Kabanata 6

329K 10.4K 921
                                    

                  


Crush.


"Umikot ka pa!" Sigaw sa akin ni Rona, ang cheerleader namin. Hirap na hirap akong kunin ang steps dahil hindi ko alam kung marunong ba akong sumayaw. Noong bata pa ako, naalala kong nagba-ballet ako, mas madali yon para sa akin dahil mahinahon ang pag-galaw. Hindi kagaya nito na halos baliin na ang aking buto.


Umikot ako ng gaya ng sinasabi. Nakahalukipkip si Rona. Sila ang sumita sa akin kanina sa locker room, siya ang may gusto kay Gaelan at pakana nya kung bakit ako nandito.


Para pahirapan ako.


Umikot ako ng isa pang beses, tumango ang mga nasa likod ni Rona na higher year habang pinapanood ako.


"She's surprisingly--" Ngumisi si Sunshine at siniko si Rona, umismid si Rona at tumingin sa malayo.


Surprisingly? Surprisingly ano?


"Montebello! Late ka na naman!" Napatingin ako doon sa direksyon na tiningnan ni Rona. Nakangiti si Selene na lumalapit sa amin, nakasuot sya ng malaking tshirt at jogging pants na ang isa ay naka-angat hanggang tuhod.


"Late dismissal, leader!" Sagot ni Selene. Dumako ang mga mata nya sa akin at agad na nanlaki iyon.


"Oh my! Ria! You are here!" Halos mapatalon pa si Selene pagkakita sa akin. Alanganin akong ngumiti dahil pinagtitinginan kami ng mga kasamahan namin.


"Enough! Kanina lang ay magkasama kayo ah? Bakit parang sumobra naman kayo sa saya? Ikaw!" Tinuro ako ni Rona, "Turuan mo yang kaibigan mo! The rest, you may take a break." Lumakad si Rona papalayo sa amin. Naiwan kaming dalawa ni Selene sa dance studio. Napakamot ako ng aking ulo. Nahihirapan na nga ako, magtuturo pa.


"Sumali ka pala!" Kumapit si Selene sa braso ko na parang tuwang tuwa.


"Oo.. I mean, hindi. Sinama lang nila ako sa listahan kasi galit sila sa akin."


Nagbago ang mukha ni Selene, napalitan ngpag-aalala "Galit? Bakit?"


"Dahil doon sa amin ni Gaelan... Gusto nila akong pahirapan..."


"Ganoon ba? Sinabi mo na ba kay Sir Advincula? Halika, sasamahan kita magsumbong." Agad na hinila ni Selene ang kamay ko pero hindi ako kumilos. Kapag ginawa ko yon, tiyak na hahanap pa sila ng paraan para mabalingan ako ng inis.


"Hindi na.. Okay lang din kasi nandito ka." Nakangiting sabi ko.


"Naku, hindi rin! Tamad ako magpractice. Nakakainis kasi yang mga kasama ko dito. Sumali lang naman ako kasi na-pressure ako kay Mommy. Si Zeus kasi kasali sa basketball. So I have to be part of the Elite Circle too."


"Anong kinalaman ni Zeus sa pagsali mo sa squad?" Kung tutuusin, ang mga tipo ni Selene ang nababagay dito, she's very pretty and petite, hindi kagaya kong malapad ang pangangatawan.


"Basta! Masyado kasi syang pabida sa parents ko kaya naiinis ako sa kanya. Minsan nga, tingin ko mas paborito pa sya kaysa sa akin." Hinawi ni Selene ang kanyang buhok at halatang naiinis. Nabanggit ni Selene na parang anak ang turing ng kanyang mga magulang kay Zeus dahil wala daw itong Daddy at ang Mommy naman nya ay abala sa pagtatrabaho. Nagkataon pang wala ding kapatid na lalaki si Selene kaya tinatangi ng parents nya si Zeus.


Tingin ko naman hindi kinulang si Selene sa pagmamahal, but maybe sometimes, your measuring tool is different to others, may mga tao namang ayaw ng atensyon, kagaya ko.


THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon