Sino?Nagising ako kinaumagahan na nandoon ako sa tabi ni Gaelan. Agad na uminit ang pisngi ko kasi hindi ko alam na nakatulog pala ako sa tabi nya.
Nagkukwentuhan pa kami kagabi tungkol sa favorite kong Saint eh. Nakakahiya naman kung ako ang unang nakatulog! Tapos yung pwesto pa namin, pinagkasya namin ang aming sarili sa kama na pang-isahan lang.
Nakasiksik ako sa kanya at nakapatong ang kamay nya sa bewang ko, mahimbing din sya. Bahagyang nag-iba ang pattern ng tibok ng puso ko at nahulog sa paninitig kay Gaelan.
Ang amo amo ng mukha nya kapag tulog... Sinilip ko ang pilikmata nya at pinalaruan ko pa iyon gamit ang hintuturo ko. Makapal ang pilik nya, mas makapal pa ata kaysa sa akin. Lumipat ang daliri ko sa ilong nya. Ang tangos naman, mapula ito dahil pinagsusuntok kagabi pero hindi nabawasan ang pagkaperpekto nito. Tapos yung lips nya parang strawberry. Kahit umaga at hindi naman nya kinakagat, mapula pa din..
Dahan dahan akong kumilos para sana bumaba kaso bumigat ang kamay ni Gaelan sa bewang ko. Hindi tuloy ako ulit nakagalaw. Kaya lang nag-aalala ako dahil baka masaktan ko sya at hindi maayos ang pagkakapuwesto nya, nabugbog pa naman sya ng husto.
"Dito ka lang.." Natigilan ako sa pagkilos ng marinig ko ang napapaos na boses ni Gaelan. Tinitigan ko sya ng husto. Nakapikit pa din sya.
"Paano ka gagaling kapag hindi ka makakapahinga ng maayos?" Hinaplos ko ang pisngi nya at kinapa ang mga galos doon. Napangiti sya sa aking ginagawa.
"I just had the best sleep."
Gusto ko syang hampasin kaya lang naalala ko na bagong bugbog pala sya. Naalala ko na naman na kagagawan ng kapatid ko.
"Sorry.. Sorry sa ginawa ng kapatid ko." Mahinang bulong ko. Bahagyang nagmulat ng mata si Gaelan at sinilip ako.
"Did I say that Im mad? Lahat naman ito may kapalit hindi ba? You will stay." Para syang bata na nagpapaalala sa akin ng binitiwan kong salita.
Ngumiti ako at tumango. Pangako.
Nang masiyahan na si Gaelan sa pagsiksik ko sa kanya, bumangon na din ako bago pa may dumating na doctor at nurse sa kanyang kwarto. Naunang dumating ang almusal nya. Nagpakuha din sya ng pagkain para sa akin pero tumanggi ako.
"No. Sabay tayong magbe-breakfast. Unang beses to hindi ba? Nagising tayong magkatabi." Ngumiti si Gaelan at hindi nga ginalaw ang kanyang pagkain hangga't hindi dumadating ang akin. Nahihiyang ngumiti ako sa babaeng nurse na nagdala ng pagkain ko, pati tuloy ako ay inaasikaso nya pa.
Umupo kami sa gilid ng kama, mayroong lamesang may gulong sa tabi ni Gaelan at inilipat iyon sa aming harapan. Fried rice, eggs, ham and bacon ang nakahanda. Mayroon ding fruits at juice. Si Gaelan ang nagsasalin ng pagkain ko sa aking plato, para tuloy ako ang mayroong sakit!
"Ako na.." Protesta ko habang nagsasalin si Gaelan ng juice sa baso ko.
"Ako na. Baka kasi kapag nakakita ka ng mag-aasikaso sayo, doon mo na ibigay ang atensyon mo."
Natawa ako sa sinabi nya. Si Gaelan talaga! Anong akala nya sa akin? Naghahanap ng taga-silbi? Madami kaya kaming taga-silbi sa bahay.
"Bakit natatawa ka?" Nag-wiggle yung kilay ni Gaelan. Hindi ko kasi mapigilan. Iniisip nya bang ang basehan ng pagmamahal ay nasusukat sa pinakamagbibigay sayo ng atensyon?
Madami nga ang umiibig dyan na hindi nasusuklian pero umiibig pa din sila. Hindi naman kasi nadidiktahan ang puso na piliin ang mababait lang sayo. Kadalasan, we fall for the wrong ones, mas naghahabol tayo sa mga bagay na mahirap makuha.

BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️