ni Daddy na hayaan muna ako.

I can hear the sound of dining utensils outside, naamoy ko din ang pagkain pero wala akong gana. Gusto kong tawagan si Gaelan para sabihing magtago sya pero wala naman akong numero nya.

Naramdaman ko na lumubog ang kama na hinihigaan ko. Natanawan ko si Kuya Gilad. Humiga sya sa tabi ko at pilit na sinisilip ang mukha ko. Lalo ko lamang iyong siniksik sa unan.

"Baby.. It breaks our hearts kapag nagtatampo ka." Bulong sa akin ni Kuya Gilad.

"Sana intindihin mo naman sila Daddy. Pag nagfifty years old ka na at nagkaroon ka ng anak, maiintindihan mo sila.."

Napalingon ako kay Kuya. Nakangiti sya sa akin. Fifty years old talaga?! Hinampas ko sya sa balikat dahil nagpipigil ako sa pagngiti.

"I hate you all!" Sambit ko. Hinuli ako ni Kuya Gilad at kinulong sa yakap.

"We love you, Baby. Bata ka pa kasi kaya hindi mo naiintindihan. But this is the best for Rab's safety." Ani Kuya. Hindi ko pa din maintindihan.

The best won't matter. Pupwede naman na magdagdag ng security si Kuya Rab para walang makalapit sa kanya. I sniffed again at hinagod ni Kuya ang likod ko. Hindi ko pa ito iintindihin. Both parties are at fault. Wala akong sinasabi na tama si Gaelan pero dapat ay pumili din si Kuya Rab ng babaeng paiibigin.

If people would make the right choices, no one would get hurt. The thing is, you'll only know it is wrong after you suffer from its consequences.


Nilapit ko ang sarili kay Kuya Gilad at niyakap nya ako ng mahigpit.

Nakatulog ako sa ganoong ayos.

Tiyak ko na hindi ako papasok kinabukasan. Nagising din kasi ako na may guilt. Bigla kong naisip si Kuya Rab. Hindi ko na sya sinilip simula kagabi dahil naging emosyonal ako. Masama ang loob ko sa kanila, I was blinded by my wants from what is right, but still, ang desisyon ko ay mananatili. Hindi ko pa din gustong maparusahan si Gaelan.

Katabi ko si Kuya Gilad at katabi naman nya si Kuya Ahmed. Parehas silang tulog kahit sumisilip na ang liwanag sa labas.

Humakbang ako papalabas ng kwarto na hindi gumagawa ng ingay. Sumilip ako sa pwesto ni Kuya Rab. Gising na sya at nagce-cellphone. Wala syang kasama sa labas. Napalingon sya sa akin at malambing na ngumiti. Alanganin akong lumapit sa kanya pero iniunat nya ang kanyang kamay para lumapit ako sa kanya.

"Baby Botchog.." Hinawakan ni Kuya ang kamay ko. Umupo ako sa kanyang kama na hindi makatingin sa kanya.

"Nalulungkot si Kuya kapag nagtatampo ka sa amin eh." Bulong nya. Lalo naman akong naguilty.

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon